PAGKABALIK namin sa Mansion ay may binigay sa amin si Mister Kenta. Isang imbitasyon sa pagtitipon ng mga Krick. Heto siguro ang sinabi ng nakausap namin kanina. “Oh, sa Friday night ang party.” Pagbungad na sabi ni mommy Kairi nang mabuksan niya ang imbitasyon. Napaka-elegant nga ng invitation card, e. Kulay ginto ito at maging ang ribbon ay ginto rin kaya para siyang kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng ilaw. “Friday night?” Lumabas na lamang iyon sa aking bibig. “Why, Isa? Hindi ka ba pwede ng Friday night?” Nag-aalala ang boses ni mommy Kairi ng magtanong siya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Um, hindi naman po, mommy Kairi. May duty po kasi ako that day sa hospital kung saan po ako nag-i-internship po.” sagot ko sa kanya. “What time is your duty over, Isa?” Nakatingin ni