NAKATULALA ako rito sa harap ng counter. Iniisip ko pa rin si Blaze kung napainom na ba nila ng gamot, o, kung bumaba na ba ang lagnat niya. “Huy, Isa, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala d'yan, ha? May nangyari ba sayo?” Napatingin ako kay Gigi nang tapikin niya ako sa aking braso. Umiling ako sa kanya. “W-wala lang, Gigi... Inaantok lang ako.” Dahilan na sabi ko sa kanya. “Matulog ka na lang muna kayo sa likod. Wala naman gaanong customer ngayon and kumpleto naman tayo rito.” sabi niya sa akin pero umiling ako sa kanya. “Ayos lang ako, Gigi, mamaya na lamang ako matutulog kapag nakauwi na ako sa amin. And, ilang oras na lang din naman ay patapos na ang shift natin.” wika ko. Nagkibit balikat siya sa akin. “Ikaw bahala, Isa. Pero, kung hindi mo talaga kaya ay matulog ka sa likod