Isang linggo na ang nakalipas, simula nung pinaalis ako sa skwelahan namin. Sa isang linggo na 'yun ang tanging ginagawa ko ay ang magtrabaho sa restaurant ni Ma'am Martha, hatid-sundo sa anak ko na nag-aaral at minsan nasa bahay lang ako, naglilinis. Ganun ang naging buhay ko araw-araw. Nung malaman ni Vince na pinaalis ako sa skwelahan at hindi makakapag-aral na ay nagalit sya. Kinausap nya rin ang principal na wag akong paalisin pero kasamaang palad, hindi pa rin nagbago ang desisyon. 'Yun na talaga ang kapalaran ko. Hanggang ngayon din, di ko pa rin nakakausap si Jeck. Sabi ng kapatid ko, wala pa syang balita na dumating si Jeck at hindi nya pa rin ito nakikita sa loob ng skwelahan na pumasok. Kailan kaya sya dadating? Matagal na rin, simula nung umalis sya. Malalim akong napabunton

