Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
KENNETH POV:
¤¤¤
"Good job. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpapalaki sayo." Seryusong papuri sa akin ni tito Ace dahil sa naging matagumpay na naman ang huling project namin.
Isa na din ang pagkasold out lahat ng mga damit na iminudelo namin ni Acer. Pumatok iyon sa mga tao na hanggang ngayon ay patuloy parin ang maraming tumatangkilik ng couple shirt na iyon.
Naging maganda ang feedback ng marami. Lalo na ang naging usap usapan na bagay kami ni Acer as a couple.
Napapangiti na lang ako doon. Hindi nila alam na kapatid ko siya not in blood pero he still my little brother.
"By the way. Anong masasabi mo sa mga kumakalat sa social media na bagay kayo ni Acer? Hindi ka ba naabala doon?"
"Not really tito Ace. Mag isip man sila ng ganun ay siya parin ang little brother ko kaya hindi ko na iyon pinapansin." Sagot ko dito. "Kung sasagot man ako doon at itatama ang mga haka-haka nila ay baka mas tumagal pa ang usapin iyon at magpatuloy. Kaya hinahayaan ko na lang na lumamig hanggang sa makalimutan na lang nila." Mahabang paliwanag ko.
"May punto ka sa sagot mo. Pero hindi mo ba naiisip na nadadamay ang kalayaan mo. Baka hindi ka makahanap ng magiging katuwang sa buhay niyan."
"Hindi pa ako nagmamadali sa bagay na iyan, tito. Pasasaan bat darating na lang ng kusa ang sinasabi niyong katuwang ko sa buhay. For now.. mas mahalaga sa akin kung anong mayroon ako ngayon, tito." Matuwid na sagot ko.
Napapansin ko yata na pareho lamang sila ni tito Elijah ng tanong. Noong nakaraan kasi ay natanong din sa akin iyon ni tito Elijah. At ganun din naman ang naging sagot ko.
Parang may ipinapahiwatig yatang kailangan ko ng maghanap ng makakasama ko habang buhay.
Naipilig ko ang ulo ko. Talagang wala pa sa isip ko iyon kaya hindi ako nagsasayang ng oras para hanapin kung sino man ang naitadhana sa akin.
"Ikaw ang bahala. Basta ang sabi ko sayo noon, hindi ako makikialam sa personal mong buhay. Pero kung may nakilala ka na. Nandito kami para makilala din siya."
"Oo naman tito. Hindi ko iyan makakalimutan. Kung makapagpasya man ako. Ay kayo agad ang unang makakaalam." Sagot ko.
Hindi ko na pinahaba pa ang naging usapan namin ni tito Ace. Agad akong nagpaalam dito matapos naming mapag usapan ng maayos ang mga importanteng bagay sa mga negosyo.
Hindi na kailangang pag usapan ang personal kong buhay gaya nga ng sinabi nito.
"Kuya Kenneth." Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan ko.
Tumatakbong lumapit sa akin si Acer at walang babalang lumambitin sa leeg ko kaya naman agad na umalalay ang mga kamay ko sa likod niya.
"You are not a monkey, little Acer." He is so clingy nowadays.
"Hmmm. Anong pinag usapan niyo ni daddy?"
"About business, little Acer. C'mon... bumaba ka na muna. Nasasakal na ako."
"Hmmp! Magaan lang naman ako. Saka lagi naman ako noon sumasakay sa balikat mo."
"Little Acer. Malaki ka na at hindi na bata. Kaya di na kita pwedeng isakay sa mga balikat ko."
"But I like it.. hmmmp. You don't like me anymore."
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Paano ko ba sasabihan ang isang spoiled at isip bata paring si Acer.
"Okay! Okay! If you like to ride on my shoulder. I will. Pero hindi ngayon. Hmmm. And by the way? Why are you here?" Pang iiba mo na agad ng usapan.
"Nothing. Just want to ask if nakita mo na ang mga trending sa social media tungkol sa mga larawan natin. And I like it. How about you? Do you like it? Hmm. Do you like it?"
"Mmm." Nag isip muna ako ng isasagot ko sa kanya na ikina-kunot ng nuo niya.
"What?" May papadyak pa sa mga paa niya na muling tanong sa akin na kung sasagit akong hindi ko nagustuhan ay siguradong magwawala siya. Sisigawan ako at sasabihin "I hate you."
"Of course little Acer.. i like it." Sagot ko na iyon lang talaga ang pwede kong isagot para hindi siya magalit.
"Really? It's amazing right."
"Yeah! Dahil iyon sayo."
"I will tell it to daddy. See you later kuya Kenneth." Tuwang tuwa pa itong nagpaalam sa akin at isang mabilis na damping halik sa pisngi ko ng muli siyang naglambitin sa leeg ko.
Naiiling na napasunod na lang ang tingin ko sa kanya.
"Hindi mo ba naisip kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon sa social media?" Tanong ko ng pabulong. Muli akong nailing. "You are still our little Acer. Hindi ka parin nagbabago."
Nagpatuloy na din ako sa pagbabalik ko sa opisina ko ng tuluyan ng makapasok siya sa opisina ng daddy niya.
Isang matagumpay na naman ang nailaunch ng kompanya na siyang kikita ng malaking halaga.
¤¤¤
¤¤¤
"Hi! Kenneth, right?" Napatitig ako sa babaeng lumapit sa akin.
"Yes! Do I know you?" Tanong ko dahil hindi ko ito mamukhaan kung saan ko ba ito nakilala.
"I think no! Isa lamang akong tagahanga mo. Nakita ko kasi ang huli niyong inilabas na magazine at namukhaan kita. I'm Crystel Montalban, by the way."
Napatingin ako sa palad nitong inilahad sa harap ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tinanggap naman ng maayos ang pakikipagkamay nito.
"Your last name remind me for someone."
"Mmm, maybe my dad. Henry Montalban."
Sa binanggit nitong pangalan ay naalala ko ang kanyang papa na isa sa mga kasyosyo ko sa ilang mga negosyo. At isa din pala ito sa sikat na singer na ngayon ayon na din sa papa nito. Hindi ko nga lang kilala dahil wala naman akong pakialam sa mga Entertainment Industry
"Yeah! Nice to meet you Ms. Montalban. How me I help you? Take a set. Wanna join me for lunch." Paanyaya ko na din para hindi naman ito mapahiya sa paglapit sa akin.
"Ohh! Thank you for your kindness. Hindi ko tatanggihan iyan."
"Yes, of course. Waiter please."
Hinayaan ko itong mag order ng gusto niyang kainin.
"By the way. Is she your girlfriend?" Tanong nito matapos makapag order. Alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
"No! He is my little brother."
"He?"
"Yes, he is."
"What? Really? He is such a cute girl in any words. Hindi ko naisip na lalaki pala siya."
"Indeed."
"Akala ko girlfriend mo siya. So....do you have a girlfriend?" Deretsang tanong nito. "Pasensya na. Hindi na ako mahihiyang magtanong. Dahil ang totoo niyan kaya kita nilapitan dahil hinahangaan kita."
Hindi ko mapigilan ang magtaas ng isang kilay habang nakatitig dito. Hindi ko akalain na may mga ganito pala talagang mga babae na sila pa mismo ang lalapit sa mga lalaki para gumawa ng unang move.
"Wala pa akong girlfriend." Totoong sagot ko.
"How come?"
"Wala pa sa plano ko, ms. Montalban. And if you don't mind. Huwag na natin iyang pag usapan. And about sa sinasabi mo kanina. Hindi ko iyan mabibigyan ng tugon. Pasensya ka na." Maayos na pagtanggi ko sa pagtatapat nito.
Hindi ko ugaling bigla na lang sunggaban ang pagtatapat nito. Hindi din magandang tignan para sa isang katulad nito ang pagtatapat sa isang lalaki.
Napayuko ito sa pagiging prangka ko.
"Huwag kang mag alala ms. Montalban. Isipin na lang natin itong isang magandang pagkilala sa isa't isa. Eat well." Sabay turo ng pagkaing kase-serve lang ng waiter.
"S-sige, Mr. Hidalgo."
"You can call me Kenneth." Sabi ko ng mapansin kong bigla itong naging pormal. Nawala ang kaninang lakas ng loob na makipag usap sa akin. "Lets eat." Muli kong alok sa kanya.
Hindi na din ito naimik katulad kanina. Pero hindi nakaiwas sa paningin ko ang pasulyap na tingin nito sa akin.
"Thank you for the meal, K-kenneth. I hope this is not the last." Saad nito matapos kaming kumain. Hindi halos naman nito naubos ang inorder.
"Of course, ms. Montalban." Pero hindi ko na iyon kasalanan kung nawalan siya ng gana kanina sa kaprankahan ko.
"Then call me Crystel." Kuway saad nito na parang nabuhayan ulit ng loob. Tumayo at muling inilahad ang kamay. "Can I get your no.?"
"Yeah! Sure." Ibinigay nito sa akin ang phone at naitype doon ang cell number ko. "Nice to meet you again, Crystel."
"Thank you."
Ako na ang unang nagpaalam. Hindi ko na hinintay ito na sabihing sabay na kaming lumabas.
¤¤¤
¤¤¤
"
Acer?" Nagulat pa ako ng bigla na lang siyang nasa harapan ko at inihagis ang isang newspaper sa ibabaw ng lamesa ko.
Hindi sa newspaper nakatutok ang paningin ko kundi sa kanya mismo na ngayon ay hindi na maipinta ng maayos ang mukha niya.
Nakasimangot, kunot ang nuo. Magkadikit na halos ang mga kilay at matalim na nakatingin sa akin. Isama na din ang mga kamaong nakakuyom ng bumaba ang paningin ko ng makitang nanginginig talaga siya sa galit.
"What? Anong nangyayari sayo?"tanong ko. Binitawan ko na ng tuluyan ang binabasa kong dukomento at nilapitan siya.
Hahawakan ko na sana siya ng lumayo siya sa akin. Humakbang paatras para di ko siya malapitan.
Naiwan sa ere ang kamay ko na muling napatitig sa kanya.
"Little Acer.. anong nangyayari sayo?" Muli kong tanong at sinubukan kong ulit siyang nilapitan.
Hindi na siya humakpang paatras kaya nahawakan ko na siya sa braso.
"Hey!." Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makitang tumulo ang kanyang mga luha. Ang kamay ko na nakahawak sa braso niya ay lumipat sa mga pisngi niya. Pinunasan ang kanyang luha. "Little Acer, what's wrong? Hey! Don't cry." Saka ko siya ikinulong sa mga yakap ko.
Ang bigat sa dibdib ko ang makita siyang lumuluha kahit na hindi ko naman alam ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
"I hate you."
"Huh." Marahang inilayo ko siya sa akin at muli siyang tinitigan. "May problema na naman ba tayo? May nagawa na naman ba ako na hindi mo nagustuhan?" Tanong ko. Doon ko naalala ang newspaper na inihagis niya kanina kaya naman dali dali ko iyon tinignan.
Nasa frontpage ang larawan ko habang kasamang kumakain ang anak ni Mr. Montalban.
"Ahh! What the f**k?" Mahinang boses na mura ko sabay tampal sa nuo ko.
COO Hidalgo of AA Enterprise was spotted dating Miss Montalban, one of the famous singer in the Entertainment Industry.
Iyon ang nakalagay na caption sa balita. Sinamahan pa na may kampana na daw bang maririnig para sa kasal naming dalawa.
Ang mga journalist at mga reporter nga naman ang nagbibigay ng isang malaking kasinungalingan minsan na nagdudulot ng malaki ding hindi pagkakaunwaan.
"This is nothing little Acer. Lumapit lamang siya at nakipagkilala sa akin." Pagsagot ko at paliwanag sa kanya na iyon ang alam kong ipinagpuputok na naman ng butse niya ngayon.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
Walang kwentang balita na siyang dahilan kung bakit siya nagwawala ngayon.
Hindi na bago ang mga ganitong eksina sa akin. Nasanay na ako. Ang dahilan niya. Ayaw niya akong mawala sa kanya dahil big brother daw niya ako. Dapat sila lang daw ng mommy at daddy niya ang magiging pamilya ko. Hindi na daw ako dapat maghanap ng ibang pamilya maliban sa kanila.
Isa na din iyon sa dahilan ko kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong kabalak balak na magkaroon ng kasintahan dahil kay Acer. Alam ko na hindi magiging magandang balita iyon para sa kanya.
"Lumapit siya sa akin ng araw na iyan na nasa balita dahil sa nakita niya ang nailaunch sa magazine na larawan natin para sa mga couple shirt. And then pinuri na maganda ang pagkakakuha natin." Pagpapatuloy ko sa pagpapaliwanag.
"Hmmp! At bakit magkasama kayong kumakain?" Pasigaw pa na tanong niya.
"Hindi ko naman siya basta maitutulak palayo. At bilang isang magandang asal ay inimbitahan ko na siyang kumain. Iyon lamang little Acer. At alam mo naman na ang nakalathala minsan sa mga dyaryo ay mga maling hakahaka lamang." patuloy ako sa pagsagot at pagpapaliwanag.
"And how about this. Paano mo iyan maipapaliwanag." Ipinakita naman niya ang phone niya na ngayon ay nasa social media na din ang balitang kasama ko nga si Ms. Montalban.
