Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
KENNETH POV:
¤¤¤
"Anong nangyari? My God. Okay lang ba ang baby ko?" Si tito Elijah na sumalubong sa akin habang karga ko si Acer na wala paring malay.
Kasunod ni tito Ace na nakitaan ko din ng pag aalala ito. Kinuha mula sa akin si Acer at ito na mismo ang nagpasok sa loob. Iniakyat sa silid.
Hindi na ako sumunod sa kanila. Nagtungo na lang ako sa sarili kong silid at nag ayos na ng sarili dahil tiyak kong kakausapin ako ni Tito Ace.
Paglipas lamang ng ilang minuto ay pinatawag nga ako kay ate Celine na puntahan daw ito sa library nito.
"Anong nangyari? Saan mo nakita si Acer?" Agad na tanong ni tito Ace sa akin ng makapasok ako sa loob.
"Sa bahay ng isang kaklase niya tito. Hindi ko alam kung huli na ba ng dumating ako." Natigilan ako at nakaramdam ng galit ng maalala ko ang naabutan ko kanina.
Ano pang kababuyan ang ginawa nila sa kanya? Kung mas matagal pa ba ako bago pumasok baka mas malala pa sa nakita ko kanina ang maabutan ko?
Damn! I can't imagine that to happen?
"Pasensya na tito."
"You don't need to say sorry. Tell me.." nagpakawala ito ng malalim na paghina. "Sinong pamilya?" Sa naging tuno ng boses nito ay alam ko na ang patutunguhan kapag sinabi ko kung sinong pamilya ang nangahas na gawan siya ng masama.
Parang ayaw ko tuloy sabihin ang totoo kung sino nga ba pero wala akong magagawa dahil malalaman din naman ni tito Ace kahit hindi manggaling mismo sa akin.
Dito ko masasabi ang kasabihang.. kantiin niyo na lahat huwag lang ang mga taong mahal ko. Like what tito mean it now.
Walang makakapigil dito na hindi pagbayarin ang may sala sa sinapit ngayon ni Acer. Hindi man totally na napahamak si Acer ay hindi parin nito palalampasin ang nangyari.
"Sanchez." Tanging sagot ko.
"Okay! Take a rest now. Si Tito Elijah mo na ang bahala kay Acer."
"Sige po tito." Nagpaalam na ako ng maayos dito bago bumalik ng sarili kong silid.
Kahit na gusto kong silipin at alamin ang kalagayan ngayon ni Acer ay hindi na ako nangahas dahil nandoon naman si tito Elijah na alam kong mag aalaga sa kanya. At mas maalagaan siya.
Parang gusto ko ding balikan ang mga binatilyong nangahas na hawakan siya kanina. Gusto ko ding bigyan ng kaparusahan ang mga iyon.
They dare to touch our precious Acer. Damn them. Kuyom ang kamao ko habang patuloy na nagpi-play sa utak ko ang posebleng mangyari kung nahuli ako ng dating.
Aaaaahhhhh!
Fuck!
Kinalma ko ang sarili ko at pilit na iwinawaksi ang hindi magandang nangyari kanina.
¤¤¤
¤¤¤
"Kumusta na si Acer tito?" Tanong ko kay tito Elijah. Hindi ako nakatiis na hindi kumustahin ang kalagayan niya.
Kaaalis lang ng doctor na tumingin sa kanya.
"He is okay now." May lungkot sa tubo ng boses ni tito Elijah na sagot sa akin. "The doctor said.... may halo na drugs ang ininum nila. At hindi kinaya ng katawan niya kaya siya nawalan ng malay."
Kuyom ang kamao ko na napatingin sa kanya na mahimbing parin sa pagkakatulog.
Damn them.
"Thank you for saving Acer hijo. Kung hindi mo siya nahanap agad ay baka mas malala pa ang sinapit niya."
"I will always save and protect him tito hanggang sa kaya ko. He is my little brother in anyways."
"Yeah! And thank you for always here for him."
