LUMAKAD na ako sa paradahan nina Chef Rainer at Kuya Renzo. Totoo ngang silang dalawa na ang bodyguard ko. Si Kuya Renzo nga ay nakikita ko pang umaaligid sa hospital para magmasid sa akin. Hindi talaga nila ako iniiwan na ako lamang. “Miss Rhodisa,” salubong sa akin ni Kuya Renzo. Kinuha niya ang tuckle box ko. “Kuya Renzo, Miss Isa na lamang po katulad ng kay Chef Rainer.” sabi ko sa kanya. Oo nga pala, Kuya Renzo ang tawag ko sa kanya dahil ngayon ko lang nalaman na mas matanda sila sa aking ng limang taon. Naloka ako, akala ko same age lang kaming tatlo, katulad ni Rey na 24 years old lamang. Siya lang yata ang ka-age ko sa Mansion. Napakamot siya sa kanyang buhok. “Sasanayin ko po, Miss Rho... Isa.” Pinanlakihan ko kasi siya ng mga mata ko. “By the way, nakita ko po ang kausap