"Same little Acer. Don't worry about that. Ako na ang bahalang magpadelete ng balitang iyan."
"You sure?" Pahikbi pa na paniniguro niya. Sinisinok na kaya naman muli ko siyang nilapitan. Pinunasan ang pisngi na dinaluyan ng luha niya kanina.
"Yes, little Acer." Saka ko siya muling niyakap.
Tumugon siya sa mga yakap ako at isinubsub ang mukha sa dibdib ko.
"Kami lang nina Daddy at mommy ang pamilya mo. Hindi mo na kailangan ng iba." Mahinang usal niya.
"I know little Acer." Pagsang ayon ko na lamang.
Mabuti na lang at madali lang din siyang suyuin kapag galit. Babaliktad siguro ang mundo kong mahirap siyang pakiusapan at patuloy sa pagwawala sa galit.
"C'mon... huwag ka agad magagalit kapag nakakakita ka ng ganito, okay. Dapat kausapin mo muna ako bago ka magreact dyan o umiyak. And don't just cry, little Acer. Ayaw kong nakikita kang umiyak."
Napalabi siya sa mga sinabi ko na sinamahan naman ng pagtango. Masuyong humaplos ang palad ko sa buhok niya habang yakap ko parin siya.
¤¤¤
¤¤¤
"I heard na sinugod ka daw ni Acer kanina." Si tito Ace na ipinatawag ako kanina pa daw. Hindi nga lang ako agad nakapunta sa opisina nito dahil inihatid ko si Acer sa school nito matapos kaming magkaliwanagan para sa mga naibalita.
"Yes tito. Pero naayos ko na iyon. Katunayan niyan tito, kararating ko lang galing sa paghatid sa kanya sa school niya." Magalang na sagot ko dito.
"Mabuti naman kung ganun. Well, hindi ka ba nahihirapan sa ugali ni Acer?"
Napatitig ako kay tito dahil sa naging tanong nito.
"Hindi naman tito. Kung hindi ko siguro siya kilala hanggang pagkabata ay baka hindi ko po magustuhan ang ugali niya. Pero he is still my little brother at mahabang pasensya lang ang kailangan para maintindihan siya." Mahabang sagot ko dito.
"Huwag mo masyadong i spoiled si Acer katulad na lang ng ginagawa mo ngayon. Minsan, naiisip ko din na nasobrahan ako sa pang i-spoil sa kanya kaya siya ngayon gayan. At sana, huwag mo ng gayahin ang ginagawa ko sa kanya. Tama na, na ako nalang ang mang spoil sa anak ko. Gawin mo ang alam mong tama para ituwid ang mga mali niya na para sa kanya lahat ay tama." Mahaba naman nitong sabi.
Wala akong naitugon agad sa mga sinabi ni tito Ace. Hindi yata't napansin na din nito ang sobrang pag kaspoiled ni Acer.
"Sa pang i-spoil ko sa kanya ay hindi ko na naisip na tumutubo na ang sungay niya. Huwag sanang madagdagan iyon."
"Sige tito. Kung iyan ang gusto niyo." Tanging sagot ko na lang dahil wala naman akong ibang sasabihin maliban sa pagsang ayon na lang sa sinabi nito.
"Good. Aasahan ko yan. Makakabalik ka na sa opisina mo."
"Sige po tito."
Totoo naman ang sinabi ni tito Ace. Dahil minsan naman sumusobra na nga ang ugali ni Acer.
Mabuti na lang sana kung nasa paligid lang ako na kapag may sinungitan siya ay may magtatanggol sa kanya kung sakali mang patulan siya ng mga sinusungitan nito at inaway siya.
"He is still my little Acer." Bulong ko. Hindi ko gugustihin na sa akin naman ito magalit dahil inaalala ko parin na minsan sumailalim siya sa operasyon sa puso.
Oo, may mga panahon na hindi kaya ng puso niya ang mabibigat na emosyon kahit na wala na siyang palatandaan ng sakit sa puso.
Sadyang mahina lang talaga ang puso niya magdala ng mga iyon kaya naman iniiwasan namin iyon.
Katulad na lang kanina. Kapag galit na ito ay manginginig siya at iiyak na lang at kapag hindi mo agad nasuyo ay manghihina na lamang siya.
"Paano ko iyon maiiwasan?" Naitanong ko sa sarili ko. Kung ang mundo niya ay umiikot lamang sa akin at sa mga magulang niya.