Nakatitig pa rin ako ngayon kay RoJeck. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko sya. Para bang tumahimik ang paligid namin at ang tanging naririnig ko nalang ngayon ay ang mabilis na t***k ng puso ko. Matagal na rin simula nung huli namin pagkikita. Pero ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pano nya nalaman na dito kami nakatira? Ang masaklap pa ay pumunta sya rito habang nasusunog ang bahay namin. Damn! Wrong timing. "RoJeck, ka-kailan ka pa dumating?" Ngunit di nya iyon pinansin at linipat ang tingin nya sa likod ko. Hindi ko alam kung sino ang tinitingnan nya, si Vince ba o si Raven? Puno ng kaba ang nasa dibdib ko. Bumalik ang tingin nya sakin at narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Napaatras ako ng isang hakbang nang lumapit sya sakin. Imbes na umiwas sa mariin ny