NAPADILAT ako. Nakatulala ako habang nakatingin sa aking harapan. Nasaan ako? Tinignan ko ang buong paligid ng k'wartong kinalalagyan ko, hindi ito ang room ko sa Mansion. Napahawak ako sa aking ulo nang sumakit iyon, napasigaw ako dahil pumipintig at sumasakit talaga iyon. Hindi lamang ang ulo ko maging ang aking katawan at doon ko nakitang may bandage ako sa aking kaliwang braso. “Miss Isa!” Narinig kong may bumukas nang pinto at may tumatawag sa akin pero hindi ko sila binigyan pansin. Sumasakit talaga ang ulo ko. “Miss Isa, si Rainer ito!” Hinawakan niya ang aking kamay. “Ligtas ka na, ligtas na kayo ni Bossing!” Paulit-ulit niyang sabi sa akin at pinaharap niya ako sa kanya. Nang makita ko siya ay doon ako umiyak. “Chef Rainer...” Nanlalabo na ang aking mga mata habang nakat