Tumigil na ang anak ko sa pagtawag sakin at unti-unti nyang minulat ang mga mata nya. Nginitian ko sya kahit halata sakanya ang gulat. "B-bakit kayo nandito?" Napapaos at mahina nyang tanong. "Nag-alala ako sayo kaya ako nandito. Kailangan mo gumaling." Iniwas nya ang tingin sakin at di na nag-salita muli. Bumuntong hininga ako. Wala syang reklamo na nandito ako kaya mas lalo ako napangiti at gumaan din ang pakiramdam ko. Tumayo ako para sana magluto ng lugaw. Nagpaalam na rin ako kay Nay Lucia kanina na magluluto ako at pumayag naman sya. Napansin ni Raven ang kilos ko kaya napatingin ulit sya sakin. "Sa-saan ka pupunta? Aalis ka na?" Hindi ko alam kung mali ba ang pagkakarinig ko sa tono ng tanong nya. Parang natatakot sya na umalis ako. "Hindi ako aalis. Sabi ng yaya mo, hindi ka