Matapos ang pangyayari kanina ay pinabalik ko sa kama si Raven. Kita ko pa rin sa mata at itsura nya ang panghihina at pagod. Pumayag na rin sya uminom ng gamot kaya napangiti ako. "Hindi kita iiwan kaya matulog ka na." Pansin ko na pumipikit ang mga mata nya pero pinipilit nya na di matulog. Tumango sya sa sinabi ko at nakatitig lang sya sakin hanggang sa narinig ko na ang mahimbing nyang pagtulog. Kahit nasasaktan ay nangingibaw pa rin sakin ang saya dahil sa wakas nilabas din ni Raven ang totoo nyang nararamdaman. Ayoko na masaktan pa ulit ang anak ko kaya hindi ko na gagawin ang ginawa ko sakanya noon, ang pag iwan sasakanya Ayoko rin sayangin ang pagkakataon na 'to para makabawi sa anak ko. Pinatawad na nya ko, sasayangin ko pa ba? Sa pagbabantay ko sakanya ay di ko namalayan na