Nagising ako sa pamilyar na silid. Ang kwarto namin ni Raven. Nakauwi na ko. Paano? Wala akong maalala. Tumayo ako sa higaan, at pumunta sa pinto para buksan. Gusto ko na makita ang anak ko. "Raven!" hanap ko sakanya pero sa huling banggit ko sa pangalan nya ay nanghina ako dahil sa nakita ko. "Ra... ra... ven.." Napatigil ako at di ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hindi. Hindi pwede 'to. Si Raven at RoJeck magkasama. Sumulyap sakin si Jeck at ang sama ng titig nya sakin. "Mama!" Lumapit sakin si Raven. "Mama! Nandito na si Papa." Masayang sabi nya. Nalaman nya na kung sino ang papa nya ngayon. Napatitig ako sa anak ko, hindi ko alam kung anong dapat kong sasabihin sakanya. Akala ko magagalit sya sakin dahil tinago ko kung sino ang papa nya. Nawala ang atensyon ko kay Raven nang ma