Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
ACER POV:
¤¤¤
"Mommy, where is kuya Kenneth?" Tanong ko kay mommy na nasa sala at umiinum ng gatas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko dahil kagigising ko pa lamang.
Hindi ko nagisnan si kuya Kenneth ng magmulat ako ng mga mata kanina.
"Good morning baby." Sinalubong ako ng mommy at humalik sa nuo ko. "Maagang pumasok ang kuya Kenneth mo ng kompanya, baby."
"Mmmm. Ang aga aga pa naman." Nakalabing sagot ko at padabog pa na umupo sa kabilang upuan.
"Baby, alam mo naman ang kuya Kenneth mo. Nagmana sa daddy mo. Alam mo naman kung gaano sila kapursigido sa mga trabaho nila."
"But daddy is still here."
"Yes baby.. sabay na daw tayo lalabas ngayon. Pictorial mo ngayon diba? At pagkatapos ng pictorial mo ay ipag sho-shopping ka daw ng daddy mo. Tapos sa labas na tayo mag didinner."
"Ai, oo nga pala.. nakalimutan ko.. okay mommy.!! Maghahanda na ako para sa pictorial ko mamaya." Nawala ang pagkakasimangot ko dahil doon.
Magaan ang katawan kong kumilos pabalik na ng silid ko para mag ayos ng sarili.
Hindi ko na siya aawayin dahil hindi niya ako hinintay na magising. Gusto kong makipagkwentuhan sa kanya kagabi kaya ako pumunta sa silid niya pero agad naman akong nakatulog kaya useless din ang ginawa ko.
Yeah! Hindi na ako bata katulad noon na gusto kong kwentuhan pa niya ako ng mga bedtime story bago makatulog.
He is my big brother liked what mom and dad said. At gusto ko na binibaby niya ako noon pero dahil palagi siyang kasama ni daddy ay lumayo ng lumayo siya sa akin. Hindi na siya ang big brother na nakilala ko noon. At iyon ang gusto kong ibalik. Bumalik sa pagkabata para lagi niyang pinalulugudan ang mga gusto ko. Hindi niya mahihindihan ang mga nais ko.
Pero malabo ng mangyari iyon.. Ibang iba na siya. Iba na ang kuya Kenneth na nakilala ko noon.
"Good Morning, baby. Are you ready?"si Daddy ng makasalubong ko sa pasilyo.
"Good morning daddy." Humalik ako sa pisngi ng daddy. Humawak ako sa braso niya at magkaagapay nang bumaba ng hagdan.
Nakaabang na ang mommy sa amin sa baba. Sinalubong ang daddy ng damping halik sa mga labi.
Masaya ako na laging makita ang mga magulang ko na mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Kumain na muna kaya tayo."
"Sa kompanya na lang mi esposa.." sagot ng daddy kay mommy. Umakbay din kay mommy.
Napangiti pa ako dahil sa ayos namin. Nakahawak ako sa kaliwang braso ng daddy habang ang kanan niya ay umakbay kay mommy.
Nagpapakita na buong buo at masaya ang aming pamilya.
¤¤¤
KENNETH POV:
¤¤¤
"Paanong hindi makakarating ang isa sa model natin ngayon?" Naiirita kong tanong dahil sa ibinalitang nagback out na daw ang isa sa male model na kinuha ko na makakasama ni Acer ngayon. Padabog pa na binitawan ko ang dukomentong binabasa ko.
Gusto kong ako na mismo ang tumawag sa model na iyon para sabihing i cha-charge ko ito sa pwerwesyo ng pagbaback out nito. Kung hindi ko lang iniisip na isa lamang ding ordinaryong tao iyon kagaya ko ay baka ginawa ko na nga iyon at pagbayarin ito sa pinirmahang kontrata na basta na lang binalewala.
"Hayst." Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga na may kasamang tampal sa sarili kong nuo kasabay ng pagtungkod ko sa siko ko sa lamesa.
Umagang umaga ay ganito ang madadatnan kong balita. Kaya nga inagahan ko ang pagpasok ngayon para maisaayos na ng mabuti at masabihan mismo ang male model na iyon na pakisamahan at pakibagayan si Acer pero hindi na din pala kailangan dahil hindi na ito makakarating pa.
"Damn it." Masyado na yata akong nagiging mabait ngayon. Hindi ko na magawa ng tama ang mga itinuro sa akin ni tito Ace na dapat hindi maging malambot ang puso ko at buong pagkatao. Dapat maging matatag at ipakita't iparamdam na sa mga salita ko pa lang daw ay matitinag o matatakot na sila sa alin na hindi dapat balewalain.
