Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
KENNETH POV:
¤¤¤
"Sasakay ka ba o hindi?" Pang uulit ko ng ayaw sumakay ni Acer ng kotse ko.
"No! I told you not to pick me up. Umuwi ka mag isa mo." Nakasimangot na sagot niya.
Simula ng araw na sinabi niya, na ayaw na niya sa akin ay pinanindigan na iyon.
Hindi na siya lumalapit sa akin. Hindi na din madalas pumunta sa opisina ko. Hindi na din siya nagpupumilit maging modelo ng mga damit na inila-launch namin.
"Get in." Muli ay utos ko sa kanya pero pinamaywangan lamang niya ako at sinimangutan.
"No! Umuwi ka mag isa mo."
"Acer." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Mas tumigas pa yata ang ulo niya simula noon. Hindi na siya nakikinig sa akin.
Hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa pangalan niya. Tinalikuran pa ako.
Mabilis na hinawakan ko siya braso ng tangka na niyang lumayo sa akin.
"Let me go. I told you, I'm not coming." Nagpumiglas siya kaya naman nahigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya dahilan para mapangiwi siya. "Awwww!."
Binitiwan ko siya pero hindi para pakawalan dahil mabilis ang naging kilos ko at binuhat ko siya ng walang kahirap hirap.
"Put me down. I hate you.. i hate you." Patuloy siya sa pagsigaw hanggang sa maisakay ko siya. "Open the door. Ayaw kong sumama sayo. Magpapasundo ako."
"Magpapasundo? Hindi na kailangan dahil ako ang maghahatid sayo pauwi." Sagot ko. Binuhay ang makina ng kotse at agad pinaarangkada paalis.
Hindi ko siya hahayaan mag isa. Nawili na siya sa paglabas labas. Hindi naman siya masuway ng mga nagbabantay sa kanya dahil pinagbabantaan niya ang mga ito na tatanggalin sa trabaho kaya naman sunod sunuran sila.
Pasalamat na lang kami dahil hindi naman siya pinapabayaan ng mga ito. Maganda naman ang pagbabantay sa kanya kahit na nagiging pasaway na siya.
Para sa akin ay maganda din naman na nagiging independent na siya sa akin pero hindi ko din naman gusto iyon dahil napapabarkada na siya. Natuto na siyang maglakwatsa.
"Hmmp.. I hate you." Sigaw niya. Pinagkros pa ang mga kamay sa dibdib niya saka niya ako inirapan ng pagkatalim talim.
"Yeah! I know." Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse ko hanggang sa tuluyan kaming makarating ng bahay.
"Want me to carry you inside?" Tanong ko sa kanya ng hindi pa siya gumalaw para bumaba.
Pinagbuksan ko na nga ay ayaw paring kumilos.
Hindi siya sumagot. Umirap na naman siya. Sinadya pa talaga akong bungguin.
"Awwww."
Napangiti ako. "Ikaw na nga ang bumangga, ikaw pa ang nasaktan." Bulong ko na mas ikinatalim ng tingin niya.
Walang lingong likod na pumasok siya sa loob ng bahay.
"Anong nangyari sa kapatid mo hijo? Bakit hindi maipinta ang mukha niya." Si tito Elijah na sumalubong din sa akin pagkapasok ko.
Nagmano ako rito.
"Ayaw niyang sumabay sa akin sa pag uwi tito kaya siya ngayon nagmamaktol." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo.
"Pasensya ka na hijo sa inaasal ng kapatid mo. Hindi ko din alam kung bakit siya palaging nagagalit sayo at iniiwasa."
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Kasalanan ko din naman tito. Nagalit siya sa akin dahil sa pagbabalewala ko sa kanya noon dahil kay Layla."
"How about Layla? Are you still going out together?"
"Not really tito. We still seeing each other but not like before. Layla is just a friend."
"But I like that kid. She is kind."
"Yes tito. Layla is one of a kind person na nakilala ko."
"Hindi ka man lang ba nakaramdam ng kakaiba sa kanya? Maliban sa isang kaibigan lamang?" Napakunot ang nuo ko na tumitig kay tito Elijah. Mukha yatang gusto pa akong ireto kay Layla talaga.