Magaan na pumatong ang kamay ko sa balikat ni tito Elijah. Makikita sa mga mata nito kung gaano nito kamahal si Acer. Kung gaano nito pinapahalagaan na mas mahalaga pa kaysa sa sarili.
"Hindi ako mangangako tito Elijah. Pero gagawin ko ang makakaya ko para maprotektahan siya."
Tumango ito. Muling binalingan si Acer na mahimbing parin sa pagkakatulog.
"Ako na po ang magbabantay sa kanya."
"No, hijo. Ako na hijon, alam kong mas kailangan mo ng pahinga ngayon."
Ako naman ang nagpakawala ng buntong hininga. Pinagmasdan si Acer ng ilang sandali bago ako nagpaalam kay tito Elijah.
¤¤¤
¤¤¤
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Acer kinaumagahan.
Siya ang una kong pinuntahan pagkagising ko para alamim kung gising na ba siya.
Tama namang pagpasok ko ng silid niya ay palabas ito ng banyo.
"Fine." Balewalang sagot niya. Lumapit ito sa akin at walang babalang yumakap sa akin. "I knew.. you were coming."
"But don't do that again. Alam mo naman kung paano mag alala ang mommy mo. At kung ano ang kayang gawin ng daddy mo sa mga taong mananakit sayo." Mahinang panunumbat ko sa kanya.
"Hmmp! And how about you kuya Kenneth? Hindi ka ba nag aalala sa akin?" Kumalas ito ng yakap sa akin. Tiningala ako. Nakasimangot na kapag hindi nito magugustuhan ang magiging sagot ko ay papatayin ako gamit ng tingin lamang.
"Of course I do?" Totoong sagot ko. "Sinong hindi mag aalala sa little Acer ko." Inipit ang pisngi gamit ang mga palad ko.
"Uhmmp.. but you always busy.. mas importante sayo ang mga trabahong binigay ni daddy sayo."
"I need to work hard for the company. Ayaw kong biguin ang papa mo sa pagpapalaki niya sa akin."
"But I'm your little brother.. you need to protect me always."
"Little Acer."
"Hmmp."
Napabuntong hininga na naman ako. Kung maari ko lamang hatiin ang sarili ko para sa trabaho at sa kanya ay ginawa ko na.
Ayaw kong biguin ang daddy niya sa mga ipinagkatiwala sa akin. Kailangan kong mapatunayan na karapat-dapat ako.
"C'mon. Huwag na natin iyang pag usapan. Halika na para sabay na tayong mag agahan."
"Tapos aalis ka na naman para sa trabaho mo?"
"No. I decided not to go for work today. How about we go out katulad noon."
Napatitig siya sa akin dahil sa sinabi ko. Inaarok kung totoo ba ang narinig niya.
"Okay, if you don't like maybe some...."
"Hmmp. May sinabi ba akong ayaw ko?" Malakas na sagot niya na nakapagpatigil sa sinasabi ko.
"So.."
Ngumiti na siya at mabilis na kumapit sa braso ko. Inihilig ang ulo balikat ko. Panabay na lumabas ng silid niya
"I want to buy teddy."
"Huh! Pero wala ka ng paglagyan sa dami ng teddybear sa silid mo."
"Di ilagay natin sa silid mo."
"I also have much in my room. Your gift to me every year."
"Uhmm." Napasimangot siya na tumingala na naman sa akin habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"Nevermind. Tignan na lang natin ang mabibili natin mamaya. Ang mahalaga ngayon ay kumain muna tayo ng agahan."
"Okay." Siya na ang humila sa akin. Binilisan ang naging hakbang pababa ng hagdan.
Naabutan na namin sina tito Elijah at tito Ace sa hapagkainan.
"Good morning mommy.. good morning daddy." Masiglang pagbati niya sa mga magulang na parang walang nangyari kahapon.
Siguro ay nakausap na siya ng mga ito kagabi ng magising siya at nakapagpaliwanag na siya sa mga ito.
"Good morning baby.. are you feeling well now?" Si tito Elijah.
"Yes mommy.. thank you for taking care of me last night."
