Typos and grammatical error ahead!!!
¤¤¤
KENNETH POV:
¤¤¤
"Bakit niyo po pinayagan ulit maging modelo si Acer tito?" Seryusong tanong ko kay Tito Ace ng puntahan ko na ito mismo sa opisina bago pa ako ang puntahan nito.
"Iyan lang ba ang sinadya mo dito?"
"Napag-usapan na natin ang bagay na ito tito. Kailangan nating alisin siya sa mga mata ng publiko para sa kaligtasan niya."
"Alam ko pero nakiusap siya sa akin."
"Pero tito..."
"Hayaan mo na siya Kenneth. Gusto ko lang palugudan ang gusto niya." Balewalang sagot ni Tito Ace sa akin.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Sadya yatang wala na akong magagawa pa kahit na ayaw kong payagang maging modelo siya sa mga iniindorso kong mga damit.
"Maasahan naman kita sa pagbabantay sa kanya habang nasa pangangalaga mo siya." Dagdag pa ni tito Ace bago muling itinuon ang pansin sa ginagawa.
"Pero alam niyo naman na hindi ko siya mababantayan sa lahat ng oras. Nasa kompanya ako at siya ay madalas nasa paaralan. Hindi ko sana pro-problemahin ang kaligtasan niya kung nag aaral pa rin ako hanggang ngayon dahil magagawan ko ng paraan na bantayan siya sa bawat oras." Mahaba kong paliwanag.
Pagdating kay Tito Ace kapag ito na ang pinakiusapan niya ay siguradong wala na nga akong magagawa kundi ang pumayag na lang kapag sasabihin nito sa sundin ang gusto ni Acer.
"Just do it. Pagbigyan mo na siya ngayon. Pasasaan ba't magsasawa din siya sa pagmomodelo na iyan."
"Kayo ang bahala tito. Kung nasa kompanya lamang siya ay 100% na masisigurado ko ang kaligtasan niya."
"I know that. Mayroon namang nagbabantay sa kanya na nasa paligid lamang sa loob ng eskwelahan nila kaya huwag mo ng masyadong i stress ang sarili mo sa kakaisip sa kaligtasan niya. Pagbigyan mo na lang ang hilig niya."
"Sige tito. Nasabi ko na ang pakay ko. Mauuna na po ako."
"Yeah! Just keep up the good work."
"Yes tito." Agad na akong tumalikod at lumabas na sa opisina ni tito Ace.
Pagpapakawala na lang ng buntong hininga ang tangi kong nagawa habang pabalik na din sa aking sariling opisina.
Dobleng pagbabantay na lamang ang magagawa ko para sa kanya. Para sa kaligtasan niya. Sa labas man o sa loob ng kompanya.
¤¤¤
¤¤¤
Mabilis kong natapos ang trabaho ko kaya naman nagpasya akong puntahan siya sa kanyanh eskwelahan para sabay na sa pag uwi ng bahay.
Nakiusap kasi si Tito Elijah na kung maari ay umuwi naman ako ng bahay ngayon. Minsan na lang daw kasi ako umuwi ng bahay at laging abala sa trabaho kaya gusto ni tito Elijahna kahit isa o dalawang beses man lang na makasalo ako sa hapunan.
Hindi ko naman mahihindian ang pakiusap nito kaya kahit gusto ko pang manatili sa kompanya ng late ay agad kong tinapos ang dapat tapusin ngayon araw na ito at nagpasya akong sunduin na lang si Acer.
"Sir Kenneth." Agad akong namataan ng driver niya na matiyagang naghihintay lang sa parking area.
"Mauna ka ng umuwi. Ako na ang maghihintay sa kanya." Sabi ko dito.
"Sige po sir Kenneth." Agad naman itong tumalima. "Mauuna na po ako."
Pagtango na lang ng ulo ko ang isinagot ko.
Tapos na ang subject niya sa mga oras na ito kaya hindi na ako maghihintay sa kanya ng matagal. Sa loob na ako mismo ng kotse ko naghintay.
