#20:

3313 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ "Walang kwenta." Natigilan ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang sigaw na iyon ni Daddy. "Pinabayaan mo ang anak ko. Ipinagkatiwala ko siya sayo ng buong buo pero anong ginawa mo?" Galit na galit si daddy sa mga salitang binitawan niya. Ayaw ko man sanang makinig pero may naghikayat sa akin na manatili lamang sa tapat ng library na hindi naisarado ng maayos ang pinto. "Patawarin niyo ako tito."nasa tinig ni kuya Kenneth ang pagpapakumbaba. Ramdam ko ang pagsisisi niya. Pero... kasalanan ba niya ang nangyari sa akin? Hindi dahil ako naman ang gumawa ng mga bagay na naging kumplekado sa kanya. Sumusobra na ako. I know that... at hindi ko naisip na masyado ng nahihirapan si Kuya Kenneth sa akin.. masyado akong naging spoiled at pilit na kinukuha ang buong atensyon niya.. "Mas inuna mo pang tulungan ang iba kaysa kay Acer.. you know that Acer can't stand any danger." "I know tito.. it's my fault.." "Yeah! Binigo mo ang mo ako sa pagkakataong ito.. walang silbi ang mga pagbibigay ko ng atensyon sayo.. alagaan at siguraduhin ligtas si Acer lang, Kenneth.. iyon lang ang kailangan ko. Ang alagaan mo ng maayos ang anak ko pero hindi mo pa ginawa. Alam mo na kaya ka namin kinuha at inalagaan ay para kay Acer.. pero nagkamali ako na kaya mo at ang pagtitiwala ko sayo na magagawa mo ng maayos ang pag aalaga sa kanya ay hindi nagawa." Malakas na sumbat pa ng papa. Nakaramdam ako ng pagkahabag sa mga naririnig ko ngayon. Ayaw ko na sanang makinig pero para akong naipako sa kinatatayuan ko. "Alam ko na hindi magagamot ang ano mang pagkakamali ang paghingi ng tawad ngayon tito... hindi ko naingatan ng maayos si Acer dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.." mahinang saad ni kuya. "At hindi ko po nakakalimutan ang bagay na iyon. Na kung hindi niyo ako kinuha noon ay hindi ko mararanasan ang karangyaang tinatamasa ko ngayon." Sa tuno ng boses ni kuya Kenneth au ramdam ko ang bahid ng kalungkutan. Why? Bakit kailangang maungkat ang mga bagay na iyon? Hindi bat lagi kong ipinaparamdam iyon sa kanya noon na hindi ko naman nakiramdaman ang ganitong kabigat na damdamin mula sa kanya. Pero bakit ngayon. Bakit ang bigat din sa pakiramdam ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "Walang malaking halagang pera o yaman ang maari kong pambayad sa utang na loob ko sa inyo. Kahit na magtrabaho ako ng higit sa 24/7 ay hindi ko mababayaran ang bagay na iyon at pag aaruga sa akin ng maraming taon. Tito, salamat.. kahit ang salita man lamang iyan ay makabayad ako ng kaunti sa tulong na naibigay niyo sa akin." Puno ng pagdaramdam ang tinig ni kuya Kenneth. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto kong putulin na ang usapan nila. Ayaw ko ng nasasaktan ng ganito si Kuya Kenneth. "Baby." Mahina man pero narinig ko iyon na tawag pansin ni mommy. Napalingon ako. Kusang kumilos ang mga paa ko na kanina ay hindi ko maigalaw dahil sa ang bigat ng pakiramdam ko sa mga narinig ko kanina. Yumakap ako kay mommy. Doon kusang tumulo ang aking mga luha. "I'm so sorry mommy." Mahinang saad ko kay mommy habang kulong ako ng mga yakap niya. "Why? Bakit ka sa akin humihingi ng tawad." And as usual.. napakalambing parin ni mommy habang nagsasalita. "Hindi ba't sa kuya Kenneth mo ka humingi ng tawad?" Umiling ako. Hindi ko alam kung paano kakausapin si kuya Kenneth ngayon lalo na napagalitan siya ni Daddy. Ako ang dahilan kaya siya napapagalitan ngayon. "Baby! Alam mo ba na hindi deserve ng kuya Kenneth mo ang pinapagalitan ng daddy mo ngayon.. napapagalitan siya dahil sayo.. but can't you see now.. tinatanggap niya ang galit na iyon ng daddy mo dahil mahalaga ka sa kanya.." mahabang saad ng mommy habang patuloy ang masuyong paghugod ng palad sa likod ko. I know.. nararamdaman ko ang pagpapahalaga sa akin ni kuya Kenneth.. pero hindi sa pagpapahalagang gusto ko.. I want him to love me more that just a brother. But he always see me as his younger brother.. little brother.. Mas tumulo ang luha ko dahil doon. I know the fact that he can't love me back the way I love him... and because of that I was too greedy just to make him fall Inlove with me. "Mommy." Mahinang sambit ko. Wala na akong alam sabihin pa. Parang gusto ko ng sumuko at tanggapin na lang na hanggang kapatid lang talaga ang turing sa akin ni kuya Kenneth. Ang isip ko na gusto ko ng tumigil pero ang puso ko.. patuloy parin sa pagtibok at nagtutulak sa akin na huwag akong mawalan ng pag asa. But then... I hug mommy so tight.. taking back all of my hope.. Tama na siguro ang pagkagreedy ko pagdating kay kuya Kenneth.. I want him to be happy.. to be free.. i don't want him to be scolded by daddy.. because of me.. Yes, it's because of me. "C'mon.. hayaan mong mag usap ang kuya at daddy mo.. then.. you can talk to your kuya Kenneth later." Aya sa akin ng mommy palayo na ng library ni daddy. Mabibigat man ang naging hakbang ko ay nanatiling nakaalalay sa akin si Mommy na siyang nagsilbing lakas ng mga paa ko para humakbang. I know.. everything will be alright kapag ako ang nagbago.. everything will be okay.. kung titigilan ko na si kuya Kenneth.. hihingi ako ng tawad sa kanya.. kay Kuya Kenneth ng hindi na siya muling mahirapan pa. ¤¤¤ Yumakap ako kay daddy ng puntahan niya ako ng silid ko. I love daddy the most because he never let me down.. "Why are you so sad, baby?" Masuyong tanong ng daddy sa akin. Ang paraan ng pakikipag usap ng daddy sa akin na hindi man lang naiparamdam kay kuya Kenneth. "Do you hate kuya Kenneth?" Tanong ko kaysa ang sagutin ang tanong nito. "Yes." Ramdam ko ang katutuhanan sa sagot ng daddy. "Dahil napabayaan ka niya." "But he didn't." Sagot ko. "Dad, do you love kuya Kenneth like hoq you love me? Do you chave any care for kuya Kenneth?" Tanong ko pa. I love daddy and I don't want to ask those question to him but I need an answer.. I want to clarify kung ano ba ang status ng kuya Kenneth sa buhay namin. Napansin ko na natigilan si daddy sa tanong ko pero ilang sigundo lang naman iyon. Masuyong humaplos ang palad nito sa pisngi ko at magaang dinampian ng halik sa nuo. "I love your mommy the most baby, dahil binigay ka niya sa akin.. and I love you more than that.. you are our little angel. At walang makakapantay ng pagmamahal na iyon. And about your kuya Kenneth.. I treated him like my own son. To be like me. Ang maging kagaya ko. Maging responsable.. maging matapang.. maging matatag.. at sa lahat.. ang maging kagaya ko.. na kayang ibigay lahat ng makakapagpaligaya sayo.. baby.. I love your kuya Kenneth as my son. So I treated him that way.." mahabang sagot ng daddy sa akin.. napaluha ako.. how lucky I am to have a daddy.. to have mommy.. and to have kuya Kenneth who loves me. "Don't ever think that I don't love your brother.. I just want him to be trained like me so he can protect you. And protect you till the end katulad na lang ng pagpro-protekta ko sa inyo ng mommy mo." "Dad." Muli akong yumakap kay daddy. Alam ko naman na sa akin lang at kay mommy mabait ang daddy kaya ko natanong iyon. Alam ko din ang kwento ng daddy tungkol kay lolo na siyang nagpalaki sa kanila. At gusto niya ganun din lumaki si kuya Kenneth.. na ang daddy ay nakaranas ng hard time dahil doon pero naging maganda naman ang kinalabasan.. daddy has everything.. power.. wealth.. at nagkaroon ang daddy ng matatag na pundasyon sa binuo niyang pamilya. At kung ano ang tinatamasa ko ngayon.. ay dahil sa kanya.. dahil sa kanila ni lolo. "I love you daddy." "I love you too baby." At sa mga salitang iyon na nagmula kay daddy ay siyang nakapagpayapa ang loob ko. ¤¤¤ Gusto kong makausap si kuya Kenneth kinaumagahan kaya ng magising ako ay siya ang una kung pinuntahan. Kumatok na muna ako ng tatlong beses na hindi ko naman dati ginagawa.. nakasanayan ko kasi na basta ba lang akong pumapasok sa silid niya kung gusto ko pero ngayon... babaguhin ko na ang nakasanayan kong iyon. Halos buong gabi akong nag isip kung paano ko sisimulan ang pagbabago ko ng ugali sa haraoan ni kuya Kenneth kaya naman heto ako ngayon.. sisimulan ko sa paghingi sa kanya ng tawad. "Kuya Kenneth." Tawag ko sa kanya ng hindi ko na mahintay na pagbuksan ako. Maingat na binuksan ko ang pinto ng silid niya at mabagal na humakbang papasok sa loob. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na paghinga para puunan ang halos nabibitin na paghinga ko dahil kinakabahan akong kausapin ito dahil na rin sa mga nangyari. Hindi ko siya nakita sa buong silid niya kaya naman nagpasya akong maupo sa gilid ng kama niya. Baka nasa loob lang siya ng banyo. Matiyaga akong naghintay pero lumipas na ang halos kalahatibg oras ay wala paring palatandaan kung nasa banyo nga ba siya kaya naman nagpasya akong katukin ang banyo niya. Pero.. bago ko pa man marating ang harapan ng banyo ay naagaw ang pansin ko sa isang papel na nasa ibabaw sa maliit na lamesa na napatungan lang ng ballpen. Ayaw ko man sana iyon pakialaman pero mas nahatak ang pansin ko doon. Ang tangka kong pagkatok sa pinto ng banyo ay nauwi sa pagtingin sa papel at basahin kung ano ang nilalaman nun. Kunot ang nuo ko. Ilang sandali ang lumipas ng mabasa ko ng pahapyaw ang sulat.. ang sulat na naglalaman para sa akin. Little Acer, You know how much I care for you.. I always love my little Acer since then. You know that you are the one of my reason kaya ko tinanggap noon ang pag aalaga sa akin ng mga magulang mo. And that won't change anymore. I always want to care for you. To protect you but I failed. You almost died in my care. Sorry.. and I don't deserve to be your big brother anymore. Binugo ko ang daddy mo sa napalaking expectation niya sa akin. Hmmm! So I decided to take a break for a meantime. So I can make myself better to protect you. Little Acer.. be good while I'm not around. Huwag mong pinag aalala ang mommy mo. Just be a good son to them. You are thier princess. And also mine. Even of I'm not around.. I will still watching you from afar. And if you need help.. I will be there for you. I love you my little Acer. LOVE; Kuya Kenneth. Agad akong lumabas at pinuntahan sina daddy at mommy na tamang palabas sila ng silid nila. Napayakap ako kay mommy at kusang tumulo ang aking mga luha. "Kuya Kenneth left us." Mahinang saad ko na mas naging masagana ang aking pagluha. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil iniwan niya kami. "Baby.. sorry." Si mommy na ngayon ay masuyong humuhugod ang palad sa likod ko kasama ni daddy. "We didn't tell you that kuya Kenneth.." "A-alam niyo na aalis siya?" Marahas ang ginawa kong pagkalas mula sa yakap ng mommy at humakbang palayo sa kanila. "Baby.." "No!." Sigaw ko. "Ayaw ko ng paliwanag niyo.. alam niyong aalis si kuya Kenneth pero hindi niyo sinabi sa akin." Galit na sumbat ko. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng galit sa kanila dahil pinaglihiman nila ako. "Sasabihin naman namin baby.. pero nauna mo lang pinuntahan ang kuya Kenneth mo sa silid niya." "I hate you.. umalis siya pero hindi niyo siya pinigilan.... Daddy." Tumingin ako kay daddy.. "you said that you love kuya Kenneth as your son pero bakit mo siya hinayaang umalis. You liar. Hindi mo siya pinigilan dahil hindi mo siya mahal." Panunumbat ko kay daddy. "Baby. Calm down.. hindi naman umalis ang kuya Kenneth mo para iwan tayo o kalimuan.. he just want some space to think.. sinisisi niya kasi ang sarili niya dahil sa nangyari sayo.." paliwanag ni mommy. Napasimagot ako.. patuloy ang pagtulo ng luha ko. Sinisinok.. sumisinghot... puro luha na ang buo kong mukha. Wala akong pakialam kung napakamessy na ang mukha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa pag alis ni kuya Kenneth.. ayos lang sana kung umalis siya para sa business trip pero hindi dahil umalis siya para lumayo sa akin. Sa tindi ng pagdadalamhati ko ay tuluyang bumagsak ang katawan ko. Walang lakas para tumayo.. "Baby." Si daddy na mabilis na sumalo sa akin na tuluyan akong kimarga at dinala sa aking silid. "We talk about it yesterday baby. Nakiusap sa akin ang kuya Kenneth mo kung papayagan ko ba siyang lumayo na muna pansamantala.. at hindi ko naman siya matanggihan baby. Dahil may sariling buhay ang kuya Kenneth mo at hindi ko iyon mamanipulahin. Nasa kuya Kenneth mo ang disesyon para sa buhay niya." Humihikbi akong tumalikod sa kanila. Galit ako. Nagdadamdam. Bakit hindi hindi nila sinabi sa akin ng mas maaga para nakausap ko pa si kuya Kenneth at kung nakahingi man sana ako ng tawad sa kanya ay baka hindi pa siya umalis. "I want to be alone." Mahinang saad ko. "Baby." Halos sabay sina daddy at mommy. Hindi ko sila nilingon. Hindi na din ako umimik pa para ipahiwatig na ayaw ko pa silang makausap. "Okay." Tanging salitang sabi ni mommy. "Ace.. lets go." At sa ilang sandali lamang ay naiwan akong nag iisa sa silid ko. Hawak parin ang sulat ni kuya Kenneth na paulit ulit kong binabasa. Hindi mabilang kung ilang beses.. na habang binabasa ko iyon ay mas lalo akong nalulungkot. Sa kaalamang kaya umalis si kuya Kenneth ay para layuan ako. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Pagpasensyahan mo ang silid na ito hijo." Naigala ko ang paningin sa silid na ipinakita sa akin ng tunay kong mga magulang. Maliit pero malinis naman. "Ayos na po ito sa akin." Magalang na sagot ko. "Kung ganun maiwan ka na muna namin para maisaayos mo ang mga gamit mo. Maghahanda lamang ako ng makakain." "Salamat po." Mabagal na humakbang ako papasok at siniyasat ng mabuti ang silid ko. Naupo sa maliit na kama. Nasabi man sa sulat noong bata ako na hindi ko na sila kailangang hanapin ay naglakas loob parin akong hanapin sila. Tatlong taon na ang lumipas simula ng natagpuan ko sila. At heto nga sila ngayon.. hindi ako naglihim kay tito Ace patungkol sa mga tunay kong mga magulang.. at naintindihan naman niya iyon.. nag insist pa nga si tito Ace na bilhan ng bahay ang mga magulang ko pero hindi nila ito tinanggap. Kaya naman tanging ang lupang kinatitirikan ng maliit na bahay ang ibinigay na ni tito Ace. Binili nito mismo sa may ari ng lupa na halos ayaw ipagbili kung hindi lamang kilala ito sa lipunan. Tito Ace gets want he want in just a blink kaya naman malaking pasasalamat ng mga magulang ko. Gusto ko ding patayuan ng mas magandang bahay ang mga ito pero tinanggihan din nila kaya ito parin ang maliit na bahay na tinitirahan nila simula noong makita ko sila. Walang nagbago. At hindi daw nila babaguhin ang buhay na ito ngayon kahit na pwede ko naman na ailang iangat sa buhay. "Kuya Kenneth." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako. Tumayo at sinalubong ang nakakabata kong kapatid. Si Sandra. 23 years old na na siya ngayong tinutulungan kong makapagtapos na ng pag aarak. Nasa 1st year college pa lang ito dahil nga sa hindi mapag aral ng mga magulang ko noon. "Naglayas ka kuya?" Nakatingin ito sa maleta ko. "Nagbakasyon lamang ako Sandra." "Ay akala ko lumayas ka sa pamilyang umampon sayo.. kumusta naman sila? Mababait parin ba sila saiyo hanggang ngayon?" "Oo naman, they are always kind." "Uhm." "Nasaan ang kuya Kendrick mo?" "Hmmmp. Lagi namang wala iyon. Hindi pa nga umuuwi, mag iisang linggo na. Wala pang paramdam." Nakasimangot na sagot nito. Well, Kemdrick is 25 years old now. Mas matanda ako ng dalawang taon. At siya ang isa sa kunsumisyon ng mga magulang namin. Lumaki kasing bulakbol. Pinag aaral ko pero ayaw naman niya. Matanda na daw ito at hindi na daw iyon para sa kanya. Hindi ko na pinilit. Kaya si Sandra na lang ang tinutulungan ko ngayon sa pag aaral.. na balang araw ay magiging maganda din ang kinabukasan nito tulad ng tinatamasa ko ngayon. "Mag aayos na muna ako ng gamit ko." "Okay. Welcome home kuya." Ngumiti na lang ako ulit dito bago ito lumabas. Hindi naman ako magtatagal dito.. gusto ko lang naman ng kaunting space para makapag isip. At babalik sa dating buhay na nakasanayan ko na. ¤¤¤ "Nandito pala ang super hero ng pamilya." Kunot ang nuo ko dahil sa sinabi ni Kendrick. Isang linggo na ako dito sa bahay pero ngayon lang ito nagpakita at umuwi.. tapos ganito pa ang isasalubong sa akin. "Kendrick." Ang tatay na tumayo sa pagkakaupo sa harapan ng hapagkainan. "Umayos ka." "Wala naman akong ginagawang masama tay... saka totoo namam ang sinasabi ko. Hindi bat siya ang dahilan kaya atin na ang lupang kinatitirikan ng barong barong natin.. hindi pa nilubos.. bakit hindi kayo patayuhan ng mas malaking bahay ng may maipagmamalaki naman ako sa mga barkada ko." "Malaking bahay ba kamo?" Seryusomg tanong ko at tumayo na din sa kinauupuan ko. "Kung bahay kina tatay ay kaya ko silang ipagaw.. pero kung ang dahilan mo lang ay ang ipagmalaki sa mga walang kwenta mong barkada.. gumawa ka ng sarili mo." Galit na sumbat ko. Hindi ako pinalaki nina tito Ace na ganito pero kung ang kapatid ko lang na ito ang kaharap ko.. mawawalan lahat ng mga iyon. "Hahaa! Mayabang ka lang dahil may pera ka. Maswerte ka dahil mayaman ang umampon sayo. Dahil kung wala sila.. wala ka sa kinalalagyan mo ngayon." "Kendrick, tama na." "Hindi ko ipinagmamayabang kung ano ang estado ngayon ng buhay ko. Kung talagang kinalimutan ko ang pamilyang ito ay wala sana ako ngayon dito. Hindi ko dapat kayo hinanap at magpapakasarap na lang ako sa yamang tinatamasa ko." "Talaga? Sana nga hindi ka na lang nagpakita.. ng hindi palaging inihahambing ka sa akin nina tatay.. keso mabait ka.. keso may paninindigan ka.. huh! Walang ibang santo sa kanila maliban sayo." "Kung nagtitino ka lang hindi ka maihahambing sa iba. Hindi man sa akin ka nila ihambing.. maraming mas hihigit sayo dahil pinapariwara mo ang buhay mo." Gigil na sumbat ko. Hindi man makatarungan talaga ang ihambing nila ako dito pero tama naman ang sagot ko. Kung naging mabuting anak lamang ito sa kanila ay malamang hindi siya makakaramdam ng ganito. "Pasensya na kayo, itay.. inay.. pero nawalan na ako ng gana." Sabi ko sa kanila.. maayos naman akong nagpaalam sa mga ito. Pero nag iwan ako ng isang makahulugang tingin sa kapatid ko. Magtutuloy na sana ako sa silid ko ng may kung sinong tumatawag sa amin mula sa labas ng bahay. "Tata Kandro.. may naghahanap po sa binata niyo." Iyon ang isa sa mga narinig ko. Sabay pa kami halos ni itay lumabas ng bahay. "Sino, Dante?." Tanong ni tatay dito. "Kanina pa siya paikot ikot sa bayan. Tama naman ang asawa ko ang napagtanungan niya. Kaya dinala na namin dito dahil si Kenneth naman daw ang hanap." Napalingon kami sa hindi kalayuan pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala ang kulay asul na Kia at ang plate number.. "What the hell is he doing here?" Tanong ko mismo sa sarili ko na sinimulang lapitan ang bagong dating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD