"Sa sobrang pagka-guilty ng anak kong si Ruth ay araw-araw niyang hinahanap ang kapatid niyang si Madel. Sinisisi niya ang sarili niya ng sobra. Siya raw ang may kasalanan. Naging pabaya raw siyang kapatid kaya na-kidnap si Madel. Lagi niyang sinasabi sa gitna ng kanyang pag-iiyak na kung hindi lang sana niya pinayagan noon ang kapatid niya na maglaro sa labas ay sana hindi raw na-kidnap si Madel. Kahit anong paliwanag namin sa kanya ay hindi niya tinatanggap. Mas nadagdagan pa ang kanyang paghihinagpis noong akala niya ay maililigtas na niya si Madel pero nabigo ang mga pulis na pinagsumbungan niya kaya hindi na namin natuluyang mabawi si Madel." Kinaya na kwento ni Mrs. Deloria kahit na hirap-hirap sa bigat ng damdamin nito kapag naalala ang mga kaawa-awang sinapit ng mga anak nila. "H