Typos and grammatical error ahead!
¤¤¤
KENNETH POV:
¤¤¤
Sapo ang sintindo ko at sinamahan ng paghilot. Hindi na yata matatapos ang problema sa kompanya nina Tito Ace dito sa Mexico ngayon dahil patuloy lamang na nagbibigay sa akin ng matinding konsimesyon.
Napapabuntong hininga ako at ang bigat ng pakiramdam ko lalo na at bukas na ang kaarawan ni Acer at hindi ako makakadalo.
"Ugh!." Natampal ko ang sariling nuo dahil sa kakaisip kung paano ko pupunan ang araw ng kaarawan nito.
Siguradong doble pa sa triple ang matatanim na sama ng loob sa akin ni Acer kapag hindi ako makadalo.
Kahit man hindi niya ako kinakausap nitong mga nakaraang linggo na nandito ako sa Mexico ay alam ko na hindi niya gugustuhing hindi ako dumalo sa kaarawan niya.
Minsan kasi na inaway niya ako noon na malapit na ang kaarawan niya ay nagwala siya ng hindi ako nakita mismo sa kaarawan niya. Kaya alam ko na hindi siya magiging masaya bukas kong hindi ako makakarating.
"Damn it." napamura ako. Naisuntok ko ang kamao ko sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko ramdam ang sakit sa kamao ko dahil mas nanaig sa akin ang kagustuhang gusto ko ng umuwi para makadalo sa kaarawan niya.
Natanaw ko ang Cellphone ko. Ilang beses ko na bang natawagan si Acer mula kahapon pero hindi niya sinasagot.
"Agh! Damn it again." Marahas na kinuha ko ang cellphone ko. Tatawagan ko siya ulit para makahingi na ako ng tawad sa kanya sa hindi ako makakadalo bukas.
Isa, dalawa, tatlo, apat hanggang sa natapos na ang pag riring sa kabilang linya ay wala parin akong sagot mula sa kanya.
Baka mas lalong lumalim ang sama ng loob niya sa akin at tuluyan na siyang mamuhi.
Hindi ko yata matatanggap na tuluyan siyang lalayo sa akin.
"No! Hindi ko hahayaang mangyari iyon kaya Acer, please answer the phone." Bulong ko ng muli ko na naman siyang tawagan pero sadyang wala akong makuhang sagot mula sa kanya.
Nanggagalaiti akong binitawan ang cellphone ko at pilit na kinakalma ang sarili ko baka maihagis ko ng wala sa oras iyon.
Tatlong katok sa opisina ko ang bahagyang nakapagpawala ng ilan sa inaalala ko.
"Come in." Ang naturang secretary na naikapagkatiwala sa akin habang narito ako sa Mexico.
"Good Morning sir. This is the report feom the other branch sir."
"Okay! Give it to me. You me go." Sagot ko naman at kinuha nga dito ang may mga kakapalang envelope na naglalaman ng mga importang detalye sa mga nagkalat na ibang negosyo nina Tito Ace.
Sadya yatang nanandya yata ang pagkakataon para sa akin na huwag lumayo sa akin si Acer. Dahil sa nangyayari ngayon..
"Agh." Napabuntong hininga na naman ako. Kailangan ko agad tapusin at asikasuhin ang mga problema. Kailangan ko ng makauwi hindi man sa kaarawan niya ay dapat makauwi ako para makapagpaliwanag sa kanya.
¤¤¤
¤¤¤
"Ayaw po kasing sagutin ni Acer ang tawag ko tito. Kaya nagbakasakali na akong makausap ko siya gamit ang cellphone niyo."
"Sige hijo. Sandali lang at kakausapin ko ang kapatid mo."
Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ko habang naghihintay. Sana nga sagutin na ni Acer ang tawag ko. Gusto ko siyang batiin ng happy birthday. Kahit na iyon na lang muna sa ngayon. Basta mabati ko lamang siya at hindi sabihing nakalimutan ko ang isa sa mahalagang araw ng buhay niya.
I already message him pero ni hindi niya iyon binabasa. Kaya kailangan kong makausap siya.
"Baby, kuya Kenneth is on the phone." Sa kabilang linya.
"No! I don'tt want to talk to him." Sigaw naman na sagot ni Acer kay tito. "I hate him now. I hate him."
