"Gusto ko na pong umuwi! Pauwiin niyo na po ako!" Pilit na nagpupumiglas ang batang si Madel sa mga kidnapper. "Sabing tumahimik ka!" Pero sinampal lang ito ng isang lalaking matipuno ang katawan. Umiyak ang bata. "Oy ba't mo naman sinasaktan ang bata?" sita ng isang lalaki rin sa kasamahan. "Naririndi na ako, eh!" "Ano ka ba?! Tiis-tiis lang. Bukas na bukas ay tapos na rin naman na ang trabaho natin, at magkakapera pa tayo ng madaming-madami dahil sa batang 'yan, kaya pagpasensyahan mo na lang," sabi naman ng isang lalaki. "Bahala na nga kayo riyan!" Padaskol na tumayo ang lalaking nanampal at lumabas muna. "Sigurado ka bang tutubusin 'yan bukas ng mayaman niyang tatay?" tanong ng isang lalaki sa isa pang lalaki. "Sigurado ako! Dahil mahal na mahal nila ang batang 'yan!" tiwalang-