JULIE "Teka lang naman saglit, bakit parang hindi man lang nila tayo tinanong kung okay lang satin yung gagawin nila?" narinig kong reklamo ni Reya kay coach. Medyo nagulat ako dahil ngayon ko lang ulit narinig na nagtaas sya ng boses. Lagi kasi syang kalmado kahit noon pa. Pero ngayon, parang galit na galit talaga sya. "Rei, decision nila yon at wala tayong magagawa. Coach lang ako, at assistant coach ka lang." "Yun na nga Tito. Diba? Sana naman respeto lang sa'tin. O kahit sa'yo na lang! Dapat hindi agad sila nagdesisyon! Dapat hinintay muna nila yung sagot natin." "I'm sorry but we have to respect their decision. Kung ayaw mo, feel free to resign" seryosong sabi naman ni coach na ikinabigla naming mga nakakarinig ng usapan nila. Whoa! Seriously? Si coach? Pinagreresign si Rei? "Yu