JULIE "So feeling mo, makukuha mo sya dyan sa ginagawa mong paglalandi?" natatawang bulong sakin ni Krissa habang nagpapahinga kami. Kakatapos na naman kasi ng practice game namin at talo yung team nila Dani dahil ginagawa ko na naman sa kanya yung mga pang-aakit na ginawa ko non sa kanya kapat naglalaro kami. In fairness, effective pa rin pala. Kaya ko pa rin pala syang mapatulala at maakit kapag kinakagat ko yung lower lip ko sabay kindat sa kanya. Ayun, imbes na maspike yung bola, natitigilan lang kaya natambakan namin sila. Natatawa din ako nung tinawag sya at kinausap nila Coach. Ano naman kayang idadahilan nya? Na distracted sya sa kagandahan ko? Joke lang! "Effective naman diba?" nakangiting sabi ko. "In fairness naman talaga sa alindog mo sis, talagang nakikita ko yung pagtulal