Malungkot na nanunuod ng Korean Drama si Apple Joy habang kumakain siya ng Malaking Lays potato chips at Dalawang malalaking coca-cola. Ilang araw na siyang ganito. Back to Normal ang kanyang life style. "Ang Lungkot naman ng mga bida dito.." Pinupunasan pa ni Apple Joy ang kanyang luha habang nanunuod ng Korean drama na 'Go back couple' Kung saan naghiwalay ang mga bidang character dahil sa hindi pagkakaintindihan. napansin niya din na mabilis siyang tumataba nanaman. Nagkakaroon na siya ng munting bilbil sakanyang tiyan at lumolobo unti unti ang kanyang pisngi ngunit wala na siyang pake-alam. Heart broken siya dahil sa nangyari sakanila ni Trevor sa Hotel kung saan sila huling nagkita. Napasimangot siya ng maalala nanaman si Trevor! Impakto ka! Walang puso! Kumain siya ng kumain