"Nalaman na ba ni RoJeck huh? Ano? Ano sabi nya?" Napakagat ako sa kuko ko. Ugh. Kausap ko si Nes sa cellphone ko. "Hindi pa eh." sagot ko. "Ano! Shan naman, nasabi mo sakin kanina na biglang dumating si RoJeck habang nag uusap kayo ni Ferika kanina at ---" Di ko na sya pinatapos. "Nes. Oo, dumating sya at nagtanong kung may dapat ba syang malaman pero bigla may dumating na studyante dahil pinapatawag sya ng tito nya kaya nga nandito ako ngayon sa leisure room dahil sinama ako ni RoJeck papunta dito." paliwanag ko sakanya. Nakaupo ako sa sofa ngayon habang si RoJeck at ang Tito nya ay nasa loob ng isang silid at dito ako pinahintay ni Jeck. "Kailan mo balak sabihin sakanya, huh?" Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam. Mabuti nga may dumating kanina para tawagin si RoJeck. Hindi ko a