SUMAKAY na kami sa sasakyan at pinag-gitnaan namin sina Blade and Blaze rito sa backseat. Si Kenzo naman ay mag-isa sa kabilang kotse at sumusunod sa amin. “Mama, uwi na po tayo?” pagtatanong sa akin ni Blade kaya tumango ako. “Opo, uuwi na po tayo.” sabi ko sa kanya at inayos ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha. Nagulat akong humiga siya sa aking hita. “Inaantok ka na, Blade?” pagtatanong ko sa kanya kaya tumango siya sa akin. “Opo, apagod po ako.” Mahinang sabi niya sa akin at kinuskos ang kanyang mukha sa aking hita. “Sleep ka muna, Blade. Gigising ka na lang ni Mama kapag malapit na tayo, okay?” ani ko sa kanya at wala pang isang segundo ay narinig ko na ang paghinga niya nang malumanay. “Nakatulog na siya?” Napatingin ako kay Master Kaiju nang magsalita siya nang