Ilang sandali pa ay namataan ko na nga siya kasama ang mga kaibigan niya hanggang sa maghiwa-hiwalay na sila. Palapit na siya ng may humarang sa kanya na isang lalaki.
Halata ang pagkagulat niya at bahagyang napaatras palayo dito. Kunot ang nuo ko na mabilis akong bumaba ng kotse at walang sinayang na sigundo na lapitan sila.
"I like you." Narinig kong sabi ng lalaki sa kanya na mas nakapagpakunot ang nuo ko. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.
"Good for you young man.." seryusong sabi ko dito. Parehong nakitaan ko sila ng pagkagulat sa biglang pagsulpot ko.
Tumabi ako sa tabi ni Acer at umakbay sa kanya habang nakatingin parin ako sa lalaki.
"Lakas ng loob mong magtapat sa little brother ko. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang sinabi mo sa kanya?" Tanong ko na nakapagpayuko ng ulo nito. "Hindi kailangan iyan ng kapatid ko kaya kalimutan mo na ang nararamdaman mong iyan para di na lumalim pa. Baka masaktan ka lang."
"Kuya Kenneth..what are you saying? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang naging reaksyon ko sa pagtatapat niya?"
"Hindi na kailanga little Acer dahil alam ko naman na hindi ang katulad niya ang gusto mo." Buong buo na sagot ko sa kanya.
"Remember this young man. Huwag ka sanang gagawa ng laban sa little brother ko dahil sa hindi ka niya gusto. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo sir."
"Good. C'mon.. they are waiting for us for dinner." Baling ko naman sa kanya.
Inalis ko ang pag akbay ko sa kanya na doon mismo na siya kumapit sa akin at magkaagapay nang tinungo ang sasakyan.
"Are you going home tonight?" Tanong niya bago pa man siya sumakay ng pagbuksan ko siya.
"Yeah! Tito Elijah called me this morning para sa hapunan."
"Mmmm. Buti at pumayag ka?"
"Of course." Mabilis na inikot ang kabilang panig ng kotse at sumakay. "Put your seatbelt."
Agad naman siyang tumalima. Hindi na siya umimik pa.
Tahimik at payapa ang paligid kung ganito siya katahimik at hindi sinusumpong ng pagkaspoiled niya pero minsan din naman ay talagang hinahanap hanap din dahil iyon na ang nakasanayan.
"Ka-klase mo ba iyon?"
"Huh! That guy?"
"Yeah."
"No! Nasa last year na siya ng señior highschool."
"Hmmm."
"Bakit ka nakangisi?"
"Nasa señior high school na pero parang bata parin kung umasta." Sagot ko dito. Kung señior highschool ang lalaking iyon ay dalawa o tatlong taon ang pagitan ng edad nila. At ang edad na iyon ay dapat nasa college na ito.
What a waste.
"E ano ngayon. Ikaw ba noon hindi?"
"What do you think?" Balik tanong ko. Dahil kung ako mismo ang sasagot ng tanong nito ay sasabihin kong simula noong napunta ako sa poder ng mga magulang niya ay matured na ang pag iisip ko na mas pinatibay ng daddy niya. Kaya nga hindi ko naranasan ang magsaya noong nasa edad palang niya ako.
Dahil itinamin ng daddy niya na hindi dapat sinasayang ang oras sa walang kwentang bagay katulad ng pamamasyal kasama ang mga barkada. At sinasabing ilaan na lang ang oras para doon sa pag aaral ng ikakabuti ng mga negosyo.
"Boring!" Sagot niya.
"Yeah!" Nakangiti kong sang ayon.
Lagi nga niya akong kinukulit noon. Kung wala akong klase ay ang pinagtutuunan ng oras ko ay ang mga itinuturo ni tito Ace para tungkol sa kompanya na naging dahilan para lagi siyang nagagalit sa akin. Keso daw I don't like him. Keso daw mas mahalaga sa akin ang yumaman kaysa ang makipaglaro sa kanya. At doon nagkaroon ng gap sa pagitan namin.
