#21:

3154 Words
Typos and grammatical error ahead! Walang edit to kaya unawain niyo na lang! ??? ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ Natatakot na ako dahil kanina pa ako nawawala. Kung nagpasama siguro ako sa isang nagbabantay sa akin ay baka hindi ako matatakot ng ganito. Pero sigurado naman na hindi ako papatagan ng mga iyon kung sakali man kaya naman tinakasan ko sila at heto ako ngayon.. pagala gala na at pabalik balik na lang ako sa pagmamaneho sa isang bayan kung saan daw si kuya Kenneth sabi ng taong lihim kong inutusan. Natatakot din akong magtanong. Naiisip ko na baka lukuhin lang ako ng mapagtanungan ko o di kaya naman ay masamang tao pa ang mga ito. "Kuya Kenneth." Kanina pa tinatawag ang pangalan ni kuya Kenneth. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi ko makontak ang numero niya kaya no choice talaga ako ngayon. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Palinga-linga pa ako sa paligid. Kinikilatis ang mga taong dumadaan mismo sa harapan ng kotse ko hanggang sa may mag asawa ng lumapit at kinatok ang bintana sa tapat ko. Ayaw ko man sanang pagbuksan pero naulit ang pagkatok sa bintana ko kaya naman napilitan akong ibaba ang salamin. "B-bakit po?" Mahinang tanong ko sa mga ito. "Pasensya ka na hijo. Napapansin kasi namin na kanina ka pa pabalik balik at nagtatagal sa pagpapark dito. Nawawala ka ba?" Napansin ko naman na mapagkakatiwalaan ang mga ito. "Ah.. eh, m-may hinahanap po kasi ako. P-pero hindi ko pa sigurado kung saan po iyon." "Sino hijo? Baka kilala namin. Maliit lang naman ang bayan na ito." "Mmm, H-hinahanap ko po si Kuya Kenneth. Kenneth Hidalgo po ang buong pangalan." "Hidalgo? May kilala kaming Hidalgo. Kapaitbahay lang namin pero hindi ko sogurado kung nandoon ang hinahanap mo. Pero napansin ko naman na dumating ang isa sa anak nila noong nakaraang linggo. Baka siya ang hinahanap mo?" "Talaga po? Pwede po bang pakituro sa akin kung saan siya nakatira?" Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi nito. Hindi masasayang ang pagtakas ko sa mga nagbabantay sa akin. Maiuuwi ko na si kuya Kenneth. Sabay kaming uuwi ng bahay. "Sige hijo. Sandali at kukunin ko lang ang motor ko." "S-sakay na po kayo sa likod." Tumingin pa ako sa backseat. Sinamahan ko na din ng ngiti. Hindi ko na naisip na baka pakitang tao na lang ang pagtulong sa akin dahil mas nanaig ang kagustuhan kong makarating kung nasaan si kuya Kenneth. Nagkatinginan pa silang dalawa bago pumayag na sumakay sa likod ng kotse ko. "Pakituro na lang po ang daan." Sabi ko ng muli kong paarangkadahin ang kotse. "Sige hijo." ¤¤¤ "Dito mo na iparada hijo. Saglit lang at bababa kami at tatanungin ko lang si Mang Kandro. "Sige po." Magkasunod na bumaba ng kotse ko ang mag asawa. Nakasunod na lang din ang tingin ko sa mga heto hanggat sa tumigil sila sa harapan ng maliit na bahay. Hindi naman maliit. Sadya lamang maliit talaga kumpara ng bahay sa A. Place. At halata naman na pawang mga maliliit lang talaga ang bahay ng mga tagarito. May lumabas sa bahay. Matandang lalaki. Napatingin pa sila sa gawi ko ng ituro ako ng mag asawa. Naghintay pa ako ng ilang mga sigundo hanggang sa tuluyan ko ng nakita si Kuya Kenneth na palabas ng bahay. Hindi na ako nagsayang ng oras dahil agad akong bumaba at patakbong sumalubong sa kanya. "Kuya Kenneth." "What are yoi doing here?" May pagtatakang tanong niya habang kulong na ako ng bisig niya. Hindi ako sumagot. Mas nagsumiksik ako sa katawan niya. Ang kaninang takot ko at nawala na ng tuluyan ngayong nakita ko na siya. Hindi nasayang ang pagtakas ko dahil nagtagumpay akong mahanap siya. "Salamat sa paghatid sa kanya dito manong Dante." Si kuya Kenneth habang nakayakap parin ako sa kanya. Hindi na ako muling tumingin sa mag asawang tumulong sa akin. Basta nakabaon na lang ang mukha ko dibdib ni kuya Kenneth. "Wala iyong anuman, Kenneth. Sige at mauuna na kami." "Sige po." Ng makaalis ang dalawa ay hinarap ako ni kuya Kenneth. Kinalas ang kamay kong nakayakap sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Muli niyang tanong. Kunot ang nuo at nawala ang kagiliwan sa tinig niya. "H-hinahanap ka." Totoong sagot ko. "At ikaw lang mag isa ang nagtungo dito? Alam mo ba kung gaano kadilekado ang ginawa mo?" "I'm here to take you home." "Huh!. Ugh, Acer." Tampal pa niya ang nuo na sinundan ng pagkamot ng ulo. "Go..." "Bakit di mo muna papasukin ang bisita mo, nak." Napalingon kami pareho sa nagsalita. "Gusto mo bang pumasok sa bahay namin hijo?" Kuway ako ang binalingan nito. Tumango ako bilang sagot kaya naman kahit siguro ayaw ni kuya Kenneth na papasukin ako sa bahay nila ay wala na siyang nagawa. Umalalay naman siya sa akin sa pagpasok. "Huwag kang magrereklamo sa mga bagay na makikita mo dito sa bahay. Hindi ito katulad ng bahay sa A. Place." "H-hindi naman ako nagrereklamo." Nakalabing sagot ko pero iginala ko parin ang paningin ko sa loob ng bahay. Maliit lamang at masasabing luma na lahat ng mga kagamitan nila. "May bisita pala ang hero ng pamilya." Napalingon ako sa nagsalita. Kapansin-pansin na galit ito kay Kuya Kenneth sa kung paano siya nito tignan. "At.." nakangisi itong bumaling naman sa akin. "Isang kyut at batang bata na galing sa marangyang pamilya. Baka naman gusto mo kaming ambunan ng kaunting salapi." "Kendrick." Humarang si kuya Kenneth ng tangkang lalapit ito sa akin. "Ayusin mo ang kilos at pananalita mo." Hindi ko man makita ang hitsura ni kuya Kenneth dahil nakatalikod na siya sa akin ay alam kong galit siya sa paraan ng salita niya. "Naman, Kenneth. Huwag mo namang ipagdamot ang natatamasa mo sa pamilya nila." "Isa pa, Kendrick." May pagbabanta sa tinig ni kuya Kenneth. "Pagpasensyahan mo na ang isa sa anak ko hijo. Kumain ka na ba? Ano ang gusto mo? Ipaghahanda ka namin." Napatingin ako sa matanda. Ang totoong ama ni kuya Kenneth. Sa totoo lang ay hindi ko naisip na ganito ang madadatnan ko kapag nakita ko si kuya Kenneth. Ang makilala ang tunay na mga magulang niya. Ibig ba nitong sabihin ay matagal nang kilala ni kuya Kenneth ang mga magulang niya? Sa hinaba haba ng panahong nasa amin siya ay kilala na pala niya ang mga ito. Kaya ba umalis siya ng bahay dahil mas gusto na niyang kapiling ang tunay na pamilya at ayaw na niya sa amin? "H-hindi po ako nagugutom. Salamat na lang po." Maayos na pagtanggi ko dito bago ako bumaling kay kuya Kenneth. "Kuya Kenneth, kailan ka uuwi ng bahay?" Kuway tanong ko sa kanya ng balingan din ako. "Pagpapahingain ko na muna siya itay. Mauna na kayong kumain, susunod na lang po ako." Sabi naman niya sa ama bago ako muling binalingan. Hindi niya ako inimik pero hinawakan ako sa kamay at hinila sa isang maliit na silid. "Ano naman ito, Acer?" Tanong ni kuya Kenneth sa akin ng maisarado niya ang pinto. Tutop ang nuo na parang gusto pa akong paluin sa paraan ng tingin niya sa akin. "Agh." Tinampal pa ang nuo. Kinuha niya ang cp niya. "Damn it. Give me your phone." Kuway sabi niya at ibinalik ang cp sa ibabaw ng maliit na upuan sa gilid. Agad naman akong kumilos at ibinigay sa kanya ang phone ko na nasa bulsa ko lang. Hindi ko na tinanong kung sino ang tatawagan niya dahil alam ko naman na ipapaalam niya kina Daddy na nandito ako ngayon sa bahay nila. "Si Kenneth po ito, tito... opo.. huwag po kayong mag alala maayos naman po siyang nakarating dito.. Opo tito.. ibabalik ko po siya agad dyan sa inyo.." "No.." sumabad ako kahit hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni daddy o si mommy ba ang kausap niya. "Hindi ako uuwi kapag hindi ka umuwi ng bahay." "Acer." Pinanlakihan pa niya ako ng mga mata. "Yes tito. Here." Sabay abot sa akin nh cp ko. "Baby." "Daddy. I do not want to go home without kuya Kenneth. I wanna stay here hanggang sa sasama na siya sa akin umuwi." Nakalabi kong kausap kay daddy ng ipasa sa akin ni kuya Kenneth ang phone ko. "Pero himdi mo sana tinakasan ang mga nagbabantay sayo. Alam mo bang alalang alala kami ng mommy mo ng itawag nila sa amin na nawala ka sa paningin nila." "Sorry daddy. But I am safe here with kuya Kenneth. I wanna stay here with him."pang uulit ko. "Baby.." narinig ko ang pagpapakawala ni daddy ng buntong hininga. "Please." "Okay! Pass the phone to your kuya Kenneth." "Okay. Thank you daddy." Ang pagkakasimangot ko kanina ay nabahiran na ng ngiti na ipinasa kay kuya Kenneth ang phone. "Yes tito." Agad na saad ni kuya ng makuha sa akin iyon pero di nawala ang isang tingin na nagsasabing hindi niya nagustuhan ang pagparito ko. But I don't really care. At hindi talaga ako uuwi ng bahay kung hindi siya kasama. "Uhm, I will tito. Opo.. sige tito... ako na ang bahala sa kanya habang nandito siya." Mas napangiti ako ng marinig ang mga sagot niya kay daddy hindi ko man naririnig ito sa kabilang linya. I know kuya Kenneth will protect me while I am here at panatag akong manatili sa ganitong kaliit na bahay basta siya ang kasama ko. "What? Hindi nakakatuwa ang pagtakas mo." Binalingan na ako matapos kausapin si Daddy. "Paano kung sa paghahanap mo sa akin ay napahamak ka." Napasimangot akong muli dahil sa paninita niya sa akin. "Pero maayos naman ako ng makita kita." "Ugh! Little Acer." Tutop na naman niya ang nuo niya na iyon na lang siguro ang magagawa kahit gustong gusto akong paluin. "What if.. ahhh. Hindi ko alam kung paano puputulin ang pag kaspoiled mo." "Bakit ka kasi umalis? Siguro ayaw mo na sa amin kaya ka umalis? Hindi mo na ako mahal." Panunumbat ko kaysa pansinin ang paninermon niya sa akin. "Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan." "Hmmp.. basta. Tapos, malalaman ko. Nahanap mo na ang tunay mong pamilya. Paano na kami? Paano na ako? Mawawala na ang kuya Kenneth ko sa akin." "Hindi ako mawawala sayo. Ako parin ang kuya Kenneth mo at hindi mababago iyon." "Pero sila na ang kasama mo ngayon. Kaya hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama uuwi." "Whatever. Bahala ka sa gusto mo. Pero hindi ka magiging prinsipe sa pagstay dito sa bahay. Wala si ate Celine para pagsilbihan ka." "Nandyan ka naman." "Ang buhay dito ay hindi ganun kadali. Kaya kung ano ang ginagawa namin dito sa bahay dapat alam mo din gawin. Nagkakaintindihan tayo? Magluto, maglaba, maghugas ng pinggan." "What?" "Yes, narinig mo ang sinabi ko. Kaya kung ayaw mong mahirapan dito. Ihahatid na kita pauwi. Ngayon din mismo?" "No! I wanna stay here." "Ang tigas talaga ng ulo mo. Saka hindi ka pwedeng manatili dito dahil malapit na ang pasukan niyo." "Pwede naman ako mag online class. Remember. Kahit na hindi ako aktwal na pumasok." "Ugh! Little Acer. Di ko alam ang gagawin sayo." Saka niya sinabayan ng talikod. "Saan ka pupunta?" Mabilis ko siyang pinigilan ng lalabas siya ng silid. "Kukunin ko ang gamit mo sa kotse." "I don't have nothing maliban sa suot ko." Sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. "What?" Tumango ako. "Tumakas nga ako diba? Kaya wala akong dalang gamit maliban sa suot ko." Totoong sagot ko. Muli na namang napakamot niyang natampal ang nuo. "Pinapasakit mo ang ulo ko." Sabi niya bago tuluyang lumabas. Sumunod na din ako sa kanya. "Tay, lalabas lang kami sandali. Babalik din kami." Sabi niya sa mga magulang na naghintay yata sa maliit na sala nila. "Sige anak. Mag ingat kayo." "Tara." Hinawakan ako sa kamay at pahilang lumabas. "Saan tayo pupunta? Diba sabi ko hindi ako uuwi kapag di ka kasama?" "Bibili tayo ng gamit mo. Ano? Iyan lang ang susuutin mo hanggat nandito ka?" Napasimangot ako pero sa loob ko ay may kaunting tagumpay akong nadama. Mananatili ako sa tabi ni kuya Kenneth hanggang sa magpasya na itong umuwi ng A. Place kasama ko. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Wala bang foam?" Pagrereklamo niya ng pahiga na siya sa kama. O tawag ito nina Itay at Inay ay Katre. Gawa kasi ang kama sa kawayan na nilalatagan lamang ng banig. Nilatagan ko na lang ulit ang banig ng kumot para hindi siya magaspangan. "Kung magrereklamo ka at ayaw mong matulog sa matigas na higaan pwede na kitang ihatid ngayon sa A. Place." Sabi ko na tinaasan ko pa siya ng kilay habang sinusulyapan din ang hihigaan niya. Napasimangot siya sinabi ko na hindi maitago ang pagmamaktol. "Bibili ako bukas ng foam." "Walang bibili ng foam. Magtiis ka dahil ginusto mong manatili dito. Sige na. Matulog ka na. Bukas na lang natin ayusin ang iba mong gamit na binili natin." Nakasimangot parin siyang sumampa ng kama pero bago pa man ako makalayo para sana maglapag ng tutulugan sa sahig ay pinigilan niya ako. "Tabi tayo kuya Kenneth. Alam mo naman na hindi ako nakakatulog agad lalo na at hindi familiar sa akin ang bahay na tutulugan ko." Nagpakawala ako ng isa na namang buntong hininga. Pang ilang ulit na ba? Hindi ko na mabilang simula ng dumating siya kaninang umaga. "Okay! Just lie down. Aayusin ko lang ang hihigaan ko." Tumango naman siya. Humiga na. Lihim akong napangiti ng mapansin ko ang pagngiwi niya dahil sa tigas ng hinigaan niya. Minadali ko ng inayos ang hihigaan ko bago ako tumabi sa kanya. Paghiga ko ay agad siyang kumilos na lumapit at sa mismong braso ko siya umunan. "Uwi na tayo, kuya Kenneth." Mahinang saad niya. Isiniksik pa ang katawan sa akin at mahigpit na yumakap. "Not now. If you can't stand to stay here. I will take you home tomorrow." Umiling siya. "No! Hindi ako uuwi kapag di ka kasama." "It's up to you. Iba ang buhay dito kaysa sa buhay na nakasanayan mo." "Hmmm." Hindi na siya sumagot kaya di na din ako umimik. Hindi ko man gusto na narito siya pero nakakagaan naman ng loob ang makitang maayos lamang siya. At sa kaalamang hinanap niya ako sa mga araw na wala ako sa kanila. Hindi ko naman talaga balak magtagal dito sa bahay pero parang nakakaexcite na ngayong manatili muna dito dahil nasa pangangalaga ko siya. Masusubukan ko kung hanggang kailan siya mananatili kung ang ipaparanas ko ay ang simpleng buhay na malayong malayo sa nakasanayan niya. "Makakatagal ka ba sa ganitong buhay?" Mahinang tanong ko. Masuyong pinaglaruan ng kamay ko ang buhok niya. "Little Acer?" Tawag ko sa kanya ng hindi siya sumagot until I founf out na tulog na pala siya. Napangiti na lang ako. He is comfortable while I'm around kaya nakakatulog siya agad tulad ngayon. Matigas na higaan. Walang aircon maliban sa maliit na electric fan na siyang nagsisilbing pampalamid sa silid. "Hmm. Sleep tight little Acer." Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ako kumilos para ayusin siya ng higa para lilipat na din ako sa lapag kung saan ako naglatag ng hihigaan ko. Isang damping halik sa nuo niya bago ako tuluyang nahiga. Matutulog na ng may lakas bukas para mag alaga sa kanya. ¤¤¤ Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may mabigat sa isang kamay ko. Sa may hita ko kaya namang agad akong nagmulat ng mga mata ng mapagtantong si Acer mismo ang nakaunan sa braso ko habang nakasandal ang isang paa sa paa ko. Nailing na may kasamang ngiti ako sa mga labi. Lumipat siya ng higaan at tumabi sa akin at ngayon himbing na himbing siya sa pagkakatulog. "Hmmm, hindi ka parin nagbabago sa paraan ng pagtulog mo my little Acer." Naibulong ko. Masuyong hinaplos ang pisngi niya at pinagmasdan siya. Habang pinagmamasdan ko siya ay nadako ang tingin ko sa labi niya na bahagyang nakaawang pa. Payapang humihinga. Napalunok ako. Kusang kumilos ang kamay ko at dinama ng daliri ko ang labi niya. "Buong buo ang tiwala sa akin ng mga magulang mo at ipinakatiwala ka nila sa akin. Pero hindi ko kayang samantalahin ang kabataan mo ngayon. Hihintayin kong tuluyan kang magmatured. Kapag dumating ang araw na iyon at mahal mo parin ako tulad ng sinasabi mo. Hindi ako magdadalawang isip na tuparin ang kasunduan namin ng daddy mo." Mahinang saad ko habang patuloy na nilalaro ng daliri ko ang labi niya. "My little Acer." Sambit ko sa pangalan niya at tuluyang damahin ang kalambutan ng labi niya gamit ng labi ko. Bago pa man lumalim ang halik na iginawad ko at makalimot ay tumigil na ako. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko ng muli siyang pagmasdan. "Be matured enough, little Acer. Kuya Kenneth is waiting for you." Bulong ko. Isa pang masuyong haplos sa pisngi niya at ilang sigundo ko pa siyang pinagmasdan bago ako nagpasyang bumangon na at ng makapaghanda na ng agahan niya. Agahan naming lahat. ¤¤¤ "Kuya Kenneth." Nakasimangot naitinigil niya ang pagsalok ng tubig sa gripo. "Bakit?" Pabalewalang tanong ko kahit na kanina ko pa gustong tumawa sa ayos niya habang nagbobomba siya sa gripo. "Bakit kasi ganito ang salukan ng tubig dito. Wala bang katulad sa bahay?" Pagrereklamo niya. "Sinabi ko sayo na iba ang buhay dito sa buhay sa A. Place. Saka walang ganun dito maliban dyan sa gripo na binobombahan mo." "Naman eh." Mas napasimagot siya. "Tapos maglalaba pa ako ng damit ko. Hindi ba pwedeng ipalaba na lang natin?" Dagdag reklamo niya na may kasama pang pagpadyak ng paa habag hawak ang bombahan ng gripo. "Acer, gusto mo bang ihatid na kita sa A. Place?" Tinaasan ko siya ng kilay na mas ikinasimangot niya. "Hmmp. I hate you." Padabog na muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Lihim na lang talaga akong napapangiti. Akalain mo nga naman. Ang prinsesa nina tito Ace at tito Elijah narito at nararanasan ang simpleng buhay. "Kaunti na lang iyan. Saka dalawang pares lang ang damit mo kaya madali lang labahan ang mga iyon." "Oo na." Hindi ko naman siya hahayaang mapagod. Iyong tama lang para malaman naman niya kung paano mamuhay ang isang simpleng mamamayan. Nawili naman ako sa paggabay sa kanya. Nag igib kami ng tubig. Siya ang tagasalok habang ako ang tagabuhat. Ang paglaba naman ng damit ay sinabayan ko na rin siya hanggang sa nauwi din na ako ang tumapos ng mga iyon dahil sa namula ang mga kamay niya sa sabon na ginamit namin. "Ang kati eh." Maluha-luha niyang pinapagamot ang kamay niya sa akin. Pinapahiran ko ng ointment ang mga kamay niya ngayon. "Kasalanan mo ito. "Sorry na nga diba. Dibale, pagkatapos nating mapahiran ito. Ipapasyal kita sa bayan." Panunuhol ko na lang para mailihis ang isip sa nangyari sa kamay niya. "Talaga?" "Yeah!." "Yeheeh. Bilisan mo na. Para makapamasyal na tayo." "Heto na, patapos na." Parehong nakangiti na kami hanggang sa matapos at tulad ng naipangako ko. Ipinasyal ko nga siya sa bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD