NATAPOS ang Gender Reveal namin. Kinabukasan ay iyon pa rin ang bukambibig nila. Akala raw nila ay lalaki ulit at magkakaroon ulit sila na Young Master sa angkan ng mga Zenger pero nagkamali sila. “I told you everyone, it's a girl! May Young Lady na tayo sa Mansion.” Sigaw ni Chef Rainer kaya napapailing ako sa kanya. “Tama na, ang ingay nang boses mo! Hindi porket ikaw lang nakahula sa amin ng tama!” Sigaw nila kay Chef Rainer na nagmamayabang pa rin. “May Young Lady na tayo sa Mansion! Excited na akong makita siya! Paniguradong tuwang-tuwa pa rin si Bossing doon, Miss Isa!” Napunta sa akin ang tingin na niya. “Siguro po, kasi kagabi po ay iyon pa rin ang pinag-uusapan namin. Nag-iisip na po siya ng magandang pangalan sa baby girl namin.” sabi ko sa kanya kaya napatawa si Chef Rai