"Hmmp." May talim ang tingin na ipinukol niya sa akin bago iyon ibinaling sa labas ,g bintana. As always.... lagi nga siyang nagtatampo at madalas ayaw na din niya akong kausapin. Para daw patas lang kami.
Siya na mismo ang nagsabi.. kung ayaw mo akong kalaro.. ayaw ko na din sayo..
Hayst! Brat as always..
Hindi ko na siya inimik pa. Baka mapahiya pa ako kapag patuloy ko siyang kausapin. Sasabihin na namang.. huwag mo akong kausapin.. sino ka ba?
Kaya naman siya na lang ang hinihintay kong lumapit at kumausap sa akin. Pero sa ganitong pagkakataon naman kung gusto ng tito Elijah na pumunta ako ng bahay ay ako naman ang susundo sa kanya. Hindi naman siya tatanggi dahil alam kong kinusap na siya ng mommy niya.
"We're here." Maayos na ipinarada ko ang kotse ko. Pagbubuksan ko sana siya ng pinto pero mabilis din kaya halos sabay kaming nakababa ng kotse.
"Baby, kumusta ang araw mo?" Tanong ng tito Elijah sa kanya ng salubungin niya kami. Humalik siya sa pisngi bago sumagot.
"Great, mommy.. where is daddy?"
"Nasa loob na baby.. and you.. how's your day, hijo."
"Okay lang naman tito." Humalik din ako sa pingi ng tito. Nauna ng pumasok si Acer sa amin kaya magkaagapay na kaming pumasok ni tito Elijah.
Naabutan na naming naglalambing na naman siya kay Tito Ace. Napapangiti na lang si Tito Elijah sa kalambingan niya sa kanila.
"Daddy, bukas na magsisimula ang picturial ko. Wanna watch me tommorow?"
"Of course baby. I will.."
"Yeheey... how about you mommy?"
"Gusto mo ba?"
"Of course. Can you???"
"Yeah! Sige baby..."
"Aakyat lamang ako ng silid tito para makapagbihis ng pambahah." Paalam ko kay tito Elijah. Hindi ko na makikisali sa bonding nilang tatlo.
"Sige hijo... pagkatapos mong magbihis ay kakain na din tayo."
"Me too.. I wanna go change my clothes first." Kuway sabi na niya at tumayo.
Nauna na akong naglakad papanhik sa taas pero mabilis na nakahabol siya kaya magkaagapay na kaming umakyat.
Magkatabi lang naman ang silid namin.
"Kuya Kenneth, dito ka ba matutulog ngayon?" Tanong niya sa akin bago ko pa man mabuksan ang pinto ng silid ko.
"Yeah! Maaga na lang ako aalis bukas para sa trabaho. Bakit? Paalisin mo na naman ba ako?" Sagot at balik tanong ko.
Dahil nga sa hindi na ako madalas dito sa bahay ay lagi na lang niya ako pinapalayas sa tuwing ganito na makikiusap si tito Elijah na dumalaw sa kanila. Ayaw ko na daw tumira dito dahil kumukita na ako ng sarili kong pera at may pangrenta na ako ng sariling condo kaya bakit pa daw ako mananatili dito.
Ang pera namang ibinibigay sa akin ni tito Elijah ay higit pa sa kailangan ko noong nag aaral pa ako kaya marami na akong naipon. Idagdag pa na sa tuwing .ay mga business proposal ang daddy niya na kasama akong nagplano ay malaki ang perang ipapamahagi ni tito Ace sa akin kaya naiipon iyon at naiipon.
May buwan ding allowance na ibinibigay sa akin si tito Elijah. Hindi naman ko naman nirerentahan ang condo na ginagamit ko ngayon dahil bahagi iyon ng kompanya. Tanging nagagastos ko na lamang ay ang mga personal kong gamit para sa sarili.
"Bakit? Aalis ka ba?" Balik tanong naman niya sa akin.
"Hindi.. dahil hindi naman ako papayagan ng mommy mo." At ako pa nga mismo ang sumagot sa sarili kong tanong.
"Iyon naman pala.. hmmmp." Naiiling na lang akong napatingin sa pintong pinasukan niya.
