JULIE “O sis, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pahinga nyo ngayon ni Dani?” takang tanong sakin ni Krissa nung pumasok ako sa gym. Tumingin lang ako sa kanya at sa iba pa naming teammates na nagttraining. Actually, pinayagan naman talaga ko ni coach na wag na munang umattend ng training sa tulong na rin ni Ate Reya, eh kaso mo, nambswisit si halimaw. Ang sabi nya saglit lang sya makikipag-usap kay JR and sabay kaming maglulunch. Pinagluto ko pa kaya sya. Pero anong ginawa nya? Bukod sa inindyan na nya ko, hindi ko pa sya makontak. Tawag ako ng tawag pero cancel lang sya ng cancel ng tawag, tapos nung tnry ko ulit, ayun naka-off na. Ni hindi ko alam kung nasaang lupalop na sya ngayon. At kesa magkulong lang ako sa condo at magpakabwisit sa nangyari, umattend na lang ako ng training pa