Muli na naman akong napabuntong hininga dahil sa narinig ko. Ilang sandali pa ay narinig ko na ulit si tito sa kabilang linya na kausap ako.
"Pasensya ka na hijo." Si tito Elijah na may pag aalala sa tuno ng boses nito. "Hayaan mo muna ang kapatid mo. Alam mo naman na hindi magtatagal ang galit sayo kapag nakabalik ka na at sinuyo siya."
Mapaklang ngiti ang napaskil sa labi ko. "Gusto ko lang naman sana siyang batiin tito. Baka tuluyan siyang magtampo sa akin dahil ito ang unang pagkakataon na wala ako ngayong birthday niya."
"Hindi naman siguro hijo. Kilala mo naman ang kapatid mo simula pagkabata kaya alam kong kaya mo siyang suyuin kapag nagtatampo siya. Hayaan mo na lang muna siya sa ngayon."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko tito."
"Basta ang isipin mo muna sa ngayon ay ang kaligtasan mo dyan at kalusugan. Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo."
"Oo naman tito. Huwag kayong mag alala. Sige na po. Baka masyado na akong nakakaabala sa paghahanda niyo sa birthday party ni Acer. Mag ingat din po kayo dyan.. bye tito."
"Bye."
Laglag balikat na ibinaba ko ang cellphone ko dahil hindi ko parin nakausap si Acer.
"Ahhhhh. Fuck." Pabagsak akong nahiga ng kama ko. Gusto kong dumalo talaga sa kaarawan niya. Kung hindi lamang kay tito Ace at tito Elijah ang pagpunta ko dito sa Mexico ay hindi ako papayag na umalis. Hindi ko naman sila mabigo dahil sila nga ang nagbigay sa akin ng isang magandang buhay na gustong matamasa ng karamihan.
"Sorry, little Acer. Gusto ko mang nadyan sa kaarawan mo pero.... agh.. kung makakapagteleport lang sana ako ay ginawa ko na makadalo lamang ako ngayon." Para na akong may sira sa ulo sa mga naisip ko sa kagustuhan kong makadalo.
"Happy Birthday Little Acer.. kuya Kenneth wish you a lot of happiness." Bulong ko habang tinitignan ko ang isa sa larawan naming magkasama.
Napapangiti na lamang ako na napagmamasdan siya.
"Nasa tamang edad ka na. Little Acer." Naibulong ko. Dumampi ang labi ko sa screen ng cellphone ko and give him a kiss. "Happy birthday.. happy birthday, little Acer." Paulit ulit na pagbati ko na lang kahit na hindi niya iyon naririnig.
¤¤¤
ACER POV:
¤¤¤
"Baby. C'mon." Hindi ko sinagot si mommy sa pagtawag niya sa akin. Araw ng kaarawan ko pero ang isa sa mga taong mahalaga sa akin ay hindi makakadalo dahil nasa ibayong panig ng mundo. "Baby, please. Nasa labas na ang mga mama lolo, papa lolo mo."
"No! I want to see kuya Kenneth. I like him to be here now." Sagot ko. Nakarating sina mama-lola galing Mexico pero si kuya Kenneth naiwan doon para sa trabaho.
Nakakapanakit ng loob. Mas mahalaga ba talaga sa kanya ang trabaho kaysa sa akin. Mas mahalaga ang yumaman siya kaysa sa akin.
"I hate kuya Kenneth." Naibulong ko ng yumakap na sa akin si mommy. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa katutuhanang wala si kuya Kenneth sa panglabing walong taong kaarawan ko.
Si kuya Kenneth ang isa sa pinakamahalaga sa akin maliban kina mommy at daddy, kasama na din si Lolo Alejandro. Kung wala ang isa sa kanila ay hindi na kumpleto ang buhay ko.
Sila lang para sa akin ay buo na ako sa mundong ginagalawan ko.
"Shhh! Kuya Kenneth called just now. Hindi mo daw sinasagot ang tawag niya kaya nga ako ang tinawagan niya kanina."
I know. Pero hindi ang tawag niya ang gusto ko kundi siya mismo ang nandito sa kaarawan ko.
"He want to great you a happy birthday, baby. Hindi nakalimutan ng kuya Kenneth mo ang birthday mo. Sadyang naging abala lamang siya sa negosyo natin sa Mexico."
"Hmmp. Mas mahalaga kay kuya Kenneth ang trabaho niya kaysa sa akin. I hate him now. I hate now and forever." Sagot ko na sinisinok na dahil sa pag iyak ko.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Ito na yata ang unang beses na nalungkot ako sa kaarawan ko. Dahil wala si kuya Kenneth.
"Baby. Tahan na." Pang aalo pa sa akin ni mommy hanggang sa dumating na din si daddy at sinamahan si mommy sa pang aalo sa akin sa pag iyak ko.
"Baby, c'mon. Lolo Alejandro is waiting outside. Gusto saw niya makita ang paborito niyang apo." Sabi ni daddy.
Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob sa pagkarinig ko kay lolo Alejandro. Hindi na kasi ito madalas lumabas dahil matanda na ang lolo..
"Hindi mo naman balak paghintayin ang lolo diba."
Tumango ako. Tumuwid ako sa pagkakaupo ko. Pinunasan naman ni mommy ang mukha ko.
"Happy birthday baby."
Kahit nakasimangot ako ay nagpasalamat ako. Inayos ko ang sarili ko bago ako nagpasyang lumabas na ng silid ko.
Gusto ko ding makita ang lolo.
"Lolo." Mahinang pagtawag ko dito ng makita ko ito. Nakaupo na lang ang lolo sa wheelchair nito dahil hindi na kaya ang tumayo ng matagal. Pero sa edad ng lolo ngayon ay malakas pa nito kaysa sa ibang matatanda sa kaedaran nito.
"Apo."
Mabilis akong lumapit dito paluhod na yumakap ako kay lolo.
"Happy birthday apo." Pagbati nito sa akin na may mga ngiti sa labi.
"Salamat lolo." Tumayo ako at humalik ako sa nuo nito.
Isa sa paborito kong tao si Lolo. At ayaw ko namang ipakita dito na hindi ako masaya ngayong birthday ko. Baka mag alala pa ito at sisihin si daddy sa pagkalungkot ko.
Kung paano naman ako naspoiled ni daddy ay mas nadoble naman akong naspoiled ni lolo. At masasabi kong ako ang pinakapaborito niya sa lahat ng mga apo niya sa tuhod.
Naalala ko pa noong mga bata kami na ako lagi ang pinapaburan niya at hindi ako pinapagalitan kahit na alam kong ako ang unang nang-aayaw sa mga pinsan ko. Kapag ako naman ang inaaway ng nila noon ay pinapagalitan sila ng lolo.
That's why I love lolo.
"This is for you apo." Napatingin ako sa hawak na agad ko namang kinuha dito.
Isa iyong maliit na pulang sobre. Pasilip ko iyong tinignan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong laman.
Isa iyong gold card.
"Lolo." Muli ko itong niyakap.
Gold card na naglalaman ng hindi mabilang na halaga. Gold card na ang lolo lang sa ngayon ang nakakapag isue sa mga Anderson hanggat nabubuhay siya.
Sina daddy, tito Vienn at iba pa ay tanging silver at black card lang ang naiisue nila. Na iyon ang ilan sa mga gamit ko ngayon.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko, apo?"
Sunod sunod ang naging pagtango ko bilang sagot.
"Maraming salamat lolo. I love you." Totoong ngiti ang nakapaskil na sa labi ko.
"I love you too, apo." Tuluyan kong nakalimutan ang pagdadamdam ko kanina lang dahil sa presensya ni lolo.
Halos hindi na matuloy kanina ang pagdiriwang ng kaarawan ko pero ngayon.. natuloy na at naging magarbo ang pagsasalo na dinaluhan ng buong angkan ng Anderson.
¤¤¤
¤¤¤
Nakatitig lamang ako sa mga regalong natanggap ko. Habang hawak ko naman ang card na bigay ng lolo. Naging masaya naman ang kaarawan ko kahit na may bahagi ng pagkatao ko ang kulang dahil sa isang taong gusto kong makita na hindi nagawang dumalo.
I really hate him now. Ngayon ko napagtanto na mas mahalaga sa kanya ang ibang bagay kaysa sa akin.
"Baby." Napalingon ako kay daddy na ngayon ay palapit sa akin. "Happy birthday again baby.. want me to help you open your birthday gift?" Tanong pa ng daddy ng umupo sa tabi ko. Kumuha ng isang regalo.