"What a spoiled brat." Naibulong ko. Pumusok na din sa sarili kong silid at nagpalit ng damit pangbahay.
Malinis parin ang silid ko at walang alikabok. Isang beses sa isang buwan ko lang halos magamit ang silid ko.
"Hey teddy..." napangiti ako ng makita ko ang malaking teddy na nasa gilid ng kama ko. Ang teddy na unang binigay sa akin noon ni Acer. Nanatiling bago iyon dahil alagang alaga ko noon. Dalawang beses labahan iyon sa isang buwan ni ate Celine dahil gusto ko lagi iyong mabango at maganda tignan.
Binilisan ko na ang kilos ko dahil masyado ko yatang namiss ang silid ko.
Inalis ang coat at polo ko. Hindi na ako nag abalang pumasok ng banyo. Basta inalis ko na lang mismo sa tapat ng kabenet ko ang mga damit ko na tanging itinira ko ay ang itim na brief ko.
Dahil naging abala na ako sa pagpili ng pwede kong isuot ay hindi ko napansin ang pagpasok ni Acer ng silid ko.
Napalingon na lang ako ng marinig ko siyang nagsalita.
"Lets go kuya Kenneth.... huh. You're not done yet?" Tanong niya na lumapit pa talaga sa akin. "Wow... amazing. You have..."
"Hey! Stop it." Pipigilan ko sana siya pero huli na dahil...
"1, 2, 3, 4, 5, 6 pack abs." Pagbibilang pa niya habang inisa isa itinuturo.
Natampal ko ang nuo ko dahil isinunod niya ang braso ko. Hinawakan at sinamahan ng pagpisil.
"Lagi ka bang nagpupunta ng gym, kuya Kenneth?" Tanong pa niya.
"No."
"Huh! Why you have all of this? While me.. lagi akong nag e-exercise gamit ang ilang gamit ni daddy. But still.. look." Sabay hawak ng damit niya at itinaas iyon at ipinakita ang tiyan. "I don't have.. wala man lang isang tumubo.. but I have baby fat." Sabay pisil ng manipis na balat ng tiyan niya.
Wala naman siyang baby fat dahil flat na flat lang ang tiyan niya at gaya nga ng sabi niya wala siyang abs. Wala din siyang ka muscle muscle sa braso dahil ang sadyang maliit lamang ang mga iyon.
Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong ireact sa sinabi niya. Naiiling na lang akong ibinaba ang damit niya.
"Just stay like that Little Acer. And beside.. mas bagay sayo ang kayawang iyan kaysa magkaroon ng muscle sa katawan." Sagot ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng damit ko at mabilis na akong nagbihis para hindi na tumagal pa ang usapan namin tungkol sa abs-abs na iyan.
"Lets go.. baka naghihintay na sa atin ang mommy at daddy mo." Aya ko na sa kanya.
"Ehh."
"C'mon.." hinawakan ko na ito sa kamay at bahagyang hinila na palabas ng silid ko.
¤¤¤
¤¤¤
"May nagtapat sa kanya kanina at sinabing gusto siya." Pagkukwento ko habang nasa kalagitnaan na kami ng hapag kainan.
Namiss ko ang tagpong ito. Ang hapag kainan na lang minsan ang masasabi kong pakikipagbonding sa kanila dahil sinasamahan namin ng kwentuhan.
"Huh!. Is that true baby?" Nakangiting tanong ni tito Elijah sa kanya.
"Of course not. Gumagawa lang ng kwento si Kuya Kenneth." Pagtanggi niya sa sinabi ko kaya naaliw naman akong pagmasdan siya.
"Hindi ba? Mali ba ang pagkakadinig ko ng sabihin ng lalaking iyon na "I like you? Hmm?" Panggagaya ko pa kung paano sinabi ng taong iyon ang salitang gusto kita.
"Baby, forget about that guy." Si tito Ace na seryusong tumingin sa kanya. "No one can deserve your love except us."
