#11:

2571 Words
Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Akala ko po hindi niyo pakikialaman ang personal na buhay ko." Pagrereklamo ko ng biglang sabihin ni tito Ace na may ipapakilala sa akin na babae para daw naman may iba akong pagkakaabalahan. "Yeah! Just give it a shot. Malay mo maging maganda ang relasyon niyo." Pagpapatuloy nito. "Pero tito. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi ko na wala pa akong balak para sa ganyang mga bagay." "I know, pero subukan mo lang. Saka para hindi lang kay Acer natutuon ang oras mo." "Hindi problema para sa akin na maubos ang oras ko kay Acer tito. At alam niyo naman na ayaw ni Acer sa mga taong malapit sa akin." "Iyon na nga ang punto ko sa usapan nating ito. Kenneth, from now huwag mo ng baby'hin si Acer. Kailangan na niyang mag mature." "Pero hindi naman ibig sabihin nun tito na kailangan kong makipagkilala sa iba. Kung iyon lang naman pala ang gusto niyo ay susubukan ko siyang baliwalain at hindi pagbigyan sa mga gusto niya." "Wala din namang mawawala kung susubukan mo. And I know this girl very well. Hindi ka magsisising makilala siya." Sabi pa nito. Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil wala na akong ibang alam sabihin maliban sa pagtanggi ko. May magagawa ba ako? ¤¤¤ ¤¤¤ "Okay lang naman iyon. Nagsisimula naman ang lahat sa wala diba." Sabi ng babae na nagpakilalang Layla. Anak nga ito ng isa sa barkada ni tito Ace. Kaya heto ako ngayon nakipagkita sa kanya dahil hindi na ako nakatanggi kay tito Ace sa sinabi nito na makipagkilala dito. Mahinhin nga ito. Sa kilos at pananalita. "Oo naman. Hindi naman minamadali ang lahat patungkol sa bagay na gustong mangyari ng mga magulang natin." Sagot ko. Sa mga mata nito at pagkilala sa akin ay anak ako nina tito Ace. "Pagbigyan na lang natin. Kain na." Kuway alok ko ng maihanda ang mga inorder naming pagkain. Naging maayos naman ang una naming pagkakilala. Hindi naman nakakaboring dahil palakwento naman ito. Inalam ang mga gusto at sa mga hindi gusto sa mga bagay. Isa itong guro sa kendergarten. Kaya mahilig siya sa mga bata. Ikinuwento kung gaano kakukulit ang mga batang tinuturuan. "Mahabang pasensya lang talaga ang kailangan para sa mga bata." "Tama ka. At hindi naman sila nakakasawang turuan dahil ang sisipag nila." Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin ng ilang oras. Kasabay ng pamamasyal namin. "Salamat sa pakikinig sa mga kwento ko." "Yeah! No big deal. Nakakagaan din naman ang pakikinig." "Salamat na din sa paghatid. Mag ingat ka sa pagmamaneho mo pauwi." "Salamat din. I will try to pick you up every afternoon pagkatapos ng klase mo." Tumango ito sabay ngiti. Hindi na din naman ako nagtagal at umuwi na ako. Dumeretso ako ng kompanya. Magpapalipas ng oras bago ako tuluyang umuwi ng bahay. ¤¤¤ ¤¤¤ "Sino siya?" At ang inaasahan kong reaksyon niya ng makitang kasama ko si Layla ay hindi nabigo. Kunot ang nuo niya lalo na ng mapatingin sa braso ko na hawak ni nito. "Nandito na pala kayo hijo." Si tito Elijah dahilan para mabaliwala ang nagbabadyang pagkagunaw ng buong bahay dahil sa nakikita kong galit sa mga mata ni Acer na nakatingin sa kay Layla. "Papasukin mo ang ang bisita mo hijo. Dito. Pasok ka hija." And as always.. napakabait ni tito Elijah sa pakikiharap kay Layla. "No! She is not welcome here." Napatingin kaming lahat ng magsalita si Acer na naiwan sa may pintuan. Nanginginig na kuyom na ang mga kamao niya. Parang gusto kong lapitan siya at aluhin. Naunahan lang ako ni tito Elijah na gawin iyon. "Baby. Bisita siya ng kuya Kenneth mo kaya please. Calm down." Lihim akong nagpakawala ng malalim na paghinga at pinipilit na huwag maapektuhan sa nakikita kong panggigigil sa galit ni Acer. "Hmmmp. I hate you." Sigaw niya at walang pasabing tumakbo papasok. Binangga pa talaga si Layla dahilan para mawalan ito ng balanse. Mabilis ko naman itong naalalayan na mas nakapagpatalim ng tingin ni Acer sa amin. Hindi na ito umimik. Patakbong inakyat ang hagdan at padabog ding isinara ang pinto ng silid niya. "Pasensya ka na sa inasal ng bunso ko, hija." Paghingi ng tawad ni tito Elijah dito. "Paupuin mo muna ang bisita mo hijo. Ako na ang bahala sa kapatid mo." Magaang pumatong ang kamay ni tito Elijah sa isa kong braso na gusto ipahiwatig na huwag kong pansinin si Acer. Pero paano? Hindi ko gustong makita ng ganun si Acer. "Sige po. Umupo ka na muna." Umalalay parin ako kay Layla hanggang sa makaupo ito. "Pasensya ka na sa inasal ng kapatid ko. Hindi lang sanay na nagdadala ako ng isang kaibigan dito sa bahay." Paghingi ko din ng pasensya dito at paliwanag na din. "Okay lang. Ganun naman talaga kapag bunso at naspoiled diba. Kaya hindi na bago iyon sa akin." Maalumanay at ngiti naman nitong sagot. Sa pag uusap namin habang hinihintay ang pagbabalik ni tito Elijah ay dumating na din si tito Ace. "Nandito na pala kayo. Nasaan ang mommy mo." Kuway tanong ni tito Ace. Na kapag nasa harapan ng ibang tao ay mama at papa na ang tawag ko sa kanila. Naninibago man at parang sintunado kapag tinawag ko sila ng ganun. "Kinakausap lang si Acer pa," sagot ko. Binigyan din ng makahulugang tingin na nagpapahiwatig na hindi naging maganda ang makitang may iba akong kasama. "Ganun ba. Maiwan ko na muna kayo saglit at sisilipin ko lang sila." Pareho lamang ng pakikipag usap si tito Ace sa akin o sa ibang tao. Natural na seryuso at hindi makikitaan ng pagkagiliw hindi tulad ng pakikipag usap nito kina tito Elijah at Acer. "Feel at home hija." Hindi na iyon bago sa akin. Nasanay na ako na siyang itinuro din nito sa akin. Na huwag magpapakita ng kahinaan kapag humaharap sa ibang tao. Sabi nito na pwede mong ipakita ang iyong kahinaan sa mga taong mahal mo at tunay din na nagmamahal sayo. "Sige po." Sagot naman ni Layla kay tito. "Okay lang ba talaga ang kapatid mo na nandito ako?" Kuway tanong na nito ng muli kaming maiwang dalawa. Nabaling ang tingin ko dito dahil kanina pa ako nakatingin sa pinto na pinasukan din ni tito Ace. "Oo naman." Sagot ko kahit na sigurado akong hindi naging maganda ang pagdadala ko sa kanya dito sa bahay. "Hindi ba ako nakakaabala dito sa bahay niyo?" "No! Of course not. Hindi ka naman magiging abala dito sa bahay. Si mama kasi ang nagsabi na ipasyal kita dito minsan para makilala ka naman nila. At bilang isang kaibigan dapat ka nilang makilala ng personal kahit na sila din ang dahilan kaya tayo nagakakilala." Kiming ngumiti ito. Magkaugpong ang mga palad na halatang kinakabahan. Kinalma ko na lang ito sa pamamagitan ng pagkukwento ng mga bagay tungkol sa aming pamilya. ¤¤¤ ACE POV: ¤¤¤ "No!." Sigaw ni Acer habang kinakausap namin ito na kailangang pakisamahan ang bisita ng kuya Kenneth niya. "Palayasin niyo siya. I hate her." Paulit ulit na naging sigaw niya at hindi namin mapakalma. "Baby, please. Calm down. Kaibigan lang siya ng kuya Kenneth mo." "Kaibigan? No! Hindi ako naniniwala. Hindi niya kaibigan ang babaeng iyon. Mawawala sa atin si kuya Kenneth. Bubuo siya ng bagong pamilya. Kakalimutan na niya tayo." Nagkatinginan pa kami ni Elijah sa mga naging sagot niya. "Hindi mawawala ang kuya Kenneth mo sa atin. We are still his family. Hindi magbabago iyon." Magaan parin siyang nakikipag usap sa anak namin. Umiiyak ito. Parang nahihirapan na ding huminga sa pagkakaroon ng sipon dahil sa pag iyak niya. "I hate you. Hek.. hmmm. I-i hate kuya Kenneth." "Baby." Masuyo ko siyang hinawakan sa braso at hinila palapit sa akin para yakapin. "Stop crying." Parang madudurog ang puso ko na nakikita itong umiiyak. Bumabalik sa alaala ko ang paghihirap niya noong sanggol pa lang siya na nakikipaglaban sa sakit niya sa puso. Kaya nangako ako sa sarili ko noon na ibibigay ko lahat ng gusto niya. Pinapalugudan sa lahat ng nais niya. Iparamdam na mahal na mahal ko siya at hindi siya nag iisa para hindi na niya ulit maranasan ang mga naranasan niya noong sanggol siya. "Stop crying. Tama ang mommy mo. Kaibigan lamang siya ng kuya Kenneth mo. Kaya please. Tahan na. Huwag ka ng umiyak, baby." Pagpapatahan ko sa kanya. Mali ba ang ginawa ko na ipinakilala si Kenneth sa iba at ipakilala din nito kay Acer. Ang akala ko ay madali lamang pero para na akong sising sisi sa mga plano ko. "Palayasin mo siya daddy. Sabihin mo kay kuya Kenneth na palayasin ang babaeng iyon. Daddy.. please. Do something." Humihikbing pakiusap niya. Humina na din ang boses niya. Pero napansin ko na ang bibigat ng kanyang pinapakawalang paghinga. "Tahan na baby. Kalmahin mo ang sarili mo." Nabalot na ako ng pag aalala. Para siyang mawawalan ng hininga sa paraan ng paghinga niya. "D-daddy. P-please." At sa huli niyang salita ay tuluyan siyang nawalan ng malay. Pareho kaming nataranta ni Elijah. Agad siyang tumawag ng doctor para tignan siya. "Mi esposa." Mahinang pagtawag ko sa kanya matapos namin siyang maihiga ng maayos sa kama. Binabanyusan niya ngayon si Acer para mahimasmasan ang init ng katawan nito. Hindi ko gusto ang ganito na makita ang anak ko na nahihirapan pero kailangan ko din namang gawin iyon dahil hindi nga habang buhay ay makakasama namin ang kuya Kenneth niya. I know. And I had a plan since then. Agad akong pumayad na huwag papalitan ang apelyedo ni Kenneth dahil naisip ko na noon pa. Na kung aayon lahat sa plano ko at mapalaki si Kenneth sa paraan na gusto ko ay mapapanatag akong ipagkatiwala si Acer sa kanya. Na mag aalaga katulad ng pag aalaga namin sa kanya. Susubukan ko lang. Dahil gusto ko din malaman ang totoong nararamdaman ngayon ni Kenneth sa anak namin. "Okay lang ba siya tito?" Si Kenneth na nag aalalang sumunod sa doctor na kadarating lang. "Okay lang siya, hijo. Hindi mo sana iniwan ang bisita mo sa sala ng nag iisa." Magaan na boses na sagot ni Elijah dito. Tumayo at binigyan daan ang doctor na titingin kay Acer. Nagkatitigan kami at nakikita ko sa mga mata nito na para akong sinisisi dahil sa nangyari kay Acer. Oo, inaamin ko. Kasalanan ko. Pero kailangan ko paring ipagpatuloy. Balang araw ay magiging independent na si Acer sa kanya at doon ko makikita kung may magbabago ba kay Kenneth at makita ko kung mapagkakatiwalaan parin ba siya para sa anak namin. "Bumalik ka na sa baba. Kami na ang bahala kay Acer. Asikasuhin mo ang bisita mo." Seryusong utos ko dito. Nakita ko ang pagtaas baba ng balikat nito sa binakawalang buntong hininga. Nagpaalam ito ng maayos bago lumabas. "Ako na ang titingin sa kanya mi esposa. Samahan mo na sina Kenneth sa labas." Baling ko kay Elijah. "Pero..." "Okay lang ang anak natin mi esposa." Pagpapagaan ko ng loob niya. "Sabihan mo ako kapag nagising na siya." "Sige mi esposa." Naiwan kami ng doctor na tumingin sa kanya. Ilang sandali pay sinabi ng doctor na wala dapat ipag alala. Nasa maayos lang na kalagayan si Acer. "Sadyang ngayon lang siya nakaramdam ng mabigat na emosyon simula noon." Sabi ko sa doctor. "Hindi naman iyon makakasama sa kanya Mr. Anderson. Mas maganda na masanay siya sa mga mabibigat na emosyon. Kahit na paunti unti lang. Huwag niyong biglaing iparamdam sa kanya ang mga iyon." Pagpapayo nito. Alam ko naman iyon noon pa. Iyon ang sinabi sa amin ng doctor nito sa Mexico noon na kailangan iparamdam din dito ang mga iba't ibang emosyon. Ako lang talaga ang ayaw magparamdam nun sa kanya. Bakit ko pa siya bibigyan ng mabigat na daramdamin kung mapapasaya ko naman ito. Iyon ang rason ko noon. Kaya ngayon.. naninibago na si Acer sa ginagawa ko. "Salamat Dr. Galvan." "Tawagan niyo lang ako kapag may problema sa kanya. Hindi niya kailangan ng gamot. Pero kailangan niya ng mga bitamina para sa ikakabuti ng kanyang puso." Hanggang sa tuluyan na itong magpaalam. Hindi ko na ito iniwan. Bahala na muna si Elijah sa bisita ni Kenneth. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang anak ko at wala ng iba. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Pasensya ka na at hindi ka naharap ng papa ko at kapatid." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya ng maihatid ko na ito sa condo unit nito. "Okay lang iyon. Hindi naman nila ginusto ang pagkakasakit ng kapatid mo." "Oo." Kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga. "Ingat sa pag uwi." Kumaway na ito sa akin bago ako tuluyang umalis. Gusto ko sanang bumalik sa bahay pero pinigilan ako ni tito Ace na huwag muna akong magpapakita kay Acer na siyang nakapagpapabigat ng dibdib ko ngayon. Bakit kailangang gawin ito ni tito Ace sa akin at kay Acer na alam naman nitong ikakasama ng kalagayan ng anak nila. Nag alala ako kay Acer ng husto kanina lalo na ng may dumating na doctor. Hindi ko agad naisip na kasama ko si Layla at basta na lang itong iniwan para alamin ang kalagayan niya. At mas nanlumo ako ng makitang walang malay si Acer na binabanyusan kanina ni tito Elijah. Gusto kong alagaan siya pero sadyang pinipigilan ako ni tito Ace. "Ahhhhhh.. fuck." Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko akalain na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat sa pagsang ayon ko sa kagustuhan ni tito Ace. Pero kailangan ko daw sanayin ang sarili ko. Ipakitang hindi lang mga salita ni Acer ang sinusunod ko. Masama ba na pagbigyan ko ang little brother ko sa lahat ng gusto niya? Masama ba iyon? ¤¤¤ ¤¤¤ "Busy pa ako, Acer." Pagbabaliwala ko kay Acer na ngayon ay nasa opisina ko. Pilit na huwag siyang tapunan ng tingin kaya naman sa papel na nasa ibabaw lang ng lamesa ako nakatingin kahit na hindi ko na halos maintindihan ang nilalaman ng dukumentong binabasa ko. "I hate you. Palagi mong kasama ang babae na iyon. Mas mahalaga na siya kaysa sa akin." Gusto kong itama ang sinabi niya. Sabihing mas mahalaga siya kay Layla. At wala ng ibang mas mahalaga sa kanya para sa akin. Pero kailangan kong baliwalain ang mga iyon. Para sa utos ni tito Ace. "Magkaiba kayo. Mahalaga ka sa akin bilang isang nakakabatang kapatid. Pero iba ang pagpapahalaga ko sa kanya. Hindi bilang isang kapatid o isang kaibigan." Pinatatag ko ang tinig ko. Tumingin na ako sa kanya at ipinakitang hindi na uubra sa akin ang mga matalim niyang tingin. "I hate you. Sabi mo kami lang ang pamilya mo. Iiwan mo na kami nina mommy. Iiwan mo na ako para sa babaeng iyon." Sigaw niya. Hinablot ang mga dukumentong nasa ibabaw ng lamesa ko at pinagpipirasong pinunit ang mga iyon. "Hey! Calm down. Importanteng mga papeles iyan." Hinaluan ko ng galit ang boses ko kahit na nadudurog na ang puso kong makita itong nanginginig na naman sa galit at may mga namumuo na namang luha sa mga mata. "I hate you. I hate you." At bago ko pa man makalimutan ang pagpapanggap ko ay mabilis na itong tumakbo palabas ng opisina ko. Pabalibag na isinarado ang pinto. Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga. "Patawarin mo ako, little Acer. God knows how much I care for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD