Mag-isa ako naglalakad sa gitna ng hallway para pumunta sa canteen. Tatlong araw na hindi pumapasok si Raven at sobra na ko nag-alala. Ang sabi ng adviser nya ay may sakit daw ang anak ko kaya hindi sya makapasok. Simula nang malaman ko na may sakit si Raven ay parang may bigat na bagay sa katawan ko. Nanghihina ako at gusto pumunta sa tabi nya para alagaan sya. "Ma'am Shanaya!" Napatigil ako sa paglalakad at nakita ang isang babae na papalapit sakin. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sakin ang studyanteng babae. Nakangiti sya na tumigil sa harapan ko. "Good Morning po, Ma'am." Bati nya. "Good Morning din. May kailangan ka? O, may masakit sayo?" "Wala po. Gusto ko lang po magpasalamat nung isang araw. Tatandaan ko po ang sinabi nyo at aalagaan ko na rin ang sarili ko po." Napatango