Mahimbing na natutulog si Apple Joy nang biglang tumunog ang cellphone ni Trevor sa gilid ng Kama. Na-alimpungatan siya dahil sa pag iingay ng cellphone nito. Grrr Ang lakas naman ng Ring Tone ni Trev! "Ano ba sagutin mo na yan!" Inaantok niyang sabi kay Trevor. Pero hindi padin nito sinasagot ang Cellphone kaya naman bumangon na siya "Ano ba sabi ko sayo sagutin mo na--- Nasaan yun?" Natigil siya sa kanyang pagsasalita ng mapansing wala si Trevor sa kama. Saan nagpunta yun??? Pupungas pungas pa siya ng abutin niya ang cellphone nito. Hindi na niya tinignan kung sino ang caller basta nalang niya sinagot ang tawag nito Iritable niyang sinagot ang cellphone. Paano pakiramdam niya nabugbog ang katawan niya dahil sa ginawa nila ni Trevor kagabi halos hindi na siya patulugin nito! Kula