"Saan ka ba nagpupuntang bata ka?! Ni halos 'di ka na umuuwi, ah?" Pinagalitan agad si Jaycion ng kanyang Tatay nang umuwi siya sa bahay nila. Palibhasa ay nakainom na naman ang batugan niyang ama. "Sa trabaho lang po. Laging overtime po kasi," pagsisinungaling niya. Hindi niya pwedeng sabihing galing lagi siya kina Jo-anne dahil mas hahaba lang ang usapan. "Oh baka naman may pinupurmahan ka ng babae? Aba'y kulang pa ang sahod mo sa ating dalawa para mag-asawa ka na! Mag-ipon ka muna bago ka mag-asawa!" Napabuga na lang siya ng hangin sa bunganga niya. Tulad ng dati, pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa ang ginawa na naman niya sa mga walang kwentang sermon ng kanyang Tatay. Wagas kung makasermon pero hindi naman alam ayusin ang sarili. Tss! Simula namatay ang inay niya ay gano'n na a