Napasimangot ako at muling nalungkot dahil doon. Kapag nandito si kuya Kenneth ay dalawa kaming nagbubukas ng regalo ko. Tinutulungan niya ako hanggang sa makatulugan ko pa nga mismo iyon dahil sa dami ng mga regalo.
"No! Ipapaayos ko na lang muna sa silid ko daddy. Saka ko na lang bubuksan ang mga iyan." Sagot ko kay daddy.
"Okay, kung iyan ang gusto ng baby ko." Ibinalik ang regalo sa pinagkuhanan nito. Sumandal naman ako kay daddy ng akbayan niya ako.
"How about this daddy." Ipinakita ko ang regalo sa akin ng lolo.
"A gold card." Hindi naman nagulat ang daddy dahil meron din siya ng gold card tulad din nina tito Vienn, Tito Wayde at tito Kanye. Silang apat lang daw ang may ganun habang ang ibang mga Anderson ay tanging silver at black card lamang.
Sabi naman ni daddy na silang apat daw ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng lolo. Na halos sila lamang ang may malaking mana maliban sa iba.
Hindi ko alam kung may samaan ng loob sa ibang angkan ng Anderson but I don't really care about it. And daddy told me. 35% sa buong ariarian ng lolo ay sa kanya dahil narin daw sa lolo ng mommy na kaibigan ng lolo. And just only 45% ang pinaghatian nina tito Wayde, tito Vienn at tito Kanye na wala namang reklamo. At ang 15% naman daw ay napaghahatian ng ibang Anderson habang ang natitirang 5% ay siyang naipupundo sa mga charity works ng lolo.
Noon ay hindi ko iyon pinapansin dahil sa bata pa ako masyado pero ngayon ay alam ko na. Mahalaga ang pera sa lahat. Ang yamang tinatamasa. At iyon ngayon ang nagpagtagpi tagpi ko kay kuya Kenneth. Mas mahalaga sa kanya ang pera. Ang karangyaang tinatamasa na naibibigay ng pamilya. Kaya nakakaramdam ako ng galit sa kanya ngayon. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang magpayaman.
"Daddy."
"Saiyo iyan na bigay ng lolo. And you know how lolo love you, baby. Kaya binigyan ka niya ng ganyan."
Tumango ako. Alam ko iyon. At palaging ipinaparamdam iyon ng lolo sa akin kahit hindi ko na madalas ito nabibisita.
"Sige na, ipapapaakyat na lang natin mamaya ang mga regalo mo. Sa ngayon.. magpahinga ka na muna."
Tumango ako. Naunang tumayo ang daddy at nilahadan ako ng kamay.
"Here you go." Sa pagkakatayo ko ay muli akong yumakap kay daddy. "Thank you for everything daddy."
"You welcome baby, you welcome."
¤¤¤
¤¤¤
"Acer." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni kuya Kenneth.
Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang birthday ko. At ngayon lang nagpakita si kuya Kenneth sa akin.
"What are you doing here?" Balewalang tanong ko. Hindi pinansin ang paglapit niya.
Tama na siguro ang kabaliwan ko sa kanya. Matapos niyang baliwalain ang kaarawan ko ay tuluyan ko na siyang kakalimutan. He is just my adopted kuya Kenneth. At itinatakwil ko na siya sa pamilya namin. Hindi ko na siya tanggap pa.
"Sabay na tayong umuwi." Sagot niya.
Umiwas pa ako ng tangkain niyang ipatong ang kamay sa ulo ko na dati niya noong ginagawa.
"May sundo ako." Sabi ko naman na humakbang lumayo sa kanya. "And here he is." Sabay lapit sa kotseng tumugil sa harap ko mismo.
"And who is he?"
"You don't need to know." Sagot ko at balewalang sumakay na nga ng kotse. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at pagkalampag ng bintana ng kotseng sinakyan ko. "Lets go. Drive." Pang uutos ko ng tumingin ako sa lalaking sumundo sa akin.
"As you wish." Sagot naman nito na agad na sumunod sa sinabi ko.
He is just a new friend. He is Meynard. 2 years older than me. Sa pasukan ay pareho na kaming nasa huling baitang ng señior high. Lakwatsero ito kaya naman nahuli na ito sa school ng mga kaedaran.
Nanliligaw siya sa akin. He like me daw kaya hinayaan kong mapalapit sa akin. Pero pinagbantaan ko naman na ayaw ko ng sasamantalahin ang binigay kong pagkakataon dito. Gusto ko lang naman subukan ng maiba naman.
May ngisi sa mga labi nito. May masama din itong ugali.. masyadong mayabang pero pinagtyatyagaan ko na lang basta makaiwas lamang ako kay Kuya Kenneth.
"Saan mo gusto mag istambay?" Tanong nito ng makalayo na kami kay kuya Kenneth.
Tumingin ako sa rear mirror. Nakatingin parin si kuya Kenneth sa amin habang suklay ang buhok nito.
Bahala na siya sa buhay niya. Akala niya siguro ay ganun lang kadali ang pang i-indyan niya ng birthday ko.
Manigas siya. Hindi ko na talaga siya papansinin.
"Ihatid mo na lang ako pauwi." Sagot ko ng ibaling ko ang tingin ko dito.
"Ano ba naman iyan, Acer. Halos isang linggo na nga kitang inihahatid ayaw mo parin akong makasama ng matagal. Kahit ngayon man lang ba."
"Sa susunod na lang." Tanging sagot ko.
"Kahit kalahating oras lang naman. Kumain tayo sa labas. Magmeryenda bago kita ihatid."
"Hindi ka ba nakakaintindi. Gusto mo bang hindi na ako makisabay sayo ng tuluyan?" Pananakot ko.
"Okay, okay. Ikaw naman. Kung makakalusot lang naman."
Tinapunan ko ito ng talim ng tingin. Hindi na ako nagsalita pa habang nasa daan kami pauwi. Hindi naman ako sinisita ni daddy na may naghahatid sa akin sa bahay. At ni hindi tinatanong kung kaninong pamilya ito kabilang.
Hindi ko din naman pinakikialaman ang family background ni Meynard. Basta ang akin lang ay may makakasama ako na makakatagal ng ugali ko.
Sa isang linggo ko itong nakakasama ay napapakisamahan naman ako at wala pa naman akong hindi nagustuhan na ikinilos nito.
"Thanks." Maikling saad ko ng makarating na kami ng A. Place.
Inaalis ko na ang seatbelt ko ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Marahas ang ginawa kong pagtanggal sa kamay nito sa akin.
"What are you doing?" Galit na tanong ko dito.
"Wala ba akong goodbye kiss?" Tanong pa nito. Pinigilan ang kamay ko.
Napalunok ako at bahagyang kinabahan. Pero ang lakas naman ng loob niyang gawin ang ayaw ko sa teretoryo ko.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Dahil ito ang maling hakbang na hindi ko magugustuhan mula sa isang tao.
Nagpumiglas ako pero malakas siya kumpara sa lakas ko kaya naidiin niya ako sa sandalan ng upuan ko.
"Don't Meynard. Pagsisisihan mo ang kapangahasan mo." Gigil na umiwas ang mukha ko ng tangkain niya akong halikan.
Pero pareho kaming nagulantang sa gulat ng bilang may bumangga sa harapn ng kotse namin.
"Kuya Kenneth." Naibulalas ko ng makitang si kuya Kenneth mismo ang bumangga ng kotse ni Meynard.
Malakas na kinalampag ni kuya Kenneth ang pinto sa side ni Meynard.
"Open this damn door." Galit na galit ang tinig niya na naging dahilan para napasunod si Meynard at binuksan ang pinto.
Pagbukas pa lang ng pinto ay agad na hinila ni kuya Kenneth si Meynard at sinuntok dahilan para sumadsad ito sa semento.
"f**k off, young man." Pagbabanta ni kuya Kenneth dito bago ako binalingan.
Para tuloy akong naging katawa tawa na ipinagmayabang ko pa kanina kay kuya Kenneth ang sumundo sa akin na siyang ginawan ako ng masama.
Hindi ko na siya hinintay na pagsabihan ako. Mabilis akong bumaba ng kotse at patakbong pumasok ng bahay.
Nakaramdam ako ng inis. Hindi para kay kuya Kenneth kundi para sa sarili ko. Kailan ba ako makakahanap ng katulad ni kuya Kenneth na kaya akong alagaan, kaya akong ingatan, kaya akong pahalagaan. Pero hindi bilang kapatid, kundi bilang isang lalaki na mamahalin at gugustuhing makasama habang buhay.
"I hate you kuya Kenneth. I hate you." Bulong ko na may luha ng tumulo sa mga luha ko.