"That's good. Halina kayo.. kumain na tayo habang mainit pa ang mga pagkain."
"Yes mommy.."
¤¤¤
¤¤¤
Napapasunod na lamang ako sa kanya kung saan niya gustong pumunta. Hindi na kami lumayo. Sa AA SHOPPING MALL lang naman kami pumunta.
Mapagbigyan lamang ang gusto niya kahit ngayon lang.
Hindi na nga kami madalas lumabas katulad noong nag aaral pa lang ako. Kasabay siya sa lahat.. sa pagpasok ng school hanggang sa uwian. Sabay na kakain ng tanghalian. At kung may free time pa kami ay sasamahan ko siyang gumala dito sa mall.
Pero ng magtapos ako ng college at ipinahawak na sa akin ni tito ang pamamahala sa ibang mga negosyo ay nawalan na ako ng oras sa kanya.
At iyon ang alam kong dahilan kaya mas lalong lumalayo ang loob niya sa akin. Hindi na siya kasing sweet noong bata pa siya.
Well, may isip na siya. Alam ko naman na balang araw ay tuluyan na siyang magbabago lalo na at makakahanap na ito ng ibang pagkakaabalahan o di kaya naman ay magkakaroon na ito ng lovelife.
Hayst!
"This is for you." Nakangiti siya na ipinakita sa akin ang hawak.
Ngumiti na din ako na may kasamang pagpilig ng ulo ko.
Isa iyong keychain na teddybear.
"Thank you little Acer."
"And I also have one." Sabay ipinakita ang isa pa. A couple teddy keychain. "Cute, right?"
"Yeah! Like my little Acer." Magaan na pumatong ang kamay ko sa ulo niya at masuyong ginulo ng bahagya ang buhok. Hindi naman siya umiwas bagkus para siyang isang cute na cute na tuta na gustong gusto ang paglalaro sa buhok niya.
"You can throw the old one." Sabay tingin sa inalis kong lumang keychain na siya rin ang nagbigay noon nakaraang taon.
"I will keep it little Acer."
"Pero luma na at..."
"Bigay mo din naman ito, right. Kaya itatago ko parin." Nakangiti kong putol sa sinasabi niya. Napasimangot na naman siya pero di na din naman komontra.
Hindi ko gustong itapon ang mga galing sa kanya kahit luma na. Baka hanapin na naman niya iyon katulad noong binigyan na naman niya ako ng bagong relo at sinabing itapon ang luma. Imbes na itapon ko noon ay nagpasya na lang akong ipamahagi pero ng tinupak na naman siya ay hinanap sa akin ang lumang relo.
Wala akong nagawa kundi ang kunin iyon pabalik kahit nakakahiya. Pinalitan ko na lang ng bago para walang masabi ang pinagbigyan ko ng lumang relo.
Kaya simula noon ay lagi ko na lang tinatago ang mga pinaglumaan kong gamit galing sa kanya.
Mabuti na iyong makakasiguro ako dahil kapag tinupak na naman siya ay hahanapin na naman.
Sinabihan pa akong hindi ko nga pinapahalagaan ang mga bigay niya kaya itinatago ko na lang talaga.
Hayst! Minsan ang hirap basahin ang mood niya. Kung hindi ko lang siguro nasubaybayan ang paglaki niya ay iisipin kong hindi siya pinangaralan ng mga magulang niya.
Pero hindi dahil alam ko kung paano nila siya iningatan. Pinapangaralan at kung paano pinalaki sa magandang asal. But still.. he is a little bratty.
"Want ice cream?" Tanong ko ng maisilid kong ulit ang susi sa bulsa ko.
"Yeah!" Nakangiti siyang kumapit sa braso ko. Siya na mismo ang humila sa akin sa ice cream stand sa hindi kalayuan.
"2 vanila ice cream."
"Just only one. We can share." Sabi niya.
Nailing ako.
Maalala ko na naman noong maliit pa siya. Ayaw niya ng sariling ice cream dahil nakikikain siya mismo sa ice cream na binili para sa akin.
Kaya hindi na bago iyon. Nakasanayan na niyang share kami ng ice cream.
"1 big vanila Ice cream." Pang uulit ko. Agad naman na tumalima ang nagtitinda na agad sinalopan ng ice cream sa isang malaking cone.
"Where do we go next?" Tanong niya ng maupo kami sa isang bakangting upuan sa gilid. Na nilalantakan na ang hawak kong ice cream.
Kibit balikat ako habang nakikain na din ng ice cream.
"Ikaw? Ano pang balak mo? Saan mo pa gustong pumunta? Mamasyal?"
"I want to watch a movie. Like we always did before."
"Okay, little Acer. What kind of movie?"
"A scary movie."
"Are you sure?" Pang uulit ko. Ayaw niya ng nakakatakot na movie. Dahil palagi siyang nagkakaroon ng nightmare about sa mapapanuod niya. Kaya naman sinasamahan siya ni tito Elijah at tito Ace matulog sa silif niya o di kaya naman lilipat siya sa silid ko at sa akin makikitulog.
"Yeah! Matutulog ka naman sa bahay, right?"
"Okay! Kung iyan ang gusto mo."
"Yeheey. That's my kuya Kenneth.." masayang masaya na parang bata lang na napagbigyan sa kagustuhan.
Tahimik na ang sumunod na sandali habang inuubos namin ang Ice cream. Kahit hindi siya umimik ay nakikita ko talaga na masaya siya. Mabagal na gumagalaw ang mga paa na sinasabayan ng mahinang huni ng kanta.
"I want to rent the whole place." Saad niya ng pumipila na kami para bumili ng ticket sa sinehan.
Halata naman na nabigla ang kahera at hindi yata makapaniwala sa narinig.
"Ilista mo sa pangalan ko or kay Daddy kung ilan ang ticket na mapagbibintahan niyo sana. Acer Anderson. That's my name. Or gusto mo malaman ang pangalan pa ng daddy ko. Mmm. Ace Anderson. That's my daddy's name." Mahaba niyang dagdag na mas lalong hindi nakasagot ang kahera.
Nailing ako na sinabayan ng buntong hininga.
"Little Acer, mas maganda kapag may kasama tayo sa loob para hindi mas nakakatakot." Pagpapaliwanag ko para kumbinsihin siyang huwag ng ituloy ang pagrerent ng buong sinehan.
"But I like to spend more time with kuya Kenneth." Padabog na sagot niya.
"We are spending to much time now little Acer. So, just two ticket will be okay. You don't need to rent the whole place."
"Hmmp!."
"Just two ticket miss." Sabi ko sa kahera ng hindi na siya sumagot.
Mabilis naman na tumalima ang kahera at binigyan ako ng ticket. Halos ayaw pang tanggapin ang bayad ko kaya ako na ang naglapag sa harapan nito.
Sino ba naman ang hindi mabibigla kung maririnig ang pangalan ng mismong may ari ng building na nirerentahan din para sa negosyo nila.
"C'mon little Acer. I got our ticket now." Hawak ang kamay niya na sinabayan ng paghila para hindi na niya ipagpilitan ang nais kanina.
Kaunting ilaw na lang ang bumalot ng buong sinehan ng makapasok kami. Tanging ilaw na lang ng malaking screen sa harapan ang nabigay liwanag sa loob.
Tanging naririnig na lang ay ang pinapanuod namin. Tahimik lang siya na nanunuod habang mahigpit na hawak ang isang braso ko.
Halos mapatalon sa gulat o di kaya naman ay ibabaon ang mukha sa braso ko at paunti-unti din namang manunuod ulit.
"Behind you. Behind you." Bulong pa niya sa pinapanuod. Nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa akin. "Ayyyyyy."
Matatakot na din sana ako pero mas nanaig ang ngiti ko dahil mas sa kanya natuon ang mga mata ko. Mas nakakawilong panuurin siya kaysa sa nakakatakot na pinapanuod niya.
"Shhhhh." Bulong ko sa kanya ng mapasigaw ulit siya.
"The monster got him."
"Yeah! Pero siya ang bida kaya hindi yan mamatay." Sagot ko naman.
Patuloy siya sa pagsigaw. Kuway mapapakislot sa gulat. Tatakpan ang mga mata o di kaya naman ihaharang ang braso kong hawak niya.
Halos paulit ulit lang iyon hanggang sa matapos ang palabas.
¤¤¤
¤¤¤
Maingat na binuhat ko siya para hindi magising. Ginabi kami at ngayon ay mahimbing na siyang nakatulog habang pauwi kami ng A. Place.
"Is he okay?" Si tito Elijah na nasa sala at halatang naghihintay sa amin.
"Yes tito. He fall asleep habang pauwi na kami. Napagod siguro sa maghapong pamamasyal."
"Iakyat mo na siya hijo. Susunod ako para mabihisan siya."
"Sige po tito."
Maingat din na inilapag ko siya sa kama. Sadyang nasa kalagitnaan na nga siya ng tulog dahil hindi man lang siya naalimpungatan.
"Maraming salamat sa oras na inilaan mo kay Acer, hijo."
"Wala iyong anuman tito."
Tumango si tito Elijah na may mga ngiti sa labi bago binalingan si Acer.
"Ako na ang bahala sa kanya, hijo. Magpahinga ka na din."
"Sige po tito. Pero baka bangungutin na naman siya. Nagpumilit kasing manuod kami ng horror movie kanina. Hindi ko naman siya masuway dahil iyon ang gusto niya."
"Sige hijo. Babantayan na lang namin siya ng tito Ace mo."
Muli akong nagpaalam kay tito Elijah bago ako lumabas.
Bumaba muna ako at binalikan ang mga pinamili namin ni Acer. Mga damit naming dalawa na siya mismo ang pumili, mga stufftoy at iba pang mga nagustuhan niya.
Magaan naman ang pakiramdam ko na pumasok sa silid ko dahil naging maganda ang pamamasyal naming dalawa. Naging masaya siya na kasama ako.
Malalim na din naman ang gabi kaya hindi na ako mahihirapang makatulog matapos akong makapaglinis ng katawan.
Pahiga na ako ng marinig ko ang pagpihit ng siradura ng pinto ng silid ko. Kunot ang nuo kong lumapit doon para tignan kung sino ang nasa labas.
"Acer."
"I'm afraid." Mahinang sagot niya. Yakap ang isa sa paborito niyang teddy na unang regalo ko noon sa kanya.
"Nasaan ang daddy at mommy mo?"
"Mmmm, I like here." Sagot niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay nakapasok na siya sa loob.
Dumeretso sa kama at agad na sumampa doon. Hinila ang kumot kinumutan ang sarili hanggang sa may baywang.
Naiiling na naisarado ko ang pinto bago ako sumunod sa kanya.
"Little Acer." Masuyong sambit ko sa pangalan niya ng maupo ako sa gilid ng kama.
"Hmmm." Nakapikit na daing niya. Hindi na siya kumilos. Nakatagilid ang higa paharap sa kinauupuan ko.
"Okay! Sleep tight little Acer." Inayos ko ang kumot niya hanggang dibdib niya bago ako sumampa sa kabilang bahagi ng kama.
Umayos ako ng higa paharap sa kanya ng gumalaw siya at humarap na sa akin. Hindi na ako nakakontra pa ng mabilis na umunan siya sa braso ko habang yakap parin ang teddybear niya.
Muli akong nagpakawala ng buntong hinina. Masuyong tumatapik ang isa kong kamay sa braso niya.
Mahinang dumadaing ng isang kanta para tuluyan na siyang makatulog.
Kung hindi ko siya mabasahan ng isang story ay mahinang kinakantahan ko siya kahit hindi kagandahan ang boses ko.
Ganito lagi ang ginagawa ko noon sa kanya noong bata pa siya na agad namang nakakatulog.
At hindi parin iyon nagbabago. Dahil sa ilang minuto lang na lumipas ay payapa na ang kanyang paghinga at mahimbing ng nakatulog