Napahilot si Nes sa kanyang sentido, nang matapos nya marinig ang kwento ko tungkol sa nangyare sakin kahapon. "Shan naman eh! Yun na oh! Pagkakataon mo na sabihin kay Jeck ang totoo, nasa condo ka nya kanina pero di mo pa sinabi. Dapat mo na talaga sabihin sakanya ang totoo Shan, kasi nakita mo na ang driver ni Jeck at nakausap mo pa sya. Atsaka para din naman ito sainyo ni Raven." Kanina pa ko nakauwi. Sa katunayan nga gabi na ngayon. Nung nakauwi ako kanina, sobra ko na niyakap ang anak ko. Sobra ko syang namiss at ngayon natutulog na sya sa kwarto namin. "Shan, ang dami na nangyare sayo kahapon. Ang pag-uusap nyo ni Ferika at ang driver ni Jeck, ang pagkikidnap din sayo ni Robin. At ito pa Shan, hindi lang ako, jhoniel, vince, ferika, at yves ang may alam na may anak ka kundi pati d