DANIELLE “I’m back” napakunot yung noo ko nang mabasa yung text message galing sa isang unknown na number. Sino naman kaya to? Wala naman ako sa mood replyan para itanong kung sino sya kase baka naman wrong send lang diba? And isa pa, wala naman akong kilala na pwedeng bumalik eh. Andito na si Julie eh, sya lang naman yung hinihintay ko noon. “Aga-aga, nakakunot yung noo, Dani? Yung totoo? Ndi ka nakascore kay Julie kagabi no?” agad ko namang binatukan yung nagsalita. “Igagaya mo pa ko sa’yo na walang ibang ginawa kundi umiscore ng umiscore” natatawang sabi ko. “Hoy! Hindi naman ako ganon. Baka akalain ni Krissa ganun ako, wala namang siraan!” reklamo ni Jobelle. “Pwes, hindi rin ako ganon kaya manahimik ka.” Naiiling na sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa message sa cellphon