ILANG araw akong nagpahinga. Ilang araw akong nakahiga lamang sa kama. Hindi nila ako pinapakilos man lang dahil inaalala nila ang sugat ko. “Anak, huwag kang sakit sa ulo nila Rainer and Renzo, ha? Lalo na si Kaiju, makinig ka sa kanya.” Madiin na sabi sa akin ni Mama at dinuro pa niya ako ng kanyang kanang hintuturo. “Alagaan mo rin ang mga cute na apo ko kahit hindi sayo galing, ha? Ang gagwapo at ang cute pa naman nina Blade and Blaze.” Bilin niya sa akin at tinignan sina Blade and Blaze, nasa tabi ko silang dalawa. Na-discharge na ako sa hospital at pwede na akong umuwi sa Mansion. Pinapapunta pa nga namin si Mama sa Mansion ng mga Zenger para makita niya, pero umiling siya sa akin. “Sure po ba kayong hindi na kayo sasama sa bahay, Mama? Para naman po makita niyo iyong ibang kasa