Typos and grammatical error ahead!! R-? ººº Kenneth Pov: ººº Hindi na kami nagtagal sa ocean park kahit na gusto pang manatili at pagmasdan ng matagal tagal ang mga isda dahil sa dami ng taong namamasyal din doon. Nakasimangot siya habang pahila ko siyang palabas. "Kuya Kenneth, I wanna stay longer." may pagmamaktol pa niyang sabi na may kasamang papadyak ng paa. "Makakabalik pa tayo dito. Masyado ng maraming tao kaya kailangan na nating umalis." "I don't care. Hindi naman sa kanila ang place. How about we rent this whole place in one day." Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Why?" maang pa na sagot niya na tila balewala ang sinabing rentahan ang buong ocean park para lamang makapamasyal at masarili ang buong lugar. Nailing ako na hindi alam kung ano ang dapat kung isago