"Nothing special than a friend, tito." Sagot ko. "Sige po tito. Aakyat na muna ako sa silid ko. Mamaya na lang po ulit." Maayos na pagpapaalam ko dito.
"Sige, sige hijo. Tawagin mo na lang ang kapatid mo mamaya pagkakain na."
"Sige tito."
Hindi ko pa talaga naisip na magkaroon ng dadagdag sa mga taong naging espesyal na sa akin maliban kina tito Elijah, tito Ace at Acer.
Sila lang talaga ang naging malapit sa akin simula noong kinupkop nila ako. May mga barkada man ako at ilang mga kaibigan ay hindi ko na binigyan ng espesyal na damdamin iyon. Hindi din ako nagbigay ng lubos na tiwala sa kanila hindi katulad ng pagtitiwala ko sa pamilyang itinuring ko ng tunay na pamilya.
Sila lang ay sapat na. At patuloy ako sa pagpapatunay sa kanila na hindi sila nabigo sa pagkupkop sa akin. Magpapatuloy ako sa pagsilbi sa kanila para mabayaran ko ang magandang loob na ibinigay sa akin.
¤¤¤
¤¤¤
"Acer." Marahang tawag ko sa pangalan niya habang kumakatok ako sa pintuan ng silid niya.
Hindi parin niya ako kinakausap ng maayos kahit na kaharap ko ang mga magulang niya. Hindi ako sanay.
Nasanay ako sa kadaldalan din niya. Lalo na ang pagtawag niya sa akin ng kuya Kenneth sa tuwing lalapit at may gustong makuha o may gustong ipahiwatig.
Pero hindi dahil mas pinaninindigan na niya ang pambabalewala sa akin. Gusto na yata niya akong itakwel ng tuluyan bilang kuya niya.
"Acer." Pero nanatiling walang sagot mula sa kanya.
Sinubukan kong pihitin ang seradura at hindi naman ako nabigo dahil hindi naman pala iyon nakalock sa loob.
Maingat na binuksan ko ang pinto.
"Acer." Muli kong tawag sa pangalan niya. Walang ingay ang naging lakad ko papasok.
Luminga sa paligid pero wala akong Acer na nakita.
"Acer." Pang uulit ko ng makalapit ako sa kama niya. Doon ko narinig ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo.
Kaya naman pala hindi siya sumasagot dahil naliligo siya.
Naipilig ko ang ulo ko habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.
Sa susunod ko na lang siguro siya kakausapin. Marami pa namang mga araw na darating at sigurado ako na hindi magtatagal ang galit niya sa akin.
Nagpasya na akong lumabas at bumalik sa silid ko. Pero... napatanga ako ng mapatingin ako sa banyo ng bumukas ang pinto.
Si Acer na wala kahit na anong saplot sa katawan. Lumabas ng hubit hubad.
Sa una ay natigilan rin siya at nagulat yata ng makita ako sa loob. Hindi siya nakapagsalita ng ilang sigundo.
Pero ng makahuma sa kabiglaan ay mabilis ang naging kilos na bumalik sa loob ng banyo.
Malakas na isinarado ang pinto. Kulang na lang ay magiba mismo ang pintuan sa pagkakasarado niya.
Pero hindi iyon ang nasa isip ko kundi ang bagay na nakita ko.
Alam ko naman na maliit ang katawan niya. Pero hindi ko akalain na napakaganda pala iyon tignan kapag walang damit.
Napalunok ako.
Damn! Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko.
Naipilig ko ang ulo ko dahil doon. Hindi na dapat ako mag isip ng iba.
"Acer... I'm going. Lets talk some other time, okay." Sabi ko na lumapit sa pinto ng banyo. "Sleep early. Goodnight."
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya pero bumukas naman ang pinto ng banyo. Nakabihis na siya ng pantulog.
Nilagpasan lamang ako at dumeretso sa kama niya. Tahimik na tumingin naman sa akin matapos umupo sa gilid.
