HINDI pa rin talaga ako makapaniwala na tanggap ako ng parents nila Master Kaiju. As in, hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang aking balahibo dahil sa magiliw na pagtanggap nila sa akin. “Isa, naging sakit ba sa ulo si Kaiju sayo?” Mahinahon na tanong ni Madam Kairi sa akin. Nandito kami ngayon sa lanai na nasa mansion din ng mga Zenger. Nagtsa-tsaa kami ni Madam Kairi kahit tirik ang araw ngayon. Saturday ngayon kaya wala kaming duty sa hospital. Hindi rin kami pinapapunta sa campus kaya nag-stay ako rito sa Mansion. Actually, ayaw niyang tawagin ko siyang Madam, at gusto niyang tawagin ko siyang Mommy Kairi pero nahihiya ako. Kaya pinipilit ko pa ring sabihin ang salitang Madam Kairi. Napangiti ako sa kanya. Sasabihin ko ba ang totoo sa kanya? Na sakit talaga sa ulo si Master Kai