Ipinamulat niya sa akin na pagdating sa mga negosyo ay dapat maging wais ako and at the same time ay maging tuso kung kinakailangan. Hindi daw dapat maging malambot ang aking puso.
"Tinawagan ko na din po siya ng personal, sir at sinabing maari siyang ma charge sa pagbaback out niya sa kontrata pero hindi ko na po talaga napilit." Paliwanag pa ng secretary ko.
"Okay! Forget about it. Ako na ang bahalang mag isip kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa bagay na iyan. Just make sure na maging perfect ang lahat pagdating kay Acer. Siguraduhin niyong walang papalpak sa kanila sa picturial." Pagpapaalala ko pa dito. "Sabihan mo ng maayos ang incharge doon para hindi sila magkamali."
"Yes, sir." Agad naman itong nagpaalam sa akin.
Muli akong nagpakawala ng buntong hininga ng makalabas na ang sekretarya ko.
Kung ipopostpone ko ngayon ang pictorial para makahanap ng ibang modelo na pwede niyang kasama ay baka magwala na naman siya at hindi na naman siya papaawat sa kasasalita.
Naiiling na lang ako habang iniisip ko ang posebleng mangyari. Kunot ang nuo niya. Nakasimangot na may kasamang pamaywang pa na sasamahan pa ng mga masasamang salita. Hindi ko pa man nangyayari iyon ay napapangiwi na ako habang iniisip pa ang poseble niyang masabi.
"Naman.... "
Kring! Kring! Kring!
Tunog ng cordless phone sa gilid ng lamesa ko. Hindi ko na tinignan kung kaninong numero ang tumatawag basta sinagot ko na lang.
"COO Hidalgo speaking. How may I help you." Magalang na sagot ko sa nasa kabilang linya.
"Good morning hijo."
"Oh! Tito." Si tito Elijah ng mabosesan ko. "Good morning din tito. Napatawag po kayo? Nandito na po ba kayo sa kompanya?"
"Oo hijo. Nandito kami ngayon sa baba.. we are having breakfast now. Tumawag ako dahil alam kong hindi ka pa kumakain kaya bumaba ka na muna para sabay na tayong mag agahan." Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni tito Elijah.
Kung may pagkakataon na ganito at nasa malapit lamang sila mula dito sa kompanya ay hindi makakalimutang tumawag ito sa akin at sabihin puntahan ko sila.
"Right away, tito." Agad kung sagot.
"Hihintayin ka namin dito."
"Sige po tito.."
¤¤¤
¤¤¤
Katulad ng inaasahan ko ay nagalit nga siya ng malamang hindi makakarating ang isa sa dapat ka partner niyang modelo para sa couple shirt.
"Baby, calm down. Maybe there is a reason kaya hindi makakarating ang kasama mo." pang aalo pa ni tito Elijah sa kanya.
"I will sue that guy."
"Hayaan mo na little Acer. Ako na lang ang papalit sa kanya bilang kapareha mo." agad na pumagitna ako sa kanila dahil hindi madadaan ni tito Elijah si Acer sa ganung usapan.
Nabaling ang tingin sa akin ni Acer. Kunot ang nuo na may kasamang pamaywang na inaarok kung gaano ba katotoo ang sinasabi ko.
Sinabi ko sa kanya noong una na couple shirt ang iindurso naming damit kaya may kasama siya sa pictorial. Hindi siya pumayag noong una pero sinabi ko din na kung hindi niya gusto na may kasama ay hindi ko siya pwedeng kunin.
"Okay!" Narinig kong sagot niya.
Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na paghinga. Hindi yata't nakitaan ko siya ng ngisi sa mga labi.
"Is that okay with you, hijo?" Tanong pa ni tito Elijah sa akin habang naghahanda na kami para sa picturial.
Hindi ko naman talaga sana balak pero wala akong magagawa ngayon dahil siguradong patuloy sa pagwawala si Acer kung hindi mabibigyan ng sulosyon ang picturial niya ngayon.
"It's okay tito. Wala din naman ako gagawin maliban sa tignan kung maayos ang gagawin ngayon."
Napansin ko na nagpakawala ng malalim na paghinga si tito bago naman hinarap si Acer na ngayon ay ginagawan ng paraan ang katawan para magkaroon ng umbok ang dibdib niya.
