Mavis Nhea's P. O. V. Nakaupo ako sa hapagkainan habang nakalapag ang papel ko para ayusin ang aking lecture sa Araling Panlipunan, sobrang daming lectures kada lesson, sobrang strict din ng teacher namin doon. Gusto niya organize ang lecture at hindi bura-bura. Ngayon ay bumili pa ako ng pang-bind sa notebook saka pira-piraso ng papel. Matatapos na kasi ang first grading, ngayon ay kailangan ko ire-write ang lecture mula lesson 1. Sobrang daming kailangan isulat pero kailangan ko rin tapusin ngayong gabi. "Oh, iha... Gusto mo ba ng meryenda at bakit diyaan ka nag-aaral?" tanong ni Manang. "Kukuha na lang po ako ng tinapay sa ref. Mas okay po kasi dito ako mag-aral, susulat lang naman po ako para mas komportable--" "Malaki ang study table ni Ardel sa kwarto niyo," aniya. Napakamot ak