"Gusto mo bang basahan kita ng kwento bago ka matulog?" Tanong ko sa kanya. Baka sakali lang naman kung papayag siya dahil iyon naman lagi ang ginagawa ko sa kanya dati.
"Hindi na ako bata para basahan ng kwentong pambata." Pabalang na sagot niya na may kasamang matalim na tingin.
"You say so? Pero hindi sa gawa.. hmmm." Hindi ko pinansin ang pagbabalewala niya. Naglakad akong palapit sa kanya at umupo malapit sa tabi niya.
"Hmmp. Stay away from me." Malakas niyang sabi sabay atras ng upo.
Nailing ako. Bago pa man siya makalayo ng tuluyan ay hinuli ko ang kamay niya at hinawakan.
Hinila at walang babalang niyakap siya.
Nagpumiglas man pero hindi ko siya binitawan.
"Calm down little Acer. Kuya Kenneth won't leave you. Kuya Kenneth will stay at your side no matter what." Marahang sad ko para makalma lamang siya at nagtagumpay naman ako.
Ang pagpupumiglas niyang makawala ay unti unting nanghina at tumigil na siya.
Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Ang mga kamay ko ay masuyong humuhugod sa likod niya na isa sa paraan para mapakalma siya.
"Please little Acer. Huwag mo ng awayin ang kuya Kenneth, hmmm." Pagpapatuloy ko sa pagsasalita. Kahit na wala siyang imik ay alam ko ng hindi na siya magwawala kaya lumuwang na ang hawak at pagkakayakap ko sa kanya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang lumayo. Tumaas ang isa kong kamay at hinaplos ang pisngi.
"Kuya Kenneth miss his Little Acer na naglalambing sa akin every single day." Sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin at hindi parin sumasagot.
Niyuko ko siya at dinampian ng halik sa nuo.
"Huwag mo na akong awayin huh!"
Sumimangot siya. Akala ko ay magagalit na naman siya at sisigawan ako pero ganun na lang ang gulat ko sa ginawa niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Nalunok ko ang sarili kong laway. Pero ng makahuma ako sa kabiglan ay mabilis ang ginawa kong paglayo sa kanya. Hinawakan ulit siya sa magkabilang balikat.
"Acer, why did you do that?" Tigagal na tanong ko sa kanya.
Nakasimangot siya at hindi sinagot ang tanong ko bagkus pinapalayas na niya ako palabas.
"Get out." Sigaw niya sabay tulak sa akin.
"Hey! Stop pushing me away. Acer." Napilitan akong tumayo dahil sa patuloy siya sa pagtulak sa akin.
"Get out." Pasigaw niyang ulit..hindi ako tinigilan sa pagtulak hanggang sa tuluyan akong makalas ng silid niya.
"Acer." Sinubukan kong pinihit ang seradura pero nakalock na iyon.
Naiiling na nanatili akong nakatayo sa may pintuan ng silid niya ng ilang mga sigundo.
"Little Acer." Naibulong ko. "What did you do?" Mahinang tanong ko kahit na alam ko namang wala akong sagot na maririnig.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago ako tuluyang nagpasyang bumalik na sa silid ko.
At nanatiling malinaw sa isip ko ang ginawa niya kanina.
¤¤¤
ACER POV:
¤¤¤
Napasimangot ako habang nakatitig sa pinto na nilabasan ni kuya Kenneth.
Hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon.
Nahawakan ko ang labi ko na nadampian ng labi ni kuya Kenneth pero nabigo ako dahil hindi ganun ang mga napapanuod ko sa TV na halikan.
Hindi ko kasi alam kaya hinintay ko kung ano ang gagawin niya pero itinulak niya lang ako. Kaya mas nainis ako.
Akala ko talaga kanina ay itutuloy niya ang sinimulan ko at magkakaroon ng kakaiba sa paghalik ko sa kanya pero hindi nangyari ang inaasahan ko at parang natigagal pa sa ginawa ko.
"I hate you kuya Kenneth. And I hate my first kiss." Bulong ko sabay pahid ng labi ko.
Marahas na tinalon ang kama ko at ibinaon ang mukha ko sa unan.
Doon ko isinigaw ang pagkainis ko kay kuya Kenneth. Hindi ko akalain na mawawala ng ganun lang ang first kiss at hindi pa nabigyan ng magandang karanasan.
Nakakainis talaga.
"Hmmp." Pilit ko ng inaalis sa isip ko ang ginawa ko. Ipagpapatuloy ko na lang ang paglayo sa kanya.
Daddy told me last month na kung gusto ko daw makuha ang pansin ni kuya Kenneth ay kailangan ko siyang baliwalain. Huwag papansinin at iparamdam kay kuya Kenneth na ayaw ko na sa kanya.
At tama ang sinabi ni daddy. Kuya Kenneth always at my side whenever I tried to push him away.
Mabilis na tumayo ako. Gusto kong punatahan si Daddy and thank him because of that.
"Daddy." Kumatok muna ako bago ako pumasok sa silid nila ni mommy.
"Why my baby is here?" Tanong ni daddy sa akin. Inilahad ang kamay sa akin.
"Thank you daddy. I love you."
Agad akong lumapit at yumakap kay daddy. Tama namang palabas si mommy sa banyo na katatapos lang din mag shower.
"Pwede ba akong sumali?" Si mommy na lumapit na at nakiyakap na din sa amin.
"I love you mommy."
"Mmm, I love you too baby." Halos sabqy na sagot nila sa akin.
"Can I sleep here tonight?" Tanong ko sa kanila ng kumalas ako sa mga yakap nila.
"Sure baby." Si mommy ang sumagot. Sumampa na sa kama. Tinapik ang tabi nito kaya naman agad din akong sumampa ng kama. Pinagitnaan nila ako ng mahiga na din si daddy.
Parehong inilahad ang braso sa akin kaya parehong kamay nila ang inunanan ko. Sabay din na ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan ko.
"Is there something wrong baby?" Tanong ni mommy pagkalipas lang ng ilang sigundo na katahimikan.
"I just kiss kuya Kenneth a while ago." Totoong sagot ko na ikinagulat nilang pareho.
"What?" Si daddy na napaupo pa sa pagkakahiga niya.
"Baby." Si daddy na umupo na din kaya naman wala akong nagawa kundi umupo na din dahil naalis na ang mga braso nilang inunanan ko.
"Anong ginawa niya?" Si daddy na hindi naman galit ang tuno ng boses pero seryusong seryuso.
"Uhm, I'm the one who kissed him. Pero wala naman siyang ginawa. Para siyang estatwa kanina." Sagot ko.
Napansin ko ang pagpapakawala nila ng malalim na paghinga.
"Mali ba ang ginawa ko daddy? Mommy?" Tanong ko ng hindi sila agad nagsalita sa naging sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin sa akin.
Pumatong ang kamay ni daddy sa balikat ko.
"Hindi mo dapat iyon ginawa, baby. Ipinamigay mo lang ang unang halik mo ng ganun lang. I told you to pretend that you don't like you kuya Kenneth anymore."
"I just want to try it daddy. Promise. I won't do that again."
"Hayst." Napatingin naman ako kay mommy dahil nagpakawala na naman siya ng buntong hininga.
"Don't worry mommy, I can handle my feelings now."
"But you are still our little Acer, baby. You are just 17 years old."
"Turning 18 this coming month, mommy. Don't worry." Nakangiti kong saad.
Kumilos ako and kiss mommy in his cheeks. I also kiss daddy.
"Can we sleep now."
Muli na namang nagkatinginan sina daddy at mommy bago sabay din tumango hanggang sa muli na kaming nahiga.
Katahimikan ang namayani sa loob ng silid. Wala ni isa sa kanila ang balak magsalita kaya naman agad akong dinalaw ng antok at nakatulog.
¤¤¤
¤¤¤
"What?" Pagalit na tanong ko kay kuya Kenneth kinaumagahan ng magkasalubong kami sa pasilyo at panabay na bababa ng hagdan.
"Umagang umaga ang init ng ulo mo. Can you just chill out your self for a while." Sabi niya at binalewala lamang ang pagtataray ko sa kanya.
As usual naman lagi ko siyang tinatarayan kaya siguro sanay na siya at wala na lang iyon sa kanya.
"Ihahatid na kita mamaya sa school niyo."
"No need. Sinabi sa akin ni daddy na isasabay na niya ako mamaya. Kaya hindi mo na kailangang abalahin ang sarili mo. Hmmp." Pagtataray ko parin sa kanya.
Kapansin pansin ang pagpapakawala niya ng buntong hininga.
"Okay! Kumain na lang tayo."
"Mauna ka na. Sasabay ako kina daddy at mommy. Pababa na sila." Muli ay pagtanggi ko.
Naiiling na tinungo na niya ang kusina mag isa. Habang ako naman ay sa sala dumeretso at hinintay nga sina daddy at mommy na makababa.
Ilang minuto lang naman ang paghihintay ko. Sabay na kaming tinungo ang hapag kainan na tama namang palabas na si kuya Kenneth.
"Kumain na muna tayo hijo."
"Hindi na po tito El. Tapos na po akong umunom ng kape kaya sapat na iyon para sa akin."
"Mag ingat ka sa pupuntahan mo hijo. Alagaan mo ang sarili mo." Kuway narinig kong sabi ni mommy kaya naman nangunot ang nuo ko.
"Aalis ka?" Hindi ko mapigilang tanungin sa kanya.
"Yes little Acer. Baka isang buwan mahigit siguro ako hindi makakauwi dahil may business trip ako sa Mexico." Sagot niya na nakapagpahabag sa akin.
Mahigit isang buwan? Isang buwan na lang kaarawan ko. Hindi ba siya dadalo? Hindi ba niya ako babatiin sa kaarawan ko?
"Sige na little Acer. Mag ingat ka palagi okay!" Bilin pa niya sa akin. Ipinatong ang kamay sa ulo ko at magaan na ginulo ang buhok ko bago binalingan sina mommy at daddy.
"Mauuna na ako tito." Pag papaalam na din niya kina daddy.
"Sige, balitaan mo kami sa mga negosyo natin doon." Si daddy. Ipinatong pa ang kamay sa balikat niya at tinapik. "I'm counting on you."
"Yes tito." Sagot niya.
Bumaling siya muli sa akin at tumitig ng ilang sigundo.
Bakit hindi ko alam na aalis pala siya at mawawala siya ng matagal. Kung kailan malapit na ang kaarawan ko ay saka pa siya aalis.
Parang gusto ng tumigil sa pag inog ng mundo ko dahil doon. Akala ko ba ay mas mapapalapit sa akin si kuya Kenneth kong lalayuan ko siya.
"Sige po." Kumaway pa sa amin si kuya Kenneth palabas. Tanging tingin na lang ang naisunod ko sa kanya. Hanggang sa marinig ko na ang ugong ng sasakyan niya paalis.
"Daddy. Bakit mo naman inutusan si kuya Kenneth na umalis." Napapahikbi na akong tanong kay Daddy. Agad akong dinaluhan ni mommy at niyakap.
"Kailangan ang presensya ng kuya Kenneth mo sa mga negosyo natin sa Mexico baby. Kaya pupunta siya doon."
"Pero birthday ko na sa susunod na buwan daddy. I hate you." Sigaw ko kay daddy. Humagulgol ako sa ilalim ng yakap sa akin ni mommy.
"Kung maaga naman niyang maayos ang problema doon ay baka makakadalo siya ng birthday mo hijo."
"Baka..... baka lang daddy. Hindi mo sigurado na matatapos niya iyon.. no! I hate you now daddy. Pwede naman kayong magpadala doon ng iba. Pero bakit si kuya Kenneth pa." Hindi ko na hinintay na makaagsalita si daddy.
Kumawala ako sa yakap ni mommy sa akin, patakbong inakyat ang hagdan at pumasok ng silid ko.
Hindi na ako maniniwala kay daddy. Mas inilalayo niya sa akin si kuya Kenneth kaya niya sinasabi iyon na layuan ko siya. And now. He send kuya Kenneth away.
Nagkulong ako ng kwarto ko at hindi ko na sila pinansin. Masama ang loob ko. Hindi ko sila kakausapin.