“Mama, saan po tayo pupunta today?” Nasa sasakyan ako ngayon kasama sina Blade and Blaze, habang si Chef Rainer ang nagda-drive at si Mister Kenta naman ay nasa passenger seat kaya kaming tatlo ay nasa backseat. “Isu-surprise natin ang daddy niyo ngayon. Pupunta tayo sa company niyo ngayon.” Nakangiti kong sabi kay Blade. “Did you mean, Mama, pupunta tayo sa work ni daddy?!” Nanlalaki ang mga mata ni Blade nang magtanong ulit siya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Yes, but, before that una nating pupuntahan ay dumaan sa isang fast food restaurant. Alam niyo ba kung ano iyon, ha?” Pagtatanong sa kanilang dalawa. Nakatinginan sila at saka nanlalaking mga matang tumingin sa akin. “Red bee, Mama?” Sabay nilang sabi kaya tumango-tango ako. “Yes, sa Red Bee tayo pupunta and sa Gold Rib