SHANAYA POV Unti unti ko na minulat ang mga mata ko at nilibot ang tingin sa paligid. Nasaan ako? Hindi pamilyar itong lugar sakin. Inalala ko kung anong nangyare sakin kanina bago ako mahimatay. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko nang maalala ang nangyari sakin. Nakidnap ako. Napatingin ako sa paa ko na nakatali. Naramdaman ko rin na nakatali ang kamay ko sa likod at di ko rin mabuka ang bibig ko para magsalita dahil may panyo na nakaharang. Shet! Sinong walang hiyang tao na kumidnap sakin!? May anak pa ko na naghihintay sa bahay. Gusto ko na umuwi, at tumakas dito. Ginalaw ko ang kamay ko para tanggalin ang tali, pero di ko magawang tanggalin dahit mahigpit ang pagkakatali nito. Damn! "Hmmmmmpp!" Pakawalan nyo ko. Hirap magsalita. Nakaramdam ako ng takot nang bumukas ang pinto, at p