#9:

2974 Words
Typos ang grammatical error ahead!! ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi sa isang nangahas na gawan ako ng masama noong kaarawan ng kaklase namin. Ayaw ko naman sanang sumama noon kaso nga lang ay nagpumilit naman sila na kahit minsan lang naman daw. Hindi ko naman akalain na ganun ka wild ang party nila. Kahit na ganito ang ugali ko. Spoiled at nagagawa ko lahat ng gusto ko. Nakukuha ko lahat ng naisin ko pero hindi ako pariwarang anak. Pinalaki ako nina daddy at mommy ng mabuti at ipinamulat sa akin ang maganda sa hindi mabuting gawain. Kahit na alam kong masama din ang maging spoiled atleast hindi ko naman sinubok ang mga pinagbabawal na gamot katulad na lang ng ginawa ng mga ka klase ko noong may handaan sila. Hindi ko akalain na papainumin nila ako ng may halong drugs na hindi kinaya ng katawan ko. Humingi ako ng tawad kina mommy at daddy dahil sa nakita kong pag aalala nila sa akin. And I know... may kasalanan din ako dahil sinubok ko parin kahit na alam kong mali. Alak lang naman sana pero sa kasamaang palad ay may halo ngang droga iyon. "Sabihin mo sa akin. Anong ginawa niyo sa akin noong nawalan ako ng malay." Gigil na gigil na hinila ko ang kwelyuhan ng damit nito kahit na mas malaki ito sa akin. Hindi ako natatakot dahil nasa likod ko si kuya Kenneth na alam kong hindi niya ako hahayaan masaktan. "Tell me.." binitawan ko ito at muling dumapo ang palad ko sa pisngi nito. "Damn!." "Damn you too." Sigaw ko dito. "Inaamin ko na gusto kong subukang halikan ka pero dumating ang kuya mo kaya wala kaming nagawang masama sayo. Dumating siya." Sagot nito sabay turo kay kuya Kenneth na nasa likuran ko. Halata na nanggigil din sa galit ang ka klase ko katulad ng panggigigil ko dahil sa ginawa nila. May mga pasa kasi ito sa mukha dahil nalaman ko na ginulpi ito ng mga magulang niya. I know.. kaya ito nagulpi ng mga magulang dahil kay Daddy. Hindi ko man alam ang buong kwento pero malakas ang loob kong pinagbantaan sila ng daddy. Hindi na din ito pumasok ng school kung saan ako nag aaral dahil inilipat na ito ng paaralan. Nakipagkita lang ito sa akin dahil gusto daw humingi ng tawad sa akin. Hihingi ng tawad para sa kabuhayan ng pamilya nila. Na kung hindi ko ito o sila napatawad ay tuluyang babaksak ang ikonomiya ng mga negosyo nila. But I don't care. Lumagpas sila sa linya na hindi dapat nila sinubukang apakan. Bahala silang kumbinsihin ang daddy dahil hindi ko sila mapapatawad. "Kaya nakikiusap ako sayo. Kami. Na sana kausapin mo ang daddy mo na huwag ng pag initan ang mga negosyo ng mga magulang namin." "No! Hindi ko kayo patatawarin." Matigas at may paninindigang sagot ko dito. "Mali kayo ng pinagtangkaan. Kaya magdusa kayo." Saka ako tumalikod. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa pangalan ko habang humihingi parin ng tawag. "You okay?" Narinig kong tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko si kuya Kenneth. Nakasimangot na umiling ako. "Hindi ka ba masaya na marinig na wala silang masamang nagawa sayo?" "How about you? Are you happy na malaman iyon?" Balik tanong ko. Ngumiti siya. Napansin ko ang pagtaas baba ng balikat niya. "Of course little Acer. Dahil walang masamang nangyari sayo ng araw na iyon." Humakbang si kuya Kenneth palapit sa akin. Humawak sa balikat ko, hinila palapit sa kanya at niyakap ako. "Just be