Naiiling na lang ako na pinapanuod siya habang abala din akong nilalagyan ng light make up lang.
Sampong pares ang isusuot namin ngayon. Dipende din sa pose na gagawin namin kung anong magandang tignan na mas tatangkilikin ng mga tao.
"Can you put a little bit more make up for him. Like, you need to change his personality. Iyong hindi masasabing siya kapag wala siyang make up." Kuway sabi ko ng mapansin kong tapos siyang ayusan.
"What do you mean?" Kunot naman ang nuo niya na tanong sa akin. Saka niya ako pinamaywangan.
Napatitig ako sa kanya ngayon dahil hindi ko na halos maisip na lalaki siya ngayon. He is She. Indeed.
"What? Tell me, Am I ugly? Do I need to change the make-up artist and find another one to make me prettier?" Taas ang isang kilay niya habang sinasabi iyon at tumingin pa mismo sa babaeng nagmake-up sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang lihim na masamid. Naging mali pa yata ang pagkakaintindi niya at mapapasama pa yata ang make-up artist na umasikaso sa kanya.
"No, That is not what I mean little Acer. You look great... Even if you don't wear make-up...your stuning." Pumagitna ako at hinarangan ang kawawang make-up artist na tinapunan na niya ng matalim na tingin. "Ang ibig kong sabihin, baguhin lang natin ang make-up mo. Iyong iisipin ng iba na hindi ikaw iyan." Paliwanag ko.
Gusto ko lang baguhin at bigyan siya ng bagong mukha gamit ang make-up para mailayo siya sa mga mata ng karamihan. Para kahit papaano ay hindi na siya makikilala sa totoong siya.
Napasimagot siya sa naging paliwanag ko.
"No! I'm okay with my own face now. I can be more cutier or beautiful on my own."
Nagpakawala ako ng buntong hininga sa naging sagot niya. Mukhang hindi ko mababago ang naging sagot niya sa simpleng paliwanag lamang.
Well, saka na lang siguro ko siya kukumbinsihin pagdating sa bagay na iyon.
"Ok! That's enough. Magsimula na lang tayo."
"Good." Ngumiti siya. O mas tamang sabihin kong isa iyong ngisi. Nailing na lang ako ulit.
Wala ng mga katagang lumabas sa mga bibig namin ng magsimula na kami. Una naming isinuot ay ang couple shirt for summer.
May simpleng pose. May pose kami na magkahawak kamay habang nakatingin kami sa isa't isa. May posisyon kaming nakaupo ako sa isang pekeng bato habang siya ay nakaupo sa may lapag at nakasandal sa may tuhod ko.
May casual and formal attire na isunot naming dalawa at marami pang alam kong kagigiliwang ng marami na bilhin ang mga damit.
"Done." Mahinang usal ko matapos ang huling couple shirt na isinuot namin.
"That's all?" Tanong niya na parang hindi pa kuntento sa naging kuha sa mga larawan niya.
Inusisa pa mismo ang kuha ng photographer sa amin.
"We will do rest next week para sa iba pang mga damit na darating." Sagot ko sa kanya.
"Hmmm... okay! And I like the same partner for the next pictorial." Sabi niya. Sasagot pa sana ako ng lumapit na sa amin ang daddy at mommy niya.
"Hindi ko iyan maipapangako little Acer because I have another business plan nextweek. Maghahanap tayo ng iba mong...."
"No!." Putol niya sa sinasabi ko na may talim ang tinging ipinukol sa akin. "We can do the rest when you are free. Okay! No more but's." Saka niya ako tinalikuran at hinarap ang mga magulang. "Am I adorable in the pictorial?" Narinig kong tanong niya sa mga ito.
"Yes you are baby." Nakangiti si tito Elijah na sagot sa kanya na bahagyang tumingin sa akin. Reading tito Elijah's lips and he said thank you.
Bahagya akong tumango kay tito Elijah sa tahimik na pasasalamat nito. Nagawi ang tingin ko naman kay tito Ace na nakamasid lang. Seryusong titingin sa akin habang kagiliwan naman kung kay Acer ito nakatingin.
Magkaibang magkaiba ang ugaling ipinapakita ni tito Ace kay Acer at kay tito Elijah. Isang mabait at mapagmahal at mabuting padre di pamilya si Tito Ace sa harapan nila pero kapag sa ibang tao na. Wala kang makikitang kagiliwan o kabaitan dito na tanging makikita mo lang ay ang kaseryusuhan na walang magtatangkang kausapin ito kung hindi ito mismo ang unang magsalita para kausapin ka.
Magkaganun man.. hindi ko ipagkakailang napakabuti niya parin. Lalo na sa akin dahil ginabayan niya ako sa paglaki ko. Hindi man nila ako tunay na anak ay hindi sila nagkulang para iparamdam na bahagi ako ng masaya nilang pamilya. At tatanawin ko iyong malaking utang na loob sa kanilang mag asawa.
Kung sa paraan man lang ba na mababayaran ko ang utang na loob na iyon ay ang magsilbi sa kanila habang buhay ay gagawin ko. Kahit man lang sa maliit na bagay na iyon ay mapalitan ko ang magandang buhay na ipinagkaloob nila sa akin.
"Daddy said, we can go shopping right? C'mon.. lets go. I wanna buy the latest teddy that I saw yesterday."
"Yes baby." Si tito Ace ang sumagot.
"Are you still busy after this hijo?" Baling ni tito Elijah naman sa akin. "You can come with us. We will wait for you outside."
"Yes tito. Gusto ko sanang sumama pero marami pa akong aasikasuhin sa opisina ko. Maybe next time. Just enjoy the day tito." Magalang na pagtanggi ko.
"Are you sure. Pwede mo namang ipagpaliban iyan. Saka sabado ngayon. You can takerest hijo. Don't overdo yourself."
"I will tito. Kailangan ko lang talagang tapusin iyon."
"Okay! Basta huwag mo lang masyadong pahihirapan ang sarili mo sa trabaho. Matatapos din iyan."
"Thank you tito."
"Lets go." Muli ay narinig naming aya ni Acer. Napatingin kami sa kanya.
"Yes baby. Wanna say bye to your kuya Kenneth?"
"No! Hindi naman ako mangingibang bansa mommy. We can still see each other everyday." Sagot niya.
Hindi na nakapagsalita pa si tito Elijah dahil hinila na ito ni Acer kasama si Tito Ace. Tanging kaway na lang ang ipinahabol ko sa kanila ng palabas na sila.
"Pass me all of the copy. Also the hard copy." Kuway baling ko sa photographer.
"Yes sir."
"Good." Nauna na akong lumabas para bumalik na ng opisina ko.
Ako na mismo ang nagpapasya para sa mga larawang ilalabas sa merkado. Lagi kong kinukuha ang hard copy ng mga larawan dahil ayaw kong gamitin iyon sa ibang establishment.
Alam kong mahirap ang bantayan siya ng 24/7 lalo na ngayon. Sariwa pa lang sa amin ang dalawang beses niyang pagkakadukot at iyon talaga ang iniiwasan naming ulit mangyari.
¤¤¤
¤¤¤
"Napatawag kayo tito?"
"Nandyan ba si Acer hijo?" Tanong nito na may pag aalalang tuno.
"Ho! Bakit po? Hindi pa po ba siya umuuwi galing school?" Kunot ang nuo kong tanong. Mabilis na itiniklop ang binabasa kong dokumento. Matapos ang pictorial namin last saturday ay hindi ko na nagawang pumunta sa bahay at apat na araw na simula noong huli kaming magkita ni Acer.
"Hindi pa hijo. Nagpaalam siya sa akin kanina. Dahil maagang natapos ang last subject nila na mag bo-bonding lang sila ng ilan sa mga barkada niya. Pero hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi."
"Anong ginagawa ng nagbabantay sa kanya?" May galit sa tuno ng boses ko na nakalimutan kong si tito Elijah ang kausap ko. "Sorry for that tito."
"It's okay hijo. Ganyan din ang naging reaksyon ng tito Ace mo kanina. Nagtanong lang ako sayo baka kasi nagpunta na naman siya dyan sa opisina mo."
"Hindi tito. Sige po. Tutulong na lang po ako sa paghahanap sa kanya." Agad akong nagpaalam kay tito Elijah at hindi na ako nagsayang ng oras na agad kong nilisan ang kompanya para hanapin siya.
Damn! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Mabuti sana kung nag aaral pa ako hanggang ngayon at mabantayan ko ang halos lahat na galaw niya.
Anong silbi ng mga nagbabantay sa kanya kung hindi naman siya mabantayan ng maayos.
Fuck!
"Have you seen Acer?" Tanong ko sa isa kaklase niya na namukhaan ko at ngayon ay palabas na ng campus nila.
"Hindi po. Ikaw ang kuya niya diba?"
"Yes I am. Hindi mo ba talaga siya nakita? O hindi mo ba alam kung saan sila nagpunta ng mga barkada niya?"
"Ay oo. Naalala ko. Kanina kasi nag uusap usap sila na pupunta sila sa bahay ng isa sa ka klase namin dahil kaarawan nito. Hindi ko lang po alam kung saan sila lumusot para makalabas dito sa labasan."
"Sino sa ka klase niyo? Alam mo ba kung saan nakatira?"
"Opo." Agad naman nitong sinabi sa akin ang address ng ka klase.
"Salamat." Hindi na ulit ako nagsayang ng oras pa. Agad kong tinungo ang address ng ka klase niya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapamura habang tinatahak ko ang daan kung nasaan siya naroon.
"Let me in." Galit na utos ko sa nagbabantay sa may gate ng bahay ng kaklase niya.
Nakiusap na ako lahat lahat pero hindi ako pinayagang papasukin. Sinabi ko na kapatid ako ng isa sa bisita ng bahay na binabantayan nila pero di nila ako pinakinggan.
Nagbilin daw kasi ang ka klase ni Acer na wala ng dapat ibang papasukin pa sa loob ng bahay nila kaya naman nakaramdam ako ng galit dahil hindi sila madaan sa mabuting usapan.
"Pasensya na po sir. Pero hindi po kayo pwedeng pumasok." Muli at sagot nito at humarang pa talaga sa gate.
"I don't care. My little brother is inside and I like to see him." Gigil na pilit ko paring kinalma ang sarili ko para hindi ako makaiskandalo. Pero kung magmamatigas parin sila ay doon na kami magkakaalaman.
"Hindi kayo nakakaintindi sir.. sinabi........"
"Isang beses pa.. makikiusap ako na papasukin niyo ako ngayon ng maayos.. All I want is to see my little brother what is he doing inside."
"Sorry sir.." hindi ko na napigilan ang sarili ko na bigwasan ito ng suntok...
"Minsan lamang akong makiusap ng maayos pero di ka nakikinig." Gigil na dinuro ko pa ito sa nuo gamit ang kinuha kong batuta na nakasabit sa baywang nito kanina.
Inihagis sa malayo iyon bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bakuran ng bahay ng ka klase ni Acer.
Habang papalapit ako ay mas luminaw na sa pandinig ko ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob ng bahay. Wild rock music kung hindi ako nagkakamali.
At kailan pa nagustuhan ni Acer ang ganyang klase ng tugtugin. Napakaingay.
Malaya na akong nakapasok sa loob na ngayon ay nababalot na ng iba't ibang kulay sa paligid. Madili dahil nakasarado lahat ng bintana at walang maliwanag na ilaw sa loob. Tanging ilaw lang na pang disco ang nahsisilbing liwanah sa loob.
Pilit na iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin siya.
"Damn you little Acer." Nagsumiklab ang galit ko ng makitang nakaupo lang siya sa gilid. Hindi malinaw pero nakapikit siya at may dalawang lalaking pinagitnaan siya.
Mabilis akong lu.apit sa kanila at walang babalang hinila ko ang isa na tangkain na siyang halikan.
Hindi ko lubos maisip na huli na ako ng dating na baka kanina pa siya pinagsasamantalahan ng mga lalaking ito.
"You f*****g bastard...." gigil na parang papel lang sa gaan na inihagis ko ito dahilan para tuluyang magkagulo sa loob at lumiwanag na ang paligid.
"What the hell are you doing? Who are you?" Pasigaw na tanong ng isang babae na nasa edad lamang ni Acer.
"And what the hell is happining here.. huh." Tumuwid ako ng tayo dahilan para tingalain nila ako. "Tignan mo kung ano ang ginawa niyo sa kapatid ko." Sabay tingin kay Acer na wala ng malay.
"He drunk."
Nagbabantang tingin ang isinagot ko sa babae.
Hindi na ako sumagot. Agad kong kinarga si Acer. Tinapunan ko ulit ng tingin ang dalawang lalaking nanamantala sa kanya kanina.
"Siguraduhin niyo lang na wala kayong ibang ginawa maliban sa nasaksihan ko kanina.. dahil babalikan ko kayo at pagbabayarin sa kapangahasan niya." Pagbabanta ko. "And you young lady, walang gagalang sayo kung ganyan ang pag uugali mo." At walang lingong likod na nilisan ang bahay ng ka klase niya.
Walang tigil ang pagmumura ko habang bagtas ko ang daan pauwi ng bahay.