Ilang oras nalang, dadating na kami sa Manila. Bumaba ang tingin ko sa cellphone na hawak ko. Inopen ko ito, at bumangad sakin ang isang picture ng anak ko. "Raven, gustong-gusto na kita ulit makasama." Mahina kong sambit habang nakatitig sa mukha nya sa picture. I really, really miss him. Konti nalang makikita ko ulit sya. Malalim ako napabuntong-hininga at binalik ang tingin sa labas. Kasalukuyan kami nagba-byahe papuntang Manila. Sa tatlong taon, nasa davao lang kami ni Vince. Naging maganda ang buhay namin don. Kaso nga lang, parang may kulang, at yun ay ang anak ko. Naging mahirap para sakin na hindi ko kasama ang anak ko. Lagi kong iniisip, kung kamusta na ba sya? Galit ba sya sakin? Nami-miss nya rin ba ko? "Ate?" tawag sakin ng kapatid ko na nasa tabi ko lang. "Hmm?" sabay li