#19:

3002 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ Tahimik lamang akong nakamasid sa kanya sa hindi kalayuan at nagagampanan ko naman ang pagmamasid din sa iba para sa kaligtasan nila. Wala naman sigurong malulunod maliban na lang kung ilulunod nila ang sarili nila para sagipin ko. Hindi na nga ako tinantanan ng iba dahil ang tatlo sa babaeng bisita sa ay kanina pa na nasa tabi ko. Nangungulit na kung maari ay pagbigyan silang makadate ko. "Let's hangout after this, handsome." Paulit ulit na sabi ng isa na kanina pa iyon pinipilit. Hindi yata ito marunong sumuko hanggang sa hindi ako mapapayag na makipagkita sa kanila pagkatapos ng pagtitipong ito. "Sorry, pero busy ako." Sagot ko din kanina na. "Just enjoy yourself here. Ililigtas kita kapag nalunod ka." "Uhm. I mouth to mouth mo ako. Ai.. magpapakalunod na kami." Kinikilig na sabi ng isa pa. Hindi ko na lang binigyan ng pansin ang paglalandi nila. Nakatuon lang ang pansin ko kay Acer na ngayon ay masayang nagtatampisaw lamang sa gilid. Dahil hindi naman nawala.ang kasikatan niya dahil nga sa pagmomodel niya ay maraming humahanga at nagpapakuha ng larawan kasama siya. "Enjoy yourself, little Acer." Naibulong ko. Iginala din ang paningin sa paligid. Hindi naman karamihan ang bisita ng naturang okasyon. Halata namang pawang mga may kaya lang sa buhay ang naimbitahan sa pagtitipun kaya lahat ay puro pasosyalan lamang. Ang ikinaganda naman ay hindi kailangang mag suot ng bikini ni Acer na hindi din niya kailangang ipagmayabang ang katawan niya. If he is a girl... well, marami siyang matatalo sa kakyutan at ganda ng katawan. Sa kinis ng balat na halos hindi madapuhan ng lamot simula ng maisilang. Walang galos o pilat sa katawan maliban sa may kaunting guhit na naiwan sa gitna ng dibdib niya. Hindi naman iyon mahahalata kung hind malalapitan para titigan. Dahil sa gawa ng mga ointment na naipapahid doon ay nabubura iyon ng paunti unti sa paglipas ng panahon. "Are you his bodyguard?" Tanong ng isa sa babaeng kanina pa nakaaligid sa akin na ayaw na yatang lumayo sa akin. "No! I'm his brother." Sagot ko na ikinangiti niya. "Brother? You mean... Isa kang Anderson?" Tumango na lang ako bilang sagot para hindi na ito magtanong nang magtanong. Ayaw ko din ng nakukulit ako ng iba maliban na lang kung si Acer ang mangulit. Hindi ko gusto ang makipag usap sa iba kung hindi related in business. Sinanay ako ni tito Ace na hindi dapat sayangin ang oras sa isang tao kung hindi naman ako interesado. At walang magandang maidudulot. "Akala ko si Acer lamang ang mahilig makipagsocialize na isa sa mga Anderson. Pero..." humawak ito sa braso ko. May ipinapahiwatid. "Hindi nga ako madalas makipagsocialize. Binabantayan ko lang ang kapatid ko para masigurado ang kaligtasan niya. If you don't mind. Bilang isang lifeguard. Magpapatrol lamang ako." Saka ko sinabayan ng pagtayo. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa akin. Bahagya akong lumapit sa kinaroroonan ni Acer na nakikipagkwentuhan sa ibang mga bisita. Nakikita ko naman ang kasiyahan sa mga mata niya. Nakangiti habang nakikinig o di kaya naman nagsasalita. "And.. he is my bodyguard." "Wow! Such a handsome bodyguard. But why is he wearing.." "A props. Para makapasok dito." Sagot niya na nakatingin parin sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay na may kasamang ngisi. "Really, amazing. But if you don't mind. Can we flirt with him. Such a good opportunity to met someone like him. I hope I can have one." Sabi ng isa na ngayon ay natuon na naman ang pansin sa akin. "No! He's not available. Kailangan niya akong bantayan." Saka niya ako tinignan at nginisian. "But I can watch over you kahit na nakikipagflirt ako sa kanila, little Acer. Hmmm." Ngumisi din ako. Simubukang tinignan ang isa sa kasama niya ng makahulugang tingin. At hindi ako nagkamali. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko kung paano niya ako tapunan ng masamang tingin at gustong tusukin ang mata ko sa pagtingin sa babaeng kasama niya. Padabog na tumayo siya at walang babalang tumalon ng swimming pool at ng makaahon ay nandoon parin ang matalim na tingin sa akin. "Sorry girls.. but I'm not available for flirting." Mahinang saad ko sa mga kasama niya kanina. Gusto ko lang naman siyang asarin kaya ko siya pinatulan. Sabihin ba namang bodyguard ako. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga habang nakasunod ang paningin ko sa kanya na ngayon ay malayang nagtatampisaw na s tubig. Nakikipagkwentuhan sa kung sinong lalapit o mapapalapit sa kanya kung nasaan siya. "Are you really his bodyguard?" Bahagya akong napalingon sa babaeng kausap niya kanina. "No. I'm his brother." Sagot ko. "Oh.. but.." pinaglipat ang tingin sa akin at kay Acer. "Wala kayong hawig na dalawa. Paano namang....." "Nagmana siya sa mama namin. Pero sa ugali.. sa papa namin.." may ngiting sagot ko dito na nakatingin parin ako kay Acer. Oo... halos lahat namana ni Acer ang kay Tito Elijah. Pero sa pag uugali.. kay tito Ace.. domenante.. masungit.. minsan seryuso.. minsan tahimik din.. "Ganun ba.. kung ganun.. sa papa niyo ka nagmana?" "Uhmm. Maybe.." mahina kong sagot.. habang kausap ko ang babae ay hindi ko inaalis ang paningin ko kay Acer hanggang sa may isang lalaking lumapit sa kanya na sa tingin pa lang ay hindi na mapagkakatiwalaan. Pero hindi naman gumawa ng kakaiba sa kanya bagkus nakipagkwentuhan pa siya dito. Nailing na lang ako dahil masyado akong nakakapag isip ng hindi maganda pagdating sa mga taong lalapit sa kanya. Hindi naman niya ako masisisi kung sakali dahil sa dinami dami ng mga bastos o di kaya naman talagang hindi mapagkakatiwalaan at mapagsamantalang tao. Sinasamantala ang tao na alam nilang mahina at hindi kayang maipagtanggol ang sarili. "He is flirting now." Nakangisi ang babae ng lingunin mo. And yes.. Acer is flirting with that guy at gusto ko na nga siyang lapitan, hilain na paahon at ilayo sa lalaking iyon. Pero nawala ang pansin ko sa kanya ng biglang may nagsigawan... Ang pagbibiruan ay nauwi sa tulakan. .. at ang naitulak nila sa pool ay hindi marunong lumangoy at nalulunod na. Magiging disaster pa yata ang birthday party pool na ito. Ang iba ay nagpapanik kaya ayaw ko man iwan si Acer ay agad akong tumakbo at tumalon sa pool para iahon ang nalunod. Maingat ko itong inihiga at siniguradong mas mababa ang ulo sa katawan nito. Checking her vital sign... kung humihinga pa. Handa ko na itong bigyan ng CPR ng may tumili naman kaya napalingon ako. Acer is fighting with someone. At dahil hindi naman siya talaga marunong makipag away ng pisikalan ay tatalo siya. At ang ikinasama ay nasa tubig pa sila at inilulublob siya sa tubig. "Damn it." Gigil na hinila ko ang isa sa lifeguard na wala namang ginawa. Ito na ang nagtiloy ng pagbibigay sana ng cpr sa babae. Kakinis lang... Mas nauna pang nagpanic at hindi alam kung sino ang unang uunahing tulungan. Walang kwenta... Pero ako..... mas mahalaga ang si Acer kaysa sa ibang tao. Na kahit ayaw kong pabayaan ang iniahon ko kanina ay kailangan dahil buhay ni Acer na ang nanganganib. Agad akong dumulog sa kanila. Ang kaninang lalaking kaflirtan niya ay nanuod lamang ay tila nasiyahan pa sa nasasaksihan. Hindi ko pinigilan ang sarili kong malakas na itinulak ang babaeng nanglulunod sa kanya. I don't care if I hurt her.. she is hurting mu little brother. Mabilis na naiahon ko si Acer na ngayon ay wala na ding malay dahil sa pagkakalublub sa tubig. "Call 911." Sigaw ko habang maingat kong inilapag siya sa semento. At katulad ng ng ginawa ko sa nauna kanina. Pero mas kinabahan ako dahil mahinanh mahina na ang pagtibok ng puso niya. Agad ko siyang binigyan ng CPR para makatulong sa paghinga niya. "C'mon... little Acer.. breath.." nag aalalang bulong ko habang patuloy ako sa pagbibigay sa kanya ng hangin sa katawan. Hindi ako tumigil hanggang sa dumating ang Ambulansya. Ang nauna kong nailigtas ay gising na ng dumating ang tulong pero si Acer... nanatiling walang malay at hinahabol ang paghinga. "Damn it.." hindi ko mapigilang mapamura dahil doon. Kung hindi ko siya iniwan at hindi inalis sa paningin ko ay hindi siya mapapaaway at mapapahamak. Hindi na ako mapakali. Nanginginig ako sa pag aalala ko sa kanya habang nasa daan na sakay na ng ambulansya. Hawak ko ang kamay niya ngayon. Nakatingin sa mukha niya na ngayon ay may kabit ng oxygen. "Ugh." Tampal ang nuo at napayuko habang hawak ko parin ang kamay niya. Dinala sa tapat ng labi ko at pabulong na nanalangin na sana kayanin niya. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang ganito sa kanya. Lalo na at hindi naman siya kalakasan dahil nanatili parin siya sa sakit niya ng nakaraan. Kahit na sabihin pa na malakas na ang bago niyang puso pero hindi sa ganitong bagay. "Little Acer.. hang on please. Kuya Kenneth is here.." pabulong na saad ko habang nakatingin na naman sa kanya at masuyong humahaplos sa pisngi niya. "Kuya Kenneth love you very much. Please... hang on." ¤¤¤ "Are you okay.. little Acer." Nakahinga ako ng maluwang ng magising siya pagkalipas ng isat kalahating oras. Hindi agad siya sumagot. Iginala ang paningin sa paligid. "N-nasaan ako?" Mahina niyang tanong ng mapatingin sa akin. "Hospital. Are you okay, now? Tatawagin ko lang si tito Kanye para i check ka." Pipindutin ko sana ang intercom na nakakabit sa linya ni tito Kanye ng pigilan niya ako. "No. I'm okay." Sagot niya sa mahinang boses. "I want to go home." "Sige. I will ask tito Kanye para maiuwi din kita ngayon." "I want daddy and mommy." "I already told them what happen." Sagot ko. Naalala ko na naman kaninang tinawagan ko sila at ipinaalam ang nangyari. Galit na galit sa akin si tito Ace.. wala daw akong kwenta dahil napabayaan ko daw man lang maayos na nabantayan si Ace. Pero hindi ko iyon ikinasakit ng damdamin dahil totoo nga naman. Kung hindi ko siya iniwan kanina ay hindi siya mapapahamak ng babaeng iyon. Si tito Elijah naman ay tudo ang pag aalala. Hindi ko man nakita ay alam kong umiiyak ito kanina habang tinatanong kung maayos na ba ang kalagayan ni Acer. And about that girl... nakakulong na...girlfriend daw ito ng lalaking kausap niya kanina at ang hayop na lalaking iyong ay kasama na din ng babaeng iyon. Magsama sila sa kulungan.. si tito Vienn din ang humawak ng kasong iyon. And knowing tito Vienn... Well, they said that tito Vienm tried to resign pero bumalik parin siya sa pagiging pulis dahil iyon daw talaga ang porte sa trabaho. Hindi na nga lang siya sumasama sa mga delikadong operasyon dahil ayaw daw ni tito Vience. "Yes, little Acer.. pauwi na sila.. within 16 hours.. narito na sila." Sagot ko. Kahit hindi pa tapos ang dalawang buwan nila doon na halos wala pang isang buwan ay umuwi na sila dahil sa nangyari sa kanya. Para nga tuloy talagang wala akong kakwenta kwenta sa mga nangyari.. "Sorry.." masuyong hinawakan ko siya sa kamay. Dinala sa labi ko at dinampian ng halik. "Sorry my little Acer." Paghingi ko ng tawad. Alam ko na hindi magagamot ng paghingi ko ng tawad sa kanya sa nangyari sa kanya. Lalo na at muntik pa siyang namatay dahil doon. Mabilis na nawalan siya ng hangin sa katawan kanina kaya at kung hindi ako nagmadali at binigyan siya ng paunang lunas ay baka wala na siya. No! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nangyari iyon. Wala akong kasilbi silbi. "O-okay." Tanging sagot niya. Hinila ang kamay niyang hawak ko at binawi ang tingin sa akin. Hindi ko siya masisisi kong pakitaan niya ako ngayon ng kalamigan dahil sa pagpapabaya ko sa kanya. Tanggap ko iyon. Pero hindi ko hahayaang tumagal ang kalamigang iyon. Pupuunan ko na lang ang mga pagkukulang ko sa kanya. "Want to eat? Nagdala kanina si ate Celine ng sariwang prutas kanina." Umiling siya. Tumagilid ng higa patalikod sa akin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi ko na muna siya pipiliting kausapin ako ngayon. Siguro shock parin siya sa nangyari sa kanya kanina. Palalamigin ko na muna ang kalagayan niya bago ko siya kausapin. Binantayan ko na lang siya. At sa paglipas ng mga minuto at tuluyang nabalot na kami ng nakakabinging katahimikan. ¤¤¤ Mabigat na dumapo ang palad ni tito Ace sa kaliwang pisngi ko ng salubungin ko sila na agad dumeretso ng hospital pagkadating galing ng Mexico. "Ace." Si tito Elijah na tigagal din sa naging pagsalubong sa akin ni tito Ace pero hindi ko iyon ininda dahil nararapat lamang iyon sa akin. Kaya nga buong buo ang tiwalang ibinigay nila sa akin dahil ang akala nila ay kaya kong bantayan at alagaan si Acer para hindi mapahamak pero binigo ko nga sila na muntik na niyang ikinamatay. "Buong buo ang tiwala ko na kaya mong alagaan ang anak namin kaya namin siya iniwan sayo pero ano ang ginawa mo. Pinabayaan mo siya." Dumagundong sa galit na sumbat sa akin ni tito Ace. "Ace. Stop it. Hindi naman ginusto ni Kenneth ang nangyari sa kapatid niya." Pagtatanggol naman sa akin ni tito Elijah. "Sorry." Tanging salitang namutawi sa bibig ko dahil iyon na lamang ang alam kong tamang sabihin. "No! Hindi mo kasalanan, hijo. Kaya hindi ka dapat humingi ng tawad sa amin." Si tito Elijah. Tinapik ako sa balikat at tinignan ng may pagsusumamo na huwag kong ibaba ang sarili ko bago binalingan si tito Ace na nanatiling galit na nakatingin sa akin. Kuyom ang kamao na kung wala si tito Elijah ngayon sa pagitan namin ay baka dumapo na iyon sa akin. Magpaganun man ay tatanggapin ko iyon ng buong buo. "Tara na. Nasaan siAcer?" Nauna na silang naglakad sa akin at tinalunton ang silid ni Acer dito sa Hospital. Gusto nga na niyang umuwi pero hindi pinayaga ni tito Kanye kahapon dahil mahina parin ang kanyang paghinga. Nakabantay nga dito ang oxygen niya at ilalagay na lang kung kailangan niya ng tulong para huminga. Nakasunod na lang ako sa kanila hanggang sa marating namin ang silid niya. Tulog ito ng iniwan ko para salubungin sila tito pero gising na ito ng makabalik kami. Nakaupo na ito na napatingin sa amin ng bumukas ang pinto. "Baby." Tinakbo ni tito Elijah ang kinahihigaan niya at niyakap. "Mommy." Mahina nitong saad. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtakas ng luha sa mga mata niya na yumakap skay tito Elijah. "I wanna go home.. ayaw ko dito. And don't leave me anymore. Please." "Yes baby.. we are going home after you recover your strenght. And yes... hindi na kami aalis. Hindi ka namin iiwan ng daddy mo." Sagot ni tito Elijah. "How are you? May mga masakit ba sayo? May gusto ka ba? Mommy and daddy will give it to you." Umiling siya bilang sagot. Hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Bumaling kay tito ace na nakatayo lang sa tabi nila. "Daddy." And they hug each other. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ako nagpasyang lumabas na lang muna. Hindi na ako kailangan ngayon dahil kumpleto na sila. And saka.... kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mas mahaba pang sermon at galit na matatanggap ko kay tito Ace. Alam ko... hindi lang ako mapagsabihan nito dahil nasa paligid lamang si tito Elijah kaya naman.. kailangan ko iyong paghandaan. ¤¤¤ VIENN POV: ¤¤¤ Nakatingin lamang ako sa babaeng nanglunod kay Acer. Naiiling habang naiisip ko na ang kahihinatnan ng buhay nito dahil sa kapangahasang ginawa sa kaisa isang anak ng pinsan kong si Ace. "Do you know what have you done?" Tanong ko dito na ngayon ay tahimik lamang na nakaupo. "He is flirting with my boyfriend." May katigasang sagot nito na binalingan ang boyfriend na katabi na rin nito. Naisama na ito sa paghuli dahil may nagsabi na nanuod lamang at hinayaang lunudin ng kasintahan si Acer. Isa pa ay parang inudyukan pa nito na sige lang. Natuwa pa daw dahil nagselos ang girlfriend. Pero di ba nila kilala kung sino ang ginawan nila ng masama. Ako na tuloy ang naawa sa kalagayan ng dalawang ito ngayon. Hindi na din sila minor de edad kaya siguradong ipapatawan ito ni Ace ng mabigat na parusa. Hindi lang iyon.. nakikinita ko na mamumuhay sa kangkungan ang buong pamilya ng dalawa. "Kung hindi siya nanlandi ng kasintahan hindi ko iyon gagawin." "Yeah! Siguro nga nakipaglandian ang pamangkin ko sa boyfriend mo.. pero di mo ba naisip na bakit pinayagan iyon ng boyfriend mo gayong nasa paligid ka lang. Hindi bat sadya lamang marupok ang bf mo na makakita ng mas cute kaysa sayo." "No! Damn that sluty gay. Disgusting." Pasigaw na sagot nito. Para akong nabingi sa sinabi nito. Hindi yata talaga maganda ang tabas ng dila ng batang ito at hindi napalaking maganda ng mga magulang. "Bata.. watch your words. Hindi magandang pakinggan. Hindi mo kilala ang pinagsasabihan mo ng ganyang mga salita." "Totoo naman.. disgusting.. nakakasuka ang baklang iyon. Yak." At talagang nagkunwaring nagsusuka. Parang gusto kong ako na ang unang magparusa dito. Ingudngud ang mukha sa lamesa ng magtanda. Kung hindi ko lang talaga inaalala na bata lamang ito ay baka ginawa ko na ang nasa isip ko. "Well, mukhang hindi na kita matutulungan sa ngayon.. sabihan mo na lang ang mga magulang mo na kuhanan ka na ng magaling galing na abugado at ipaglaban mo ang katigasan ng ugali mo." Sabi ko dito. Tinapunan ko pa ng makahulugang tingin ang lalaki bago ko sila ipinasa kay Police Captain George.. and yes.. tumaas na nga ang ranggo nito sa paglipas ng maraming taon. "Sige DG.. kami na ang bahala sa kanila." Sumaludo ito sa akin bago ko sila iniwan. Nagpasya pa naman ako na tutulungan ang mga ito kahit papaano pero hindi naging maganda ang dating ng mga sinabi ng batang babae. Bahala na silang sa kangkungan na pulutin. Kasalan nila dahil anak ni Ace ang kinanti nila. Hindi na ako makikialam sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD