#12:

2682 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ Galit na nakatingin ako ngayon kay Layla. Nakipagkita ako dito ng palihim. Hindi sinabi kina daddy. Hindi din sinabi kay Kuya Kenneth. "Anong pag uusapan natin, little Acer?" Tanong nito na mas nakapagpainis sa akin dahil sa palambing nitong boses. "Leave my kuya Kenneth alone. And don't little Acer. Only kuya Kenneth can call me that." Gigil na sabi ko dito. Napatitig ito sa akin. "Oh! Sorry. Palagi ko kasing naririnig iyan kay Kenneth sa tuwing magkasama kami at lagi ka niyang naikukwento sa akin." Sabi naman nito na napatitig din ako sa dito. "Anong gusto mong itawag ko sayo. Acer?" "I don't care. Just don't call me little Acer." Kunot ang nuong sagot ko. "At katulad lang ng sinabi ko. Layuan mo na ang kuya Kenneth ko. I hate you." "Why would I do that?" Tanong pa nito. "Alam mo bang ngayong kaharap kita masasabi kong pinagkakait mo sa kuya Kenneth mo ang mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya." "What are you saying? Kiya Kenneth only belong to us. He is happy with us. He is happy with me." Pasigaw na sabi ko sa kanya. Kuyom ang kamao ko na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ako sa galit dito. Paano niya masasabing hindi maligaya si kuya Kenneth sa amin. Paano niya nasabing pinagkakait namin ang mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya. He has everything now. Family, money, house, car, company. Everything. And he also have me. His little Acer. "Maybe. He has everything. Pero ang ibig kong sabihin ay ang sarili niyang kaligayahan. Like own family. Hindi naman siguro habang buhay ay kayo lang ang pamilya niya." "Yes. Of course. Because we are his family. Who can give him everything he want." "How about wife? Children." Natigilan ako. Sa mga sinasabi niya ay parang gusto niyang agawin sa amin si kuya Kenneth. Sasagot na sana ako ng mapansin sa gilid ng mga mata ko ang taong palapit sa amin. Si kuya Kenneth. Paano niya nalaman na nandito kami ngayon ng babaeng ito. "Hi, Kenneth. C'mon. Set here." Tumayo ito at sinalubong si kuya Kenneth. Mas nakaramdam ako ng inis dahil sa pagsalubong ng babae sa kanya ay humalik ito sa pisngi niya. "Come here. Kanina pa kami naghihintay ng kapatid mo dito." Napatingin sa akin si kuya Kenneth. Seryuso at halata na hindi nagustahan na makita ako na isa ngayon sa dahilan kaya naiinis ako. Nagbago na siya simula ng makilala niya ang babaeng ito. Hindi na siya katulad noon na kahit busy siya sa trabaho ay palagi naman akong may oras para sa kanya pero ngayon... nagbago na ang lahat. "Sino ang kasama mong pumunta rito?" Kaseryusuhan lang ang nakita ko sa mga mata niya ng tanungin iyon sa akin. "Wala. Mag isa lang ako." Totoong sagot ko. Tinakasan ko kasi ang mga nagbabantay sa akin para lang makipagkita sa babaeng umaagaw ng atensyon niya. Pero hindi ko akalain na tatawagan pala siya nito. Napansin ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. "Alam pa nina papa na nandito ka? Na umalis ka ng walang kasama?" Magiging masaya sana ako sa mga tanong niya kung maramdam ko ang pag aalala niya pero wala. Pawang kalamigan na lamang ang paraan ng pakikipag usap niya sa akin. "Hmmmp. As if naman nag aalala ka na mag isa lang ako." Nanginginig ang boses ko sa galit na sagot sa kanya. Kuyom ang kamao ko at padabog na tumayo. Gusto ko siyang hilain sa babaeng nakakapit na ngayon sa braso niya. Gusto ko siyang ilayo dito. Pero.. hindi ko magawa dahil sa mga tinging ipinukol niya sa akin. Kuya Kenneth don't love me anymore. Mabilis ang ginawa kong pagtakbo palabas ng restaurant. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin. Para saan pa? Kung hindi na ako mahalaga sa kanya. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Acer." Tawag ko sa kanya ng mabilis ang ginawa niyang paglabas ng restaurant. Inalis ko ang kamay ni Layla na nakahawak sa braso ko para sundan siya pero hindi ito bumitiw. "Hayaan mo muna ang kapatid mo. Mas lalong hindi iyan titigil kong susundan mo siya ngayon." Sabi nito na nakatingin din sa pinto kung saan lumabas si Acer. Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga. "I know that. But not now. Hahayaan ko siya kung alam kong may kasama siyang bodyguard pero hindi ngayon." Sagot ko naman dito. Inalis kong muli ang kamay ni Layla sa akin. Nagpaalam ako ng maayos dito bago ko sinunsan si Acer. Sa kaliwa.. sa kanan. Tingin sa harap pero hindi ko na makita si Acer. Napamura na lamang ako na sumakay ng kotse ko at pilit na tinatawagan ang numero niya pero hindi niya iyon sinasagot. "Little Acer please.. answer the phone." Hindi naman kalayuan ang restaurant kung saan sila nagkita ni Layla sa A. Place kaya naman ng hindi sinasagot ni Acer ang tawag ko ay sa bahay na ako mismo tumawag. Si Tito Ace ang sumagot ng tawag ko. "Nakauwi na ba si Acer dyan tito?" Agad kung tanong "Bakit mo tinatanong? Nakita ko siya kaninang lumabas ng bahay kaya lihim ko siyang pinasundan?" "Kung ganun may nakasunod sa kanya tito? Nakipagkita kasi siya kay Layla kanina. I don't know kung ano ang pinag usapan nila dahil agad kung sinundan si Acer kanina ng umalis siya." "Huwag ka ng mag alala kay Acer. Takasan man niya ang nag babantay sa kanya ay may iba din akong inutusan na bantayan siya sa malayo. He is safe. Gawin mo na lang ang pinapagawa ko sayo." Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi sundin ang gusto ni tito Ace. Sinusunod ko lahat ng gusto niya. Wala akong reklamo maliban na lang sa isang ito ngayon na kinasusuungan ko. Ang malayo ang loob sa akin ni Acer para daw hindi lang ito nakadipende sa akin. "Okay tito." Tanging sagot ko. Hindi ko naman kasi talaga mahindian ang gusto nito. Dahil sa maayos naman akong nagpaalam kay Layla kanina ay hindi ko na ito binalikan. Dumeretso ako ng companya at doon ko inubos ang mga oras ko. Oras na sana ay mababahagian ko ng kaunti si Acer pero dahil narin sa kagustuhan ni tito Ace ay hindi ko na magawa. Pwede naman sabihan na lang si Acer hindi iyong ganito na pareho kaming nahihirapan. Nakikita ko ang paghihirap ni Acer na ngayon ay binabalewala ko lamang. Hindi ko kagustuhan ang balewalain siya. Lalo na at nasanay din ako sa kakulitan niya. Nasanay ako na lagi na lang siyang sumusulpot sa harapan ko na ngayon ay bihira ng mangyari dahil ibinilin ko sa labas ng opisina ko na pigilan si Acer na pumasok ng opisina ko kahit na anong mangyari. Kung makakalusot man siy at makapasok doon ko naman siya hindi papansinin at papakitaan ng kalamigan. Ngayon.. nakakamiss din ang little Acer ko na palaging aaligid sa akin. Ang kakulitan at isa na rin sa namimiss ko ay ang pagka spoiled niya sa akin. "Hayst." ¤¤¤ ¤¤¤ "Acer." Pinanlakihan ko siya ng mga mata ng bigla na lang niyang tinampal ang kamay ni Layla na nakakapit sa braso ko ng gabing ipinasyal ko na naman siya sa bahay. Ayon na rin sa gusto ni tito Ace na muling ipasyal ito para mas maging makatutuhanan ang lahat sa mga mata ni Acer. I don't know what exactly tito Ace want to happen pero naiinis na din ako. He don't want to see Acer to get hurt but for what we are doing right now.. nakikita ko kung paano nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin kay Layla. Tumakbo na naman siya paakyat ng hagdan at pabalibag na isinar ang pinto ng silid niya. "Pasensya ka na hija. Ganyan lang talaga ang bunso namin." Si tito Elijah na ngayon ay siya na naman ang humarap sa amin. Sinundan na naman kasi ni tito Ace si Acer para kalmahin sa pagwawala niya. "Okay lang tito." "Pasasaan bat masasanay din ang bunso ko na makita kang kasama nitong kuya niya. Nasanay kasi siya sa kuya na siya lang ang lagi nitong kasama." Pagpapaliwanag ni tito Elijah. Naging magaan naman ang pag uusap nila pero halos wala sa kanila ang pansin ko dahil nag aalala na naman ako kay Acer. Baka mamaya ay may sumugod na naman na doctor dito sa bahay dahil sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kailangang gawin ito. Kahit habang buhay na nakadipende na sa akin si Acer ay wala akong pakialam basta huwag siyang masasaktan ng ganito. ¤¤¤ ¤¤¤ "Anong pag uusapan natin?" Tanong ni tito Ace ng abutan ko na ito sa library ng bahay. Matapos ko kasing maihatid si Layla kanina ay nagpasya na akong kausapin si tito Ace. "Gusto ko lang sabihin na ayaw ko na itong ginagawa ko tito." Deretsang sagot ko dito. Bahala na kung masamahin nito na pagsuway ko sa inuutos nito pero hindi ko talaga kayang makitang nahihirapan si Acer dahil sa akin. "May usapan tayo. At bakit ka ngayon umaayaw gayong nakikita ko ng paunti unti ng nagiging independent sayo." "I don't care kung lagi siyang nakadepende sa akin tito. Basta ayaw ko siyang nasasaktan ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang purpose niyo maliban sa isang iyon. Pero umaatras na ako. Mas gugustuhin ko pang iutos niyo sa akin ang manatili sa tabi niya kaysa ang makita siyang masaktan ng ganito sa paglayo ng loob niya sa akin." "Sabihin mo sa akin. Ano ang nararamdaman mo sa anak ko?" Seryusong tanong nito. Hindi agad ako nakaimik dahil sa tanong nito. Anong klaseng pakiramdam ang tinutukoy nito? "He is my little brother." Sagot ko. "Dahil iyon ang ipinamulat niyo sa akin simula ng kupkupin niyo ako." "Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sayo." "Anong ibig niyong sabihin?" "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong malaman mo ang minsan ng sinabi sa amin ni Acer. Acer love you." "I know. And I love my little brother." Totoong sagot ko. "Pero hindi kay Acer. He told us that he love you as a man. Not his older brother. Kaya ko ito ginagawa ngayon." Natigilan ako sa sinabi nito? How? And when? "Kaya habang maaga pa ay iparamdam mo kay Acer na walang patutunguhan ang nararamdaman niya sayo dahil mahal mo lang siya bilang isang kapatid at hindi pagmamahal na siyang makakasama mo habang buhay. Ngayon Kenneth, sabihin mo sa akin. Handa ka bang manatili sa tabi niya kung iba ang pagtinging nararamdaman niya sayo? Ayaw kong masaktan ang anak ko. Kaya mag isip ka sa mga magiging pasya mo. Dahil kapag sinabi mo ngayon na mananatili ka sa tabi niya habang buhay.. panghahawakan ko iyan. Basta siguraduhin mo lang. Na hindi masasaktan ang anak ko. Alam mo ang kaya kong gawin para sa anak ko, Kenneth." Mahabang saad nito na may kasama ng pagbabanta. Wala akong maapuhap na sasabihin sa mga nalaman ko at sa pagbabanta nito. Hindi yata't masusuong na ako sa isang mabigat na obligasyon ngayon kung hindi ko susundin naunang plano ni tito Ace. "I really hate Acer how he boss me around." Katagang lumabas sa bibig ko. "Naasar ako sa mga panahong sumusubra na talaga siya sa pagka spoiled niya." "Kenneth." "Oo tito Ace.. Minsan nagagalit talaga ako kay Acer dahil pinag iinitan niya lahat ng mga taong malapit sa akin. Ipinagwawalang bahala ko na lang dahil ayaw ko siyang masaktan. Iniisip ko na lang noon na, kaya kong baliwalain ang pagkaspoiled niya, ang pang boboss niya, ang minsan ipinapamukha niya sa akin na kung hindi dahil sa pagkupkop niyo sa akin ay wala ako ngayon sa kinatatayuan ko ngayon. At iyon na ang isa sa ginagawa kong dahilan para manatiling kalmado sa harapan niya." Mahabang lintaya ko. Hindi ko alam kung paano ko ba talaga sisimulan ang makipag usap dito matapos ang mga narinig ko. "I hated all of that kung hindi ko lang talaga iniisip ang ginawa niyong maganda para sa akin." Isang gahiblang guhit ng ngiti sa mga labi ko ang pumaskil. Yumuko at sinamahan ng pagak na tawa. Naisuklay ang daliri ko sa buhok ko bago ako muling tumingin kay tito Ace. "Pero.. hindi lang iyon ang dahilan ko kaya ako nanatili parin dito sa katutuhanang minsan niyang ipinaparamdam sa akin na isa lamang akong sampid sa pamilya niyo. Dahil iyon sa napamahal na siya sa akin at itinuring na tunay na kapatid. Ayaw ko siyang masaktan. At kagaya niyo.. kaya ko din pong gawin ang lahat huwag lamang siyang masaktan." "Pero hindi iyan ang mga sagot sa naunang tanong ko." Seryuso parin itong nakatitig sa akin. "Hindi ko sigurado sa bagay na iyan tito Ace. Bata pa si Acer. Hindi naman natin hawak ang nararamdaman niya. Posebleng magbago iyon sa paglipas ng mga araw at taon. Sabi niyo nga. He is not matured enough to handle things. Kaya hanggang sa hindi pa siya totally nagmamature mananatili ako sa tabi niya at hindi masasaktan katulad ngayon." Nagpakawala ito ng buntong hininga. "Kung hindi magbabago ang nararamdaman niya. Handa ka bang tugunan iyon?" Ako naman ngayon ang nagpakawala ng buntong hininga. Nakipagsukatan ng tingin kay tito Ace bago ako nagsalita. "Maaring sabihin ko ngayon na hindi ko maipapangako, tito. Pero alam naman natin na may sariling pagtibok ang ating puso. Kahit na sabihin man ng isip ko na hindi ngayon, kung ang puso ko ay titibok sa paglipas ng mga panahon." "Very well said." Saad nito. Tinapik ako sa balikat. "Panghahawakan ko ang mga salita mo dahil alam kong napalaki kita ng maayos. Kaya sige.. pagbibigyan ko ang mga gusto mo. Bahala kang makisamahan ang kapatid mo." At pinagdiinan pang binanggit ang salitang kapatid. Ngumiti ako. "Salamat tito. Hindi ako mangangako pero gagawin ko." "Yeah! Go. Do what you want. I'm counting on you." Maayos na akong nagpaalam dito. Naging magaan ang pakiramdam ko ngayon matapos ang aming pag uusap. Kahit na may isang bahagi ng pagkatao ko ang nagdadalawang isip na dahil sa nalaman ko. Acer love me. Not brotherly love kundi pagmamahal na bilang isang lalaki. Pero tama din naman ang isinagot ko kay tito Ace. Bata pa si Acer. At hindi namin mapanghahawakan iyon ngayon at poseble paring magbago. ¤¤¤ ¤¤¤ " I hate you." Sigaw niya sa akin at inihagis pa talaga ang unan sa akin. Itinalukbong ang kumot buong katawan. "Little Acer." "Get out. Ayaw kitang makausap. Lumayas ka na. Hindi ka na welcome dito sa bahay." Patuloy sa pagsigaw niya pero hindi ko pinansin bagkus umupo pa ako sa gilid ng kama niya. "C'mon little Acer.. come out." Nakipaghilaan siya sa akin sa kumot at ayaw iyong pakawalan. "Get out. I don't like you anymore. Get out." Paulit ulit na sigaw niya. Natigilan ako dahil naramdaman ko na mas naging mabigat ang galit niya sa akin ngayon. "Sorry little Acer." Iyon ang una kong naisip. Ang humingi ng tawad sa kanya. "From now on.. kuya Kenneth will stay away from Layla if that what you like." "I don't care. I hate you now. Get out. Even if you go out with many girls I really don't care anymore. Just get out. I don't want to see you." Patuloy sa pagsigaw at bawat kataga ay ramdam ko ang galit niya. "What's wrong? What happened?" Nag aalala ko ng tanong. Bakit parng may mali. Ang bibigat ng mga katagang binitawan niya. Lalo na ang katagang wala na siyang pakialam kung makipagkita man ako sa iba. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Nakatingin sa kumot na nakabalot sa kanya. Siguro sa susunod ko na lang siya susuyuin. Nasaktan ko siya ng sobra sa mga araw na pangbabalewala ko sa kanya. Kaya niya siguro ako binabalewala din ngayon dahil naghihiganti siya. "Well, if that what you want little Acer. Kuya Kenneth will leave you now." Magaan na sagot ko sa kanya. Hahayaan ko na muna siya ngayon. Pahuhupain ang galit niya sa akin. Alam ko naman na hindi magtatagal ang pagtatampo niya. Madadaan naman siya lagi sa simpleng lambing lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD