Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ "Ano?" Kunot ang nuo ni Kendrick ng lapitan ko siya habang inilalabas ang baon na pagkain sa bag nito. Napalabi ako. Pinanuod ko lang siya sa ginagawa. "Ano?" Muli nitong tanong. Itinigil ang pagbukas ng baunan. "Kung nandito ka para ibully ako. Wala akong panahon para patulan ka." "Why should I do that? Hindi ako katulad mo na mahilig mangbully." Sagot ko naman dito. Tinignan na lamang niya ako at hindi na nagsalita pa. Ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa. Tahimik na naupo sa ibabaw ng malapad na flower fence. "And why are you here eating all alone. Mayroon naman restaurant dyan sa loob or a mini cafeteria." Saad ko kahit na alam kong hindi papansinin. Wala naman akong balak pakialaman ito pero I always saw him like this. Ku