JULIE "Oh my gosh. Parang nangyari na 'to. Dejavu" natatawa pero naiinis na sabi ni Krissa nang mapagbuksan nya 'ko ng pinto. "Baby, sino yan?" narinig ko namang tanong ni Jobelle. Yes, magkasama na rin sila sa iisang condo ngayon. Wala eh, in love na rin yung sissy ko eh. And nandito ako ngayon para bulabugin sila dahil may naisip akong surprise kay Dani. Sabi ko naman diba, gagawin ko lahat para mabalik yung dati. "Sino pa ba, eh di yung magaling kong bestfriend na parang alam ko na yung dahilan kung bakit ke-aga aga eh nambubulabog." "Julie?" pupungas-pungas na sabi pa ni Jobelle. "Ligo na kayo at magbihis. May pupuntahan tayo. Dali" nakangiting sabi ko. "Jules naman, alas tres pa lang ng medaling araw. Late tayo natapos sa training kagabi, baka gusto mo muna kaming pagpahingahin