DANIELLE “Huy halimaw! Ba’t ba parang balisa ka nitong mga nakaraang araw, may problema ka ba?” takang tanong sakin ni Julie. Nandito kami ngayon sa condo. Free time namin pareho eh. Medyo nagguilty nga ako kase minsan na nga lang kami magsama ng isang buong araw, wala pa dito yung isip ko. Kasalanan kasi ‘to ni Rei eh, hindi ko alam kung bakit pa sya bumalik dito. At kung bakit kailangang sundan nya kami lagi ni Julie. Yeah sa ngayon, wala pa syang ginagawa or hindi pa nya ko kinokontak, pero kilala ko si Rei, alam kong may binabalak sya. At kung ano man yon, sana lang wag nyang idadamay si Julie. “Huy Dani!” sabi pa nya sabay kulbit sakin. Kailangan ko munang tanggalin sa isip ko yung babaeng yon at magfocus dito sa magandang babae sa harap ko. Ngumiti naman ako kay Julie. “Babe, p