responsible next time. Huwag ka basta basta magtitiwala sa iba kahit na matagal mo na silang kakilala. Or kaklase mo man sila. Do you understand?" Tumango ako sa ilalim ng mga yakap niya. Nakakagaan ng pakiramdam ang maramdaman kung gaano nag aalala sa akin si kuya Kenneth. I know.. he always care for me. He always love me. "Halika na. Ihahatid na muna kita pauwi bago ako bumalik sa trabaho ko." "Mmmmm.." muli akong napasimangot ng kumawala ako sa yakap niya. "Bakit ba lagi kang nagtratrabaho. Bakit hindi mo na lang iutos sa iba iyan?" "Little Acer, hindi naman ganun kadali ang sinasabi mo. May mga trabaho ako na hindi dapat ipatrabaho sa iba. Katulad na lang ng kailangan kong pirmahan at approbahan." "I will tell to daddy that he need to do your work as well." Pagpupumilit ko na tinawanan lamang niya. "My little Acer.." na sinabayan ng pagpatong ng kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Ang daddy mo at ako ay pareho lang halos ang trabaho, little Acer. Kailangan ko munang i check ang mga papeles bago ko ipasa iyon sa kanya para makuha din ang approval niya." "I don't care. Mas mahalaga kasi ang trabaho mo kaysa sa akin. Kahit busy si Daddy nagagawa niya akong bigyan ng oras. But you... mas priority mo ang trabaho mo." "Of course not little Acer. You are always my 1st priority. Can't you see. I'm here beside you. Hmmm." Hinaplos ang pisngi ko na sinamahan ng pagpisil. "Kaya huwag mong iisipin na hindi ka mahalaga sa akin." Tumitig na lamang ako sa kanya at hindi na sumagot pa. "C'mon. Ihahatid na kita. Sa susunod, kapag natapos ko ang trabaho ko ng maaga.. mamasyal ulit tayo." Nagpatangay na lang ako sa kanya ng hawakan ako sa kamay at tuluyang hinila sa sasakyan. ¤¤¤ ¤¤¤ "Mommy." "Yes baby, hmm?" Itinaas ng mommy ang kamay niya ng lumapit ako kung saan siya nakaupo. Hinawakan ko ang kamay ng mommy bago ako umupo sa tabi niya. "What is it? May problema ba ang baby ko?" "Mmmm, nothing." Totoong sagot ko. Gusto ko lang naman maglambing kay mommy. Napakabait ng mommy katulad ng daddy. Hindi pa ako nakaranas ng galit sa akin si mommy kahit na napaka spoiled ko. Hindi niya ako sinisigiwan, lalong hindi niya ako sinasaktan kahit na sumusobra na ako minsan sa kakulitan ko at ipinagpipilitan ang ilan sa mga luho ko na hindi madaling makuha. Or makakasakit sa iba. O di kaya naman ang madalas na pangungulit ko kay kuya Kenneth na naiistorbo sa mga trabaho nito. "You okay?" "Yes mommy. I just want to cuddle." Paglalambing ko kay mommy. Ngumiti at humalik sa nuo. Masuyong paghaplos sa buhok na sinabayan ng pagsuklay ng mga daliri. "Mmmm, ang sweet naman ng baby ko." "Mommy, hindi ka ba talaga galit sa akin sa nangyari noong nakaraang araw?" "Huh! Why would I baby? You are just a victim. Pero alam mong nag aalala ako diba. Kaya don't ever do that again, okay." Tumango ako. Yumakap ako kay mommy ng ilang sigundo bago ako nagpasyang mahiga at umunan sa hita niya. "Gusto ko lang naman sanang makipagkaibagan sa iba kaya ako sumama. Hindi ko naman alam na ganun pala ang gawain nila." "We know that baby. Pinalaki ka namin ng daddy mo sa maganda kaya alam namin na hindi mo kami bibiguin ng daddy mo." "Mommy." "Hmmm." "Gusto kong maging katulad niyo paglaki ko. To become a good parent like you and daddy. Someday, I want to marry kuya Kenneth. I will be a good wife to him. I will love him like how you love daddy." Mahabang sabi ko. "Baby." Halata na nagulat ang mommy sa sinabi ko pero iyon ang gusto ko. Lagi kong isinasaisip na isang nakakatandang kapatid lang si kuya Kenneth ayon na din sa sinasabi nina mommy and daddy. Pero malaki na ako at nasa tama na ang pag iisip ko na hindi kami magkadugo. Ang akala ko noong bata pa lang ako ay nangungulila lamang ako sa pagmamahal ng isang kapatid. Lalo na ang mga pinsan ko na may mga kapatid. Halos lahat may kambal sila pero ako.. nag iisa lamang akong anak nina mommy at daddy. Naiinggit ako na may mga kapatid sina kuya Xaviel at kambal nitong si Kuya Frances. Si Kate at ang kambal nitong si Dywne na anak nina tito Wayde at tito Perth. At iba pang mga anak ng pinsan ni Daddy. Mayroon silang mga kapatid. Habang ako ay nag iisa lamang. Si kuya Kenneth lang ang naging kasama ko simula pagkabata. Kaya noon lagi ko siyang ipinagdadamot. Gusto ko ako lang lagi ang kalaro niya. Gusto ko nasa akin lagi ang pansin niya. Pero noong nagkaisip na ako at naiintindihan ko na ang lahat doon ko nalaman na hindi kami magkapatid ni kuya Kenneth. Hindi magkadugo dahil ampon lamang siya nina daddy. At doon nagsimula akong mainsecure. Lalo na at nahahati na ang oras niya sa akin at sa pag aaral niya. Nahahati ang panahon niya sa akin at sa mga naging kaibigan niya. And then, mas ipinagdamot ko siya na kapag hindi niya ako napagbibigyan ay ipinapamukha kong hindi ko siya kapatid. Pinapalayas ko siya at sinasabi kong ibalik lahat ng mga naibigay sa kanya nina daddy. Pero.. hindi naman niya ako pinaputulan. Hindi siya nagagalit sa akin bagkus lalambingin niya ako at hihingi ng tawad sa mga kasalanang wala naman siyang nagawa. "Mommy, he is not my brother. So he can marry me, when I am at the right age right?" Tanong ko pa ng hindi sumagot agad si mommy kaya naman muli akong naupo sa tabi nito. Titig na titig sa akin si mommy na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wala namang masama sa sinabi ko. Hindi kami magkapatid ni kuya Kenneth kaya pwede niya akong pakasalan. Hindi na siya lalayo sa pamilya namin. Dahil magiging isang buong pamilya kami kapag kasal na kami. "May sariling buhay ang kuya Kenneth mo, baby. And still, he is your big brother sa mga mata ng ibang tao." "But I love kuya Kenneth mommy. I want to spend my entire life with him. Katulad ng pagsasama niyo ni daddy. And I know, kapag ikaw o si daddy ang magsabi na pakasalan niya ako, hindi siya makakatanggi, am I right. Dahil sinusunod lahat niya ng sinasabi niyo." Hinawakan ko ang braso ni mommy at niyugyog iyon. "No, baby. Pagdating sa bagay hindi kami makikialam sa kuya Kenneth mo. May sariling buhay ang kuya Kenneth mo at balang araw. Siya ang magdidisesyon sa bagay na iyan." "But mommy, ayaw kong magpakasal sa iba si kuya Kenneth." Maluha luha kong sabi kay mommy. "He is in the right age to marry now but I am not. If he got married, hindi na niya ako mamahalin.. wala na ang kuya Kenneth ko." At tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Alam ko na kalabisan na ang sinasabi ko ko pero totoo lahat ng mga iyon. Ayaw kong mawala sa akin si Kuya Kenneth. Gusto ko dito lang siya sa amin. Kami lang nina mommy at daddy ang pamilya niya at wala ng iba. "Baby, stop crying. Shhhh." Saka ako niyakap ni mommy. "Shhhhh." Pahikbi akong yumakap din sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa pero patuloy parin ako sa pag iyak. Hindi ko lubos maisip na mawawala sa amin si kuya Kenneth at magkakaroon ng sariling pamilya maliban sa amin. Kapag may sarili na siyang pamilya ay mas lalong lalayo siya sa akin. Mas mahahati pa at kaunti na lang ang matitira para sa akin dahil mas priority na niya ang magiging pamilya niya. At hindi ko iyon hahayaang mangyari. Hindi ako papayag na iiwan niya ako at ipagpapalit sa bago niyang pamilya. ¤¤¤ ELIJAH POV: ¤¤¤ Nagpakawala ako ng buntong hininga matapos mailapag ni Ace ang anak namin sa kama nito. Hindi ko siya nasabihan pa dahil nagpatuloy lang ito sa pag iyak kanina na paulit ulit nitong sinasabi na ayaw niyang mawala ang kuya Kenneth niya hanggang sa makatulugan niya iyon. "Ace." "It's okay mi esposa. Ako na ang bahala sa kanya pagkagising niya." Masuyong humaplos ang palad niya sa pisngi ko bago ako dinampian ng halik sa nuo. Naikwento ko na kasi sa kanya ang napag usapan namin ni Acer. "Ace, paano na iyan ngayon. Hindi ko naisip na ganito pala ang kahihinatnan ng pagiging malapit ng anak natin kay Kenneth. Ace, you need to do something about it. Hindi pwedeng pagbigyan ang kagustuhan ng anak natin." Sabi ko sa kanya. Hindi sa ayaw ko kay Kenneth kay Acer kung sakali magkapareho sila ng nararamdaman. Pero.. "Yeah! Ako na din ang bahalang makipag usap kay Kenneth, mi esposa." "Hindi mo siya pipilitin, right? Hindi mo siya uutusang pakasalan ang anak natin, right? Ace, you can't do that. Huwag mong manipulahin ang buhay niya." Magkakasunod na tanong ko. Ayaw kong matulad si Kenneth sa minsan ng ginawa ni lolo sa amin. Kahit na naging maganda naman ang naging relasyon namin pagkatapos ang ilang pagsubok sa aming relasyon ay ayaw kong ipagsapalaran ang buhay nilang dalawa. Kahit tama si Acer sa sinabi nito kanina na susundin lahat ni Kenneth ang mga sasabihin namin ay ayaw kong manipulahin ang buhay pag-ibig nito. Ayaw kong ipagkait dito ang pag-ibig na dapat niyang maramdaman sa taong makakasama nito sa buhay. "Hindi ko gagawin iyon, mi esposa. Ayaw ko namang ipilit ang anak natin sa kanya kung sakaling tumanggi ito. Pero gagawa ako ng paraan para matupad ko ang gusto ng anak natin." Buong buo ang tuno ng boses niya habang sinasabi iyon. "Ace." Napalunok ako dahil wala naman akong ibang masabi maliban na lang sa mga pangalan niya. Nilingon ko naman ang anak namin na mahimbing ng natutulog. Masuyong haplos. "Okay lang iyan mi esposa. Bata pa ang anak natin at hindi pa siya 100% na sigurado sa mga sinabi niya sayo. Kaya may panahon pa para mabago iyon." "Sana nga Ace. Ayaw kong may isa sa kanila ang masaktan at masakal lang kung sakaling hindi iyon magbabago." "Huwag mo na munang pagkaisipin ang mga iyon, mi esposa. Sinabi ko na kanina pa na ako na ang bahala sa bagay na iyon. Walang masasaktan. At walang mapipilitan sa kanilang dalawa." Parang sigurdong sigurado siya sa mga sinasabi. Napatitig akong muli sa kanya. Masuyong pumatong naman ang isang kamay sa balikat ko kaya napahilig na lang ako sa dibdib niya. Payapang payapa ang pakiramdam ko habang katabi ko siya. Hindi parin nagbabago ang init ng pagmamahal niya sa akin. Ibang-iba na siya ngayon kompara noong una ko siyang nakilala. Mahabang panahon na ang nakakalipas. Naging mas mapagmahal pa siya. Sa akin at sa aming anak. Nadoble ang pagiging responsable niyang padre de pamilya. Kaya mas tumitibay pa ang aming pagsasama. Nagiging mas matatag ang aming pamilya. "I love you mi esposa." "I love you too." Pabulong na sagot ko saka ako yumakap sa kanya. Katulad ng dati ay ramdam ko ang init ng mga yakap niya. "Halika na mi esposa. Hayaan na muna nating magpahinga ang anak natin. Hmm." "Okay." "How about..." isang pilyong ngiti ang napaskil sa mga labi niya. "Acee." Pinanlakihan ko siya ng mga mata ng makuha ko ang ibig niyang sabihin. "Mi esposa.. hmmm.. still blushing? So cute." Pinanggigilang pisilin ang pisngi ko bago ako hinalikan sa labi. "C'mon.. pinapasabik mo ako mi esposa." At bago pa man ako nakasagot ay walang kahirap hirap na binuhat na nga niya ako. Gusto ko sanang tumili sa kabiglaan ay pinigil ko lang ang sarili ko baka kasi magising si Acer. Ang kaninang pag aalala ko ay natabunan na ng bahagyang pagkasabik sa kakaisip kong ano ang balak gawin ni Ace. ¤¤¤ ¤¤¤ "Mabuti naman at nadadalas na ang pag uwi mo dito sa bahay hijo." "Oo tito. Gusto ko lang naman palugudan si Acer, habang hindi pa masyadong marami ang trabaho sa kompanya. Baka kapag wala na naman akong oras sa kanya ay magtatampo na naman iyon sa akin." Ngumiti ako sa naging sagot ni Kenneth. Napakabuti niya sa anak namin at nakikita ko sa kanya kung paano niya ito iniingatan. Pinapahalagaan bilang isang kapatid sa kabila ng hindi sila tunay na magkadugo. "Sinanay mo kasi siya noon hijo kaya ganyan siya ngayon. Dibale, maiintindihan ka naman niya kapag talagang marami kang trabaho. Magtatampo lang naman siya sa kuya niya ng ilang oras pero agad din namang mawawala." Sagot ko dito kahit na alam ko na ang panig ng anak ko na hindi lang nakakatandang kapatid ang turing ni Acer sa kanya. Magkaganun pa man, hindi naman mababago nun ang pakikitungo ko sa kanya dahil wala siyang alam sa nararamdaman ni Acer. Nakikita ko naman na pagiging nakakabatang kapatid lang ang turing niya kay Acer. Tama naman si Ace, bata pa si Acer at darating naman siguro ang panahon na makakalimutan ni Acer ang sinabing mahal niya si Kenneth. "Sa pagpapalugod mo kay Acer ay hindi ka na makahanap ng mapapangasawa niyan." Pagbubukas ko ng usapan patungkol sa lovelife nito. Wala kasi akong nababalitaan na nalilink dito. Ang huli ko na lang balita ay noong nag aaral pa ito sa huling baitang ng kolehiyo pero agad din namang nawala iyon. "Wala pa sa isip ko iyan tito. Masyado pang maaga para sa ganyang bagay. May gusto pa po akong patunayan sa sarili ko na hindi ko kayo mabibigo sa pagpapalaki sa akin." "Pero hindi ka na bumabata hijo. Ano na lang ba ang maghanap ka ng kasintahan mo." "Hindi naman po hinahanap iyan tito. Kung talaga namang magkakaroon ako ng kasintahan ay darating na lang iyon kapag nakaramdam na ako ng kakaibang pagtibok nito." Sabay turo ng puso nito. "Sa ngayon, hindi po ako nagmamadali tito." Seryusong sagot nito sa akin na nakapagpagaan ng mga iniisip ko. Masasabi kong responsable ito sa buhay. Hindi nga niya kami binibo ni Ace sa pagpapalaki sa kanya. Masasabi kong mapagkakatiwalaan ito sa lahat ng bagay. At lalo na kay Acer, kaya nga hinihiling ko na sana dumating ang araw na kay Acer na lang mahulog ang loob nito para hindi na ako mag aalala sa anak namin dahil may tiwala ako na kaya nitong ibigay ang buhay na ninanais namin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD