Hanggang ngayon ay parang may hiwa pa rin ang puso ko dahil sa sinabi ni Raven. Hindi ko magawang kalimutan ang sinabi nya sakin. Sobra ako nasaktan. Alam ko na galit sya sakin dahil umalis ako noon nang wala manlang pasabi sakanya. Umalis ako nang di nya nalalaman. Kasalanan ko 'to kaya ako nasasaktan ngayon. "A-anak nyo po ba talaga si Raven?" naiilang na tanong sakin ng bata nang matapos ko linisin ang sugat nya. Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit at humarap sakanya. Hanggang ngayon ay di pa bumabalik sila Ma'am. Siguro, di na yun babalik. Ayaw sakin ni Raven. Bumuntong-hininga muna ko bago sya sagutin. "Anak ko sya." "P-papagalitan nyo po ba ko dahil sa nangyari kay Raven? Hindi ko po talaga sinasadya na gawin yun sakanya." may halong takot sa boses nya. Hindi ko pa pala tinano