PAGKABABA namin sa lounge ng hotel ay umalis na rin kami agad, hindi kami kakain ngayon sa dinning hall. Nag-usap kasi kami ni Master Kaiju na kumain sa local restaurant dito. Kaya nagpasya kaming kumain dito sa isang local restaurant sa Boracay, best delicacies nila ay seafood kaya rito na kami pumunta. Pinili naming pwesto ay itong nasa labas nila, na kita ang buong dagat dito. “Mama, matagal pa po ba?” pagtatanong sa akin ni Blade at humilig siya sa akin. Nakita ko ang paghawak niya sa kanyang tiyan habang ang kanyang labi ay humahaba na. Kaka-order lang namin at wala pa yatang limang minuto nang kunin ang mga order namin. “Malapit na iyon, Blade. Nagugutom ka na ba talaga?” pagtatanong ko sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Tumingin siya sa akin at tumango. “Opo, Mama. Guto