OUR FIRST day here sa Boracay. Maaga akong nagising kay Master Kaiju kaya naligo na ako at sinuot ang binigay ni Kesha sa akin na swimsuit, kulay pink ito. Isa itong ruffle one piece swimsuits na may malaking ribbon sa may dibdib ko. Ang cute nga niya kaya heto ang sinuot ko. Pinatungan ko ang aking suot na isang maxi dress, kulay pink din at may design na mga bulaklak. Ang sarap kasi pakiramdam nito at ang lambot pa. Lumabas na ako sa bathroom ng tree house villa na ito, solo namin ni Master Kaiju ito. Pagkalabas ko ay nakita ko na siya na nakasandal sa kama at nakatingin sa akin. “Ang ganda mo, Isa. Come here.” Tawag niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya. “Ang bango mo.” Amoy niya sa aking leeg kaya napakislot ako. “Master Kaiju, tumayo ka na po d'yan. Need na po natin kumain ng