"I know that daddy.." sagot naman niya. "Nakita ko naman si kuya Kenneth na nakikipaglandian sa model niya noong isang araw sa office niya." Para akong nabulunan ng wala sa oras ng sinabi niya iyon.
Naibaba ko ang kutsara na hawak ko na napatingin kina Tito.
Pagkawili ang nakita ko kay tito Elijah habang kay Tito Ace naman ay kaseryusuhan at parang gustong ipaliwanag ko ang sinabi niya.
"I'm not flirting that day Little Acer. May inalis lang siyang hibla ng buhok sa mukha ko pero bigla mo na lang siyang sinabunutan"
"What?" Si tito Elijah. "Baby, ginawa mo ba iyon?"
"Hmmmp. Malandi kasi mommy." Balewalang sagot niya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang matalim na tingin niya sa akin. "Modelo daw pero nilalandi siya para mas may kapit sa kanya."
"Your jumping to a wrong conclusion Little Acer."
"I am not. Kung hindi ako dumating ng mas maaga for sure... iba ang balak ng babaeng iyon. Duh.. kuya Kenneth.. you're not that naive."
"Yeah!."
"Pero hindi mo sana iyon ginawa baby. Bakit mo naman agad sinabunutan ang babaeng iyon." Si tito Elijah. "Pano kung pinatulan ka.. baka ikaw pa ang masaktan kapag nagkataon na gumanti iyon."
"Mmmm.. nandoon naman si Kuya Kenneth.. kaya di niya ako masasaktan."
Ako naman ang nailing sa sagot niya. Parehong pareho lang sa isinagot niya sa akin ng sinabi ko din iyon sa kanya.
Walang naisagot si tito Elijah sa sinabi niya? At ano nga ba ang masasabi nito dahil kahit ako ay hindi ko din nasagot iyon.
¤¤¤
¤¤¤
Pahiga na ako ng kama ng makarinig ako ng katok sa pinto.
Pasado alas diyes na ng gabi kaya nagtaka ako kung sino ang kakatok sa labas ng pinto ng silid ko.
Dahil tanging trunks lang ang suot ko kaya naman pinatungan ko na lang ng roba ang katawan ko.
Baka si tito Elijah ang nasa labas at may mahalagang sasabihin.
"Kuya Kenneth..." nakangiti niyang salubong sa akin ng siya ang mapagbuksan ko.
"Why? Hindi ka ba matutulog?"
"I like to sleep here like before." Sagot niya. Hindi pa ako nakakasagot ay nilagpasan na niya ako at pumasok na nga ng silid ko.
"But you're not a kid anymore."
"But still I'm your little brother." Sagot parin niya. Nauna ng sumampa sa kama.
"Acer..." tinaasan ko pa siya ng kilay at pinagkross ang kamay ko sa dibdib ko.
"Hmmp! Basta dito ako matutulog.. inaantok na ako." Pinailalim ang katawan sa kumot at tumagilid na ng higa.
Napakamot pa ako ng ulo dahil alam kong wala ding magagawa ang pagsuway ko sa kanya at ipagtulakang palabas.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Nasanay pa naman akong matulog na boxer short lang ang suot ko pero mapipilitan akong magsuot ng mas disenteng damit sa pagtulog.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na nga siya. Payapa ng nakapikit ang mga mata.
"Hmmmm... sleep tight little Acer." bulong ko ng mapagmasdan ko siya na mahimbing na ang tulog. Hindi ako agad dinalaw ng antok kaya naman naging napakahaba ng gabi para sa akin.
Isama ko pa na nasa tabi ko siya na matutulog.
"Hayst.. huwag kang matutulog ng ganyang kapayapa na iba ang katabi mo Little Acer dahil baka hindi sila makapagpigil at
samantalahin ang kahinaan mo.
Masuyong haplos sa pisngi niya. Dinampian ng halik sa nuo na dati kong ginagawa sa tuwing matutulog siya noong bata pa siya.
"Sweetdreams." Bulong ko. Inayos ang kumot niya bago ako umayos na ng higa. Pinipilit ang sarili ko na matulog na din kahit na hindi pa ako inaantok..