"Sigurado kang nakikita mo siya?" Ayaw pa rin maniwala ni Jaycion pero halatang natatakot na siya. Kung saan-saan kasi siya napapatingin. "Oo! At humihingi siya ng tulong sa'kin Jaycion!" Ayaw na ring bawiin ni Jo-anne ang sinabi. Tutal ay kailangan din naman nila ng dagdag tulong ni Madel at naisip nito na si Jaycion ang taong makakatulong sa kanila. Ang kailangan lang nilang gawin ni Madel ay makumbinsi ang binata at hingin ang tulong nito. "Niloloko mo naman yata ako, eh!" "Hindi, ah! 'Andito nga siya! Heto siya, oh! Nakangiti siya sa'yo!" Idinantay ni Jo-anne ng kamay nito sa ulo ng batang multo na nasa tabi nito. Nga lang sa paningin ni Jaycion ay para lang tanga ang dalaga sa hitsura nito. Walang duda, pinagtri-trip-an lang siya ni Jo-anne! Hindi siya naniniwala sa multo! Walang