"Wag kang magpataba uli. Makakasama sa kalusugan mo" Pagalit ni Lance sakanya habang kinukuhaan siya nito ng dugo. For CBC Dinala kasi siya ni Mae sa Steford Hospital dahil nahihilo siya kagabi. "K..Kuya lance mamamatay na ba ako?" "What? No.. Nagkaka-diabetes ka lang kapag pinagpatuloy mo pa ang pagkain mo ng matatamis." Para siyang batang pinapagalitan ni Lance, Magaling na doctor ito kaya naman nagtitiwala siya dito. Lalo nat pinsan niya ito Pinalapit siya ni Lance sa Timbangan. "Salamat kuya Lance, Mataba na ba ako?" Nakatingin siya sa timbang niya "Hindi ka naman masyadong tumaba. Dalawang kilo lang ang itinaas ng timbang mo. Pero wag ka na magpataba pa dahil mataas ang sugar mo sa katawan" Ginulo pa ni Lance ang kanyang buhok "Thanks kuya Lance. Nagkita